Chapter 50

647 29 2
                                    

Krisha's pov

Buong gabi ko inisip yung sinabi ni Trisha na may crush siya kay Justin. Hindi ako nakatulog dahil don. Paano ko sasabihin sakaniya na ex ko si Justin?

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa picture namin ni Justin noon na nakatago sa wallet ko. Naka-akbay siya saakin habang ako naman ay nakahawak sa bewang niya at parehas kaming nakangiti.

"Malalim ata iniisip mo ah?" napatingin ako sa gilid ko at nakita si Bea na kagigising lang, kinukusot pa ang mata bago naupo sa tabi ko.

"May problema ba?" tanong niya ulit.

Umiling nalang ako para sabihing wala. Ayoko muna malaman nila na may gusto si Trisha kay Justin, gusto ko ako muna ang bahala dito.

"Kilala kita Krish, ilang taon na tayong mag kaibigan at mag kasama sa iisang bahay kaya alam ko kung may problema ka o wala" tumingin siya saakin ay hinawakan ang kamay kong nakapatong sa binti ko "Kaibigan mo ako, you know I'm always here for you. Alam kong may bumabagabag sa utak mo ngayon kaya pwede mong sabihin saakin, maybe I can help you" she smiled.

I smiled at her "Si Trisha" pag sisimula ko at napatingin sa kawalan.

"Anong meron sa kambal mo?" tanong niya, ramdam ko parin ang pag titig niya saakin.

"May gusto siya kay Justin" sagot ko at yumuko.

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko tuwing maaalala na yung kapatid ko, may gusto sa taong mahal ko. Hindi ko alam kung paano sosolusyunan ang problemang 'to. Ayokong masaktan si Trisha kapag nalaman niyang ex ko ang gusto niya pero ayoko ding masaktan si Justin na binigyan ko ng pangalawang pag kakataon.

Napatingin ako kay Bea ng alisin niya ang pag kakahawak sa kamay ko na ngayon ay nakatakip na sa bibig niya, nanlaki pa ang mga mata niya.

"H-ha? S-seryoso ka ba diyan?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako at ngumiti kahit sa loob-loob ko ay nasasaktan na ako. Maski ako hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon, ayaw mag reshistro sa utak ko lahat ng nangyayari. Gusto kong isipin na panaginip lang lahat ng nangyayari, yung pag amin ni Trisha na may gusto siya kay Justin.

Hindi ba pwedeng mag mahal nalang ng hindi nasasaktan?

"A-anong plano mo?" tanong ni Bea.

"Hindi ko alam" sagot ko at yumuko.

Hindi ko talaga alam kung anong plano ang gagawin ko. Bakit ba kasi ganito nangyayari saamin? Nagiging maayos na kami ni Justin pero bakit may problema nanamang dadating saaming dalawa?

Mapaglaro talaga ang tadhana.

"Sasabihin mo ba kay Trisha na ex mo si Justin?"

Umiling ako. Wala akong planong sabihin sakaniya yun, ayoko.

"Bakit?" tanong niya "Kailangan niya malaman Krish"

Ngumiti ako "Ayoko siya masaktan Bea, kelan ko lang nakasama at nakilala ang kambal ko kaya ayoko siyang masaktan dahil lang sa katotohanang ex ko yung taong gusto niya. Gusto ko siya makitang masaya at alam kong si Justin yung makakapag pasaya sakaniya kahit hindi ko alam kung kelan pa niya nagustuhan at nakilala si Justin. Alam kong gusto talaga niya si Justin"

Hindi ako tanga para hindi maramdaman na may gusto siya kay Justin. Noong una pinag sawalang bahala ko lang yung pakiramdam na yun dahil hindi ako sure pero bawat araw na lumilipas kapag kasama namin si Justin lagi ko siyang nahuhuling nakatingin kay Justin at napapangiti. Minsan ko nadin siyang narinig na may kausap sa cellphone at kinukwento niya si Justin. Kambal ko siya kaya mabilis ko naramdaman yung pag kagusto niya kay Justin.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now