Chapter 56

615 30 4
                                    

Krisha's pov

It's already afternoon at andito parin ako, nakatitig sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit gusto ko mapag isa ngayon. I was just staring at the tree thinking nothing.

"Lalim ng iniisip mo ah baka malunod ka"

Halos mapatalon ako ng may mag salita sa likod ko. Agad ko itong tinignan at nakitang si Ken ito. Naka black hoodie siya at black short, nakalagay ang kamay niya sa bulsa ng short niya at dahan-dahang lumapit saakin at umupo sa katapat na upuan.

"Bakit mag isa ka?" tanong niya "asan si Jah?"

"Ewan ko baka kasama si kuya Josh mag computer," sagot ko nalang at umiwas ng tingin.

Seriously, hindi pa ako sanay sa klase ng tingin ni Ken. Alam kong seryoso siya at hindi pala salita lagi pero iba yung titig niya e, hindi ako sanay.

"E, ikaw, hindi kaba manood ng anime?" tanong ko.

Pansin ko kasing halos araw-araw na kung manood si Ken ng anime. Simula ng pumunta kami dito for their two weeks vacation halos lagi na siyang nakatutok sa cellphone niya at nanonood. Ayaw pa niya mag pa istorbo minsan.

Halos lahat naman kami ay madaming ginagawa. Ako at si Bea laging nag kwekwentuhan or nag oopen lang ng social media accounts, si Trisha umaalis dahil andito din yung mga kaibigan niya and she's a model a kaya madalas sila mag picture dito since maganda ang tanawin. Si kuya Josh at Justin laging nag lalaro ng computer games such as COD and so on. Si Stell naman nag papractice lagi ng high notes and yung voice niya, si Ken nanonood ng anime and si Sejun, laging kumakain.

"Nanonood ako kanina habang nag lalakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig kaso nakita kita dito kaya tinigil ko muna panonood ko at pinuntahan ka" sagot niya at ngumiti.

I smiled at him too, madami kaming napag usapan ni Ken at madalas ko siyang makitang tumitingin saakin pero hindi ko nalang pinansin. Naging komportable ako habang kausap si Ken, feeling ko matagal na kami mag kakilala kahit nakilala ko lang naman siya nung ako ang sumama sa korea na dapat ay si Bea.

I just have this weird feeling about him. Hindi ko alam kung nakilala ko naba talaga siya dati o hindi.

"Mag kamukha talaga kayo ni Trisha 'no" biglang sabi niya kaya napatingin ako sakaniya.

"Bakit?" I asked him.

"Hmm, wala naman. Ang weird lang kasi kapag gising ko sa umaga tapos mag kikita-kita tayo sa kusina para kumain dalawang Krisha nakikita ko HAHAHA," he laughed, ang weird ng tawa niya ha, pwede na sa horror char.

"Weird nga, hindi rin ako sanay na may kamukha ako e. Tuwing mag kakaharap kami pakiramdam ko kaharap ko lang e salamin" sabi ko at tumawa, pati si Ken ay natawa rin.

Madami kaming napag usapan ni Ken, nag rerecommend siya saakin ng anime at panoorin ko daw. May mga pinasa din siya sa cellphone kong anime para hindi na ako mahirapan mag hanap ng magandang panoorin, jusko. Hinayaan ko nalang siya mag pasa ng kung ano sa cellphone ko, maganda narin sigurong manood din ako ng ganon para mabawasa ang iniisip ko.

"Una na ako sa loob, pasok ka na din mamaya malamig na e" sabi niya habang nakapamulsa sa black short niya.

"Sige," tanging sagot ko lang.

Tumango siya bago nag simulang mag lakad papasok. Tinignan ko lang siya hanggang mawala sa paningin ko bago tinuon ang pansin sa cellphone ko.

I wonder kung anong pinasa ni Ken sa cellphone ko.

