Chapter 68

476 17 2
                                    

Krisha's pov

Buong isang linggo kong inubos ang oras ko sa pag babasa ng wattpad book na binili ko at isang linggo ko na din hindi nakikita si Justin dahil busy sila sa pag papractice. Well, wala namang bago dahil halos araw-araw ata silang nag papractice kahit na sabado at linggo. Puno din ang schedule nila kaya hindi na kami nakakapag kita. Sa kanilang lima ay laging si kuya Josh ang nakikita ko tuwing umuuwi siya, nakakasawa din.

Habang nag babasa ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, tatlong beses niya iyon kinatok bago buksan. Hindi na ako nag angat ng tingin dahil alam ko namang si Bea 'yun kaya hinayaan ko nalang siya hanggang sa maisara niya ang pinto, nanatili lang ang tingin ko sa libro.

“Krish,” mahinang tawag niya habang nag lalakad palapit saakin.

Isinara ko ang librong binabasa ko bago tumingin sakaniya, umupo naman siya sa dulo ng kama ko.

“Bakit?” tanong ko.

“Wala. I missed you.” bulong niya kaya napangiti ako.

“Araw-araw naman tayong mag kasama dito sa bahay, bakit mo ako namiss?” natatawang tanong ko.

We are always together here sa bahay at laging nag kikita-kita kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako namimiss, minsan nga ay nag sasawa na ako sa mukha nilang dalawa ni kuya Josh.

“I know pero hindi na kita madalas makausap kasi you're busy reading that book!” turo niya sa librong hawak ko.

Napataas ang isang kilay ko, anong masama sa pag babasa? I miss reading books kaya, matagal na akong hindi nakakapag basa ng libro especially ng wattpad dahil nung nasa korea ako ay nakafocus ako sa pag aaral ko dahil I want to get over from Justin that time kaso bigo din ako dahil hindi ako naka move-on sakaniya noon.

“I miss reading books okay, staka matatapos ko narin naman siya kaya 'wag kana mag tampo. After this lalabas tayo, okay? Or we will do whatever you want!” ngumiti ako.

Nag angat siya ng tingin saakin, nag liwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Seriously, did she really miss me that much na parang bago lang sakaniya na ayain ko siyang gawin ang mga gusto niya?

“I can't believe this, you really miss me that much?” umiling ako.

Natawa siya pero agad ding nag bago ang ekspresiyon ng mukha niya, naging seryoso siya. Nanatili ang tingin ko sakaniya at pinanliitan siya ng tingin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.

“What?” tanong ko.

Kinagat niya ang ibabang labi niya bago tumingin sa kamay niyang pinag lalaruan niya. What is she thinking? Gusto ko mag salita at itanong kung anong iniisip niya pero walang lumabas sa bibig ko hanggang sa muli siyang nag angat ng tingin saakin at ngumuso.

Napangiwi ako dahil sa nguso niya, mukha siyang duck.

“Krish, ano kasi...” mukhang nang hihinayang pa siya sa sasabihin niya.

“Sabihin mo na,” naiinip na sabi ko.

Muli niyang kinagat ang ibabang bahagi ng labi niya bago huminga ng malalim at muling tumingin sa kamay niya kaya pati ako ay napatingin doon.

Mag sasalita palang sana ako ng mag salita na siya.

“Diba kayo naman na ni Justin,” pag sisimula niya, nanatili ang tingin sa palad niya.

“Y-yes, bakit?” tanong ko, kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.

Kinakabahan ako, paano kapag nalaman na ng mga fans na isa sa lima ay may girlfriend na? Anong magiging reaksyon nila? Magagalit kaya sila? Will they support us? Ibabash kaya nila ako? Ibabash kaya nila si Justin? Will they leave the fandom when they find out that one of the SB19 member has a non-showbiz girlfriend?

Ugh! Andaming nag lalarong tanong sa utak ko pero agad iyong naputol dahil sa sinabi ni Bea na nakapag patigil saakin.

“I want to be a ninang na.” bulong niya at tumingin saakin.

