Chapter 25

815 35 5
                                    

Back to Philippines

Krisha's pov

"Para kang tanga" inis na saad ko kay Bea

Kanina pa--i mean kahapon pa kasi nakangiti dahil ayun nga dahil sa surprise ni Jackson sakaniya at dahil na rin sa umakyat na nga ito ng ligaw kay Bea at botong boto pa ang family niya kay Jackson hays, mukang may nag kaka lablayp na, sana all. Napag alaman ko din kahapon pag kauwi ni Jackson ay may gusto din pala 'tong si Bea kay Jackson.

"Tse, wala lang dito si Just---"

"Sige, subukan mo. Ihahampas ko talaga sayo itong maleta" pag babanta ko pero si gaga tumawa lang

"Ang harsh dre, banggitin lang naman pangalan ni ex e" tumatawa niyang wika

Inirapan ko lang siya at pinang patuloy ang pag aayos ng gamit ko para sa flight namin mamaya, mamaya na ang balik namin sa pilipinas. Hindi kami nakapag ayos kagabi dahil sa surprise ni Jackson kay Bea, hindi din naman pwedeng mag pagod agad si Bea at mag puyat dahil kagagaling nga lang sa operasyon kaya minabuti naming kinabukasan nalang mag ayos. Kaso lang bwisit ma babaeng 'to, mukhang walang balak mag ayos dahil panay lang ang ngiti at sulyap sa mga lobo na nakadikit parin sa pader ng kwarto niya.

Pag ako talaga nainis puputukin ko lahat yan.

"Kanina pa tunog ng tunog cellphone mo, wala ka bang balak tignan kung sino nag memessage sayo?" tanong ni Bea

Kagabi ko pa hindi tinitignan cellphone ko kahit tunog ito ng tunog, feeling broken ako kagabi e, bat ba?

Pinag masdan ko muna ang maleta ko at ng masigurong maayos na ay saka palang ako lumapit sa study table ni Bea at kinuha ang cellphone, nag paalam muna akong lalabas lang at pupunta sa garden tutal mamayang gabi pa naman ang flight namin at alas dose palang ng tanghali. Naupo ako sa isang swing sa garden nila at tumulala muna ng muling tumunog ang cellphone ko. Nabaling ang tingin ko dito bago bumuntong hininga at binuksan.

Unang tumambad saakin ang message ni Josh, kasunod nung tatlo. Walang message si Jah haha.

@Josh_Cullen_s

Kamusta na kayo diyan?
-
Kelan uwi niyo?
-
Bakit hindi ka nag rereply?
-
Hoy, ayos lang ba kayo diyan?
-
Mag reply ka ASAP
-
Kung may problema ka andito lang ako pwede mong sabihan
-
Hope you're okay there, Krish. We miss you.
-
Bakit hindi ka nag oonline, is everything okay?

Napangiti nalamang ako sa mga message niya, para siyang kuya ko kung umasta. Ngunit napawi ang ngiti ko ng makita ang huling message niya.

Miss mo na si Justin no? HAHAHA uwi na uy, miss kana din daw niya yieee kilig na yan.

Inis ko itong nireplayan bago muling pinatay ang cellphone at nag muni-muni muna dito sa garden, ang ganda kasi may mga roses and tulips tapos malamig pa dahil napapalibutan ng puno bago muling pumasok sa bahay nila Bea.

"Hindi muna kami makakasabay ng daddy mo mamaya dahil biglaang nag ka meeting" wika ni tita

Andito kami ngayon at kumakain bago mag flight mamaya 6:00pm ang flight namin at dapat andun na kami ng 5:00pm dahil mahirap na at baka mahuli pa kami, gustong gusto ko nadin umuwi sa pinas.

