Chapter 51

579 25 4
                                    

Krisha's pov

Maaga akong nagising dahil maaga din ako nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak. Hindi ko din alam kung bakit ako umiyak kagabi, siguro dahil nakita ko si Trisha at Justin na nag uusap?

Ewan.

Napahinga ako ng malalim at tumayo sa kama at tumingin sa orasan, 5:30am palang at tulog pa si Trisha at Bea kaya dumiretso nalang ako sa cr para mag hilamos bago lumabas at tumungo sa kusina at naubutan si Stell na nag titingin sa fridge ng pwedeng iluto.

"Aga mo nagising Stell ah" sabi ko na mukhang ikinagulat niya dahil nabitawan niya yung dalawang itlog na hawak niya.

"Jusmiyo! bakit ka ba nang gugulat Krisha?" sabi niya habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib "tignan mo, nabasag tuloy yung itlog!" sabi niya habang nakaturo sa dalawang itlog na nasa sahig na.

Napatawa nalang ako at tinulungan siyang linisin yun. Tinulungan ko nadin siya mag luto, we cook eggs, sausage, hotdogs and fried rice, yun lang kasi nakita naming pwedeng pang breakfast ngayong umaga.

"Gisingin mo na sila ako na mag aayos dito" sabi ni Stell habang inaayos ang mga plato kaya tumango ako at nag lakad pabalik sa kwarto namin.

Inuna ko ng gisingin yung dalawa at hindi naman ako nahirapan dahil mabilis sila nagising lalo na nung sinabi kong kakain na, automatic silang tumayo at nag unahan sa cr kaya napailing nalang ako bago lumabas at tumungo sa kwarto ng mga lalaki. Hindi na ako kumatok at binuksan nalang agad, halos mapanganga naman ako dahil sa gulo ng kwarto nila, yung totoo? parang sampong taong hindi nalinisan kwarto nila e.

Nag kalat sa lapag ang mga ibang damit, short at jacket nila, may mga chichirya din sa lapag at yung mga sapatos nila nag kalat sa gilid ng study table. Sa sofa nakalagay ang bag nilang nakabukas at medyo nakalabas ang ibang laman. Yung PC bukas pa pati yung laptop na nasa tabi ni Ken, mukhang natulugan niya yung pinapanood na anime. Magulo din ang kama nila, yung sapin halos mahulog na sa kama pati yung kumot at yung ibang unan literal na nasa baba na ng kama nila.

Makalat ba talaga ang mga lalaki?

Napailing nalang ako pinatay muna ang PC at pinulot ang mga unan bago nilagay sa kama at kinuha ang basket para ilagay ang mga damit nilang nakakalat na sa tingin ko at labahan na. Inayos ko na din ang ibang gamit nila para mag mukhang malinis ang kwarto nila bago sila ginising. Nahirapan pa ako gisingin si kuya Josh at Ken, si Sejun at Justin mabilis ko lang nagising dahil sinigawan ko sa tenga hehe.

"Gumising na nga kayo napaka tulog mantika niyo!" sigaw ko dahil balak pa sana nila bumalik sa pag kakahiga sa kama.

Napakamot naman ng ulo si Ken at tumingin saakin habang humihikab pa bago ngumiti.

"Morning" sabi niya kaya nginitian ko siya.

"Morning din, mag hilamos kana at kakain na" sabi ko na agad naman niyang sinunod.

Nakatingin lang ako kay Ken na nag lalakad papunta sa cr, ng maisara na niya yung pinto ay agad kong hinablot ang puting unan na nasa malapit saakin at pinag hahampas yung tatlo kaya agad napabangon.

"Problema mo?!" sigaw ni kuya Josh.

"Hoy, wag mo nga sigawan si Krisha!" sigaw naman ni Justin.

"Bakit? May karapatan ako kasi kapatid ko siya!" sigaw pabalik ni kuya Josh "ikaw ba, ano ka sa buhay niya?!"