I open my phone and check the videos, may mga anime nga siyang pinasa. Next I check the gallery, feeling ko talaga may ibang pinasa si Ken maliban sa anime e.

I slowly look at the pictures and I was right! May mga picture na pinasa saakin si Ken, may mga picture ng anime characters, may mga pictures niya at isang picture ang nakakuha ng atensyon ko. It was a picture of me, alam kong wala akong picture na ganito! I rarely took a photo of my self dahil hindi ko hilig yun.

It was a stolen picture, nakaupo ako sa buhangin habang naka tingin sa sunset, side view ang nakikita sa picture. Makikita naman sa gilid ko si Trisha na nag lalakad palapit saakin. May isang katanungan ang bumabagabag sa isip ko.

Why would Ken have a picture of me on his phone? And it was a stolen shot.

Hindi ko alam kung sinadyang ipasa saakin ni Ken ito dahil maganda ang quality at pag kakakuha ng picture o hindi. I want to ask him pero kinakabahan ako.

Napabuntong hininga nalang ako at tinignan pa ang ibang pictures, karamihan ay mukha niya. I smiled, ang cute niya sa mga pictures niya and he's really photogenic. Bagay niya mag model. I look at the pictures again and I couldn't help but to laugh when I saw a mocha cake, may nakasulat pa sa gilid ng cake na malamang ay si Ken ang nag edit.

'Kung makikita mo 'to bilihan mo ako ng mocha cake, para may kinakain ako habang nanonood ng anime, salamat!'

Yan ang nakasulat. He really loves cake, huh?

Napailing ako bago pinatay ang cellphone at akmang tatayo na para pumasok ng may nag doorbell sa gate. Agad akong tumungo dun dahil halos walang tigil ang pag pindot nito sa doorbell dahil tunog ng tunog. Nang makarating sa tapat ng gate ay agad ko itong binuksan at nakita si ate Rose na pinag papawisan pa, para niyang tinakbo yung tinutuluyan nila papunta dito sa kung saan kami tumutuloy ngayon.

"Ate Rose, nasa loob po yung lima pasok muna po kayo" sabi ko at pinapasok siya sa loob.

Hindi naman umangal si ate Rose at pumasok nalang din. Agad kong sinara ang gate at pumasok sa loob at pinaupo si ate Rose sa sofa bago tumungo sa kusina para kuhaan siya ng maiinom. Agad kong binigay sakaniya ang isang basong orange juice na agad naman niyang kinuha at uminom. Nang matapos ay inilapag na niya ito ay umayos ng upo ganon din ako bago mag salita.

"Ano po palang sadya niyo dito ate Ros--" napahinto ako sa pag sasalita ng hawakan nito ang kamay ko.

Nakaramdam ako ng kaba sa klase ng pag titig niya saakin at pag hawak sa kamay ko. Seryoso ang mukha ni ate Rose habang nakatingin diretso sa mga mata ko.

"M-may problema po ba ate Rose?" tanong ko, I tried my best to hide my nervousness "yung lima po ba ang hanap niyo, gusto niyo po tawagin ko na?"

Akmang tatayo na ako ng hawakan nito ng mas mahigpit ang kamay ko kasabay ng pag iling.

"Ikaw ang sadya ko dito, Krisha." seryosong aniya.

Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko dahil ang seryoso niya. Minsan lang kami makapag usap ni ate Rose at aaminin kong hindi pa kami ganon kalapit pero lagi siyang nakangiti at tumatawa. This is the first time I saw her serious kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan.

"B-bakit po?" tanong ko.

"Kailangan kita makausap, yung tayong dalawa lang" she said with serious face.

"Tungkol saan po?"

Tumingin siya saakin ng ilang saglit bago umiwas ng tingin.

I'm starting to feel nervous again! I can feel my heart beat really fast like I was in a race. I just stared at ate Rose, waiting for her answer. She looked at me again with her serious face but I can sense that she feel nervous too.

"About you and Justin" she said.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now