"Its okay mom, kaya naman namin ni Krish mag flight ng dalawa kami" Bea said and smiled

I know she's sad dahil hindi namin makakasama parents niya pag uwi ng Philippines at mukhang hindi pa namin makakasama sa new year, ilang araw nalang din. I hope dad would go home to celebrate new year with me, wala pa akong maalala na mag kasama kami kahit isang beses ng new year. He is always busy kahit holidays, binibilihan nalang niya ako ng gusto ko para pang bawi daw but I really don't like it, all I want is his full attention to me but he can't even give me that.

After we eat dumiretso kami sa kwarto ni Bea para maligo at mag ayos its already 4:37pm ng matapos kami. Hindi kalayuan ang airport sa bahay nila Bea dito kaya mabilis kaming nakarating, hindi na kami hinatid nila Tita at Tito dahil may meeting din daw sila.

"I hate this" wika ni Bea habang nakaupo kami dito sa waiting area

Waiting for our flight.

"Hate what?" I asked

"This, this life. Yes nakukuha ko nga mga gusto ko not like other kids pero hindi ko naman nakakasama parents ko. They're always busy at work, work, work! They don't even have a time for me, for their daughter" inis na wika nito "alam ko ganito rin nararamdaman mo dahil parehas na parehas tayo ng sitwasyon"

I smiled at her "Atleast mag kasama tayo and that's enough. Don't mind them business is their life haha let's just be happy"

~•~•~

"Waaaaaah! Nakakamiss ang pilipinas!"

"Hey, low down your voice bitch" bulong ko kay Bea

Napapatingin pa saamin ang ibang dumadaan dahil sa sigaw nitong babaeng 'to ghad gagawa pa ata ng eskandalo 'tong babaeng 'to.

"Why? Namiss ko lang talaga ang pilipinas" wika niya

"Pero hindi ka namiss ng pilipinas" pambabara ko

She rolled her eyes at mabilis na nag lakad palayo saakin, natawa nalang ako sa inasal niya at tumakbo palapit sakaniya ng may makabangga ako.

"I'm sorry" wika ko nag bow

"Its okay" wika nito at umalis

Hindi ko nalang ito pinansin at muling tumakbo palapit kay Bea na nakatingin na rin pala saakin.

Bea's pov

Napatingin ako sa likod ko ng hindi maramdaman ang pag suno ni Krisha hanggang sa nakita ko itong may kausap na babae. Lalapit sana ako ng biglang umali ang babaeng kausap niya, napatingin ito sa gawi ko at laking gulat ko ng makitang madaming hawig ito kay Krisha---i mean, mag kamukha talaga sila.

Baka guni-guni ko lang yun?

Agad namang lumapit saakin si Krisha at inaya ako sa labas para antayin ang sundo namin, wala pa naman ito kaya kinausap ko muna si Krisha at mukhang wala lang sakaniya yung kausap niya kanina o baka hindi niya nakita?

"She looks like you" wika ko habang nakatingin kay Krisha

"Who?" she asked

"Yung babaeng kausap mo kanina"

"Ah, yung nakabangga ko ba?" ay, nakabangga pala, sorry naman I nodded "i didn't see her face"

"Tsss, kamukha mo talaga siya e mas mahaba nga lang buhok niya sayo" wika ko

Yung babaeng nakabangga kasi niya ay hanggang bewang ang straight na buhok, feeling ko nga ay model yun base sa lakad at pananamit niya habang si Krisha naman ay hanggang balikat lang ang buhok na medyo curly, trip daw niya ganunin buhok niya for a change, sira ulo talaga.

"Yun na si kuya Roel, let's go. I'm tired na gusto ko na mag pahinga" pag mamaktol nito at hinila ang maleta

Napailing nalang ako bago sumunod sakaniya at akmang aakyat na sa van ng mahagip ng mata ko ang nakabangga ni Krisha, nakatayo ito at halatang naiirita sa kausap niya sa phone.

"Hey, tatayo ka nalang ba diyan? Let's go na!" sigaw ni Krisha

Napailing nalang ako bago sumakay ngunit bago ko isara ang pinto ay muli ko itong sinulyapan.

Who are you? Why are you look like my bestfriend? Are they twins?

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now