Hindi sumagot si Justin pero nagulat ako dahil bigla siyang lumapit saakin at inakbayan ako.

"Ako? Ako lang naman yung unang lalaking minahal niya at ako yung kasama niya ng ilang taon. At ako yung lalaking mahal na mahal siya" sabi niya ng nakangisi kay kuya Josh at tumingin saakin at kumindat bago lumakad papunta sa cr.

Naiwan kaming dalawa ni kuya Josh na nakatulala kay Justin habang si Sejun ay naka poker face lang habang nakatingin sa isang unan na Strawberry. For sure kay Stell yun.

"Nasan si Stell?" tanong niya at hindi inaalis ang tingin sa unang strawberry.

"Nasa kusina" sagot ko "bilisan niyo diyan at sumunod na dun dahil kakain na tayo" sabi ko at tinalikuran na sila.

Dumiretso agad ako sa kusina at nakita si Bea, Trisha at Stell na nakaupo habang nakatingin sa mga pag kain. Kami nalang siguro hinihintay ng mga 'to kaya kahit halata sa mukha na gutom na sila ay hindi nila ginagalaw yung mga pag kain sa mesa.

Umupo ako sa gitna ni Bea at Trisha, sakto namang dumating yung apat na agad nag siupuan bago kami nag simulang kumain habang nag uusap-usap.

"Sila ate Rose?" tanong ko habang sumusubo ng hotdog.

"Nasa hotel sila kasama yung ibang staff, binigyan din sila ng 3 days vacation dito" si kuya Josh ang sumagot habang nakikipag agawan kay Sejun ng hotdog.

Para silang bata na nag aagawan, iba din kasi trip nitong si kuya Josh e. Alam na ngang favorite ni Sejun ang hotdog pero nakikipag agawan pa.

"Ano ba kuya Josh!" sigaw ni Trisha kaya nabaling ang tingin naming lahat sakaniya.

Nakatingin siya ng masama sa katapat niyang si kuya Josh na prenteng nakaupo at nakangisi pa habang kumakain. Parang hindi narining yung sigaw ng kapatid e.

"May hotdog ka naman bakit kailangan mo agawin yung akin?!" sigaw niya habang nakatitig kay kuya Josh.

Speaking of kuya Josh, nakanganga siya kaya kitang kita yung nginunguya niyang hotdog, yuck!

"A-anong sinabi mo?" tanong niya habang nakaturo ang tinidor kay Trisha.

"M-may hotdog ka naman?" patanong na sabi ni Trisha habang inosenteng nakatingin sa apat na lalaking nag pipigil ng tawa.

Ano iniisip ng mga 'to?

"May hotdog ka naman daw kasi Josh bakit mo kasi kinukuha yung sakaniya?" sabi ni Justin at nag simulang tumawa kasama nung dalawa habang si Ken at napailing iling nalang pero halata namang nag pipigil ng tawa habang nakatingin kay Trisha.

"Saan mo natutunan yan?!" sigaw ni kuya Josh kaya napatingin kami sakaniya.

Kinagagalit ng cute size na 'to?

"Natutunan ang ano?" tanong ni Trisha habang nakataas ang dalawang kilay.

"Y-yang h-hotdog na sinabi mo" sabi ni kuya Josh at biglang umiwas ng tingin.

Buang?

"Huh? Totoo naman kasi na may hotdog ka e, ayan oh!" turo niya sa plato ni kuya Josh na may dalawang hotdog.

Bigla namang nag tawanan yung apat habang si kuya Josh ay napaiwas nalang ng tingin at pinag patuloy ang pag kain. Nag katinginan naman kaming tatlo nila Bea at Trisha at sabay sabay na nag kibit balikat.

Ano ba sinasabi ni kuya Josh about hotdog at anong pinag tatawanan ng apat na mga lalaking 'to?

Mga buang talaga!

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now