Napatigil ako at hindi nag salita ng ilang minuto. Honestly, gusto ko ibato sakaniya 'tong hawak kong libro o di kaya iyong lampshade na nasa kaliwa ko. Sobrang kabang kaba ako dahil sa tinanong niya tapos gusto lang pala niya maging ninang?!

“What?! Nababaliw kana ba?!” tumaas ang boses ko, gusto ko siyang sabunutan dahil sa pinag sasabi niya.

“Ihh, I want to be a ninang na nga! 10 years din hinintay niyo ni Justin para mag kabalikan and ngayon na nagkabalikan na kayo why don't you build a family?” ngumisi siya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naihagis ko na sakaniya iyong unan sa tabi ko, malas nga lang dahil nasalo niya.

“Baliw,” sabi ko nalang at sumandal sa sa kama ko.

“Gusto ko na mag alaga ng baby, Krisha!” sigaw niya.

“Edi gumawa ka ng baby mo!” naiinis na sabi ko.

“I have no boyfriend pa, beside mukhang hindi ako gusto ni Stell.” sabi niya kaya napatingin ako sakaniya.

Napangisi ako, so she has a crush on Stell huh? Natauhan naman siya sa sinabi niya kaya napatakip siya sa bibig niya. Nadulas.

Tumayo siya at umiwas ng tingin saakin, “Basta, gusto ko na maging ninang and gusto ko kambal magiging anak niyo.” sabi niya at tatakbo na sana papunta sa pinto ng bumukas ito at bumulaga si Justin na nakangisi.

Pag pasok ni Justin ay lumabas na ng kwarto ko si Bea pero bago siya tuluyang umalis ay muli siyang sumigaw.

“Krish, kambal ha?” tumawa siya at sinara ang pinto.

Napailing nalang ako at inangat ang tingin kay Justin na halatang nag tataka dahil sa sinabi ni Bea. Lumakad siya palapit saakin at hinalikan ako sa noo bago umupo sa tabi ko.

“Ano 'yung sinasabi niya?” tanong niya at tumingin pa sa pinto na pinag labasan ni Bea.

“Wala naman, why are you here pala? Tapos na ba practice niyo?” tanong ko at nilagay sa table 'yung librong hawak ko.

“Tapos na, dito na ako dumiretso at sumabay kay Josh kasi namiss kita. One week din kitang hindi nakita.” ngumiti siya kaya napangiti din ako, I missed him too.

Yumakap siya saakin kaya napangiti ako, nasa dibdib ko ang ulo niya habang nakayakap saakin. Hinahaplos ko naman ang buhok niya habang nakikinig sa mga kwento niya tungkol sa practice nila. Wala siyang ibang ginawa kundi mag kwento ng mag kwento kaya wala akong ibang ginawa kundi ang tumawa at makinig sa mga kwento niya.

“Tapos nadapa si Stell kasi nag hahabulan sila ni Sejun sa practice room namin dahil ayaw ibigay ni Stell 'yung medyas ni Sejun.” tumatawa si Justin habang nag kwekwento.

“Oh, anong ginawa niyo nung nadapa si Stell?” tanong ko.

“Tinawanan lang,” tumawa siya ng malakas kaya pati ako ay natawa.

Nadapat na 'yung isa pinag tatawanan pa nila, napailing nalang ako.

Tumigil sa pag tawa si Justin bago umayos ng upo at tumingin saakin kaya pati ako ay napatingin na sakaniya.

“Love, ano 'yung sinasabi ni Bea na gusto niya ng kambal?” tanong niya.

Kumunot ang noo ko bago naalala 'yung sinigaw ni Bea pag dating ni Justin dito sa kwarto ko bago siya umalis. Muli akong napailing dahil doon, naalala ko nanaman iyong note nila na iniwan noon.

“Wala naman. Gusto daw niya maging ninang ng magiging baby natin and gusto niya maging kambal iyon.” nag kibit balikat ako bago tumingin sakaniya.

“Edi gawin na natin.” sabi niya bago sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now