Chapter 16

890 37 8
                                    

Horror movie

Krisha's pov

"Ang lakas parin ng ulan" wika ko habang umiinom ng kape

"Nakikita namin Krisha" wika ni Josh kaya binatukan ko na siya

Kanina pa ako binabara ng mokong na 'to ah.

"Masakit yun!" reklamo niya habang hinihimas ang ulo niya kung saan ko siya binatukan

"Alam ko, mas masasaktan ka pa kapag binara mo ulit ako" wika ko at tawa lang ang sagot niya

"May extra damit ba kayo?" tanong ko

"Bakit? Hihingi ka?" tanong namin ni Josh

Inirapan ko lang siya, kahit kelan talaga walang matinong sagot 'to.

"Meron naman, bakit mo natanong?" sagot ni Sejun habang natingin sa bag nilang nasa isang upuan

"Mag shower or mag bihis muna kayo. Ihahanda lang namin ni Bea yung dinner" wika ko

"Saan?" tanong ni Stell habang nag titingin ng damit

"Sa guestroom may cr dun meron din sa dulo ng kwarto may dalawang shower dun" wika ko at tinawag si Yaya Nelda para samahan sila habang kami naman ni Bea ay nag simula ng mag hain

Nakapag luto na yung mga maids kaya ang ginawa nalang namin ay mag hain, wala pa yung lima kaya umakyat muna kami ni Bea sa kaniya-kaniyang kwarto para mag shower din. Saglit lang akong nag shower dahil baka lagnatin ako, nag suot lang ako ng white short at pink t-shirt na regalo saakin ni daddy noon bago lumabas. Saktong pag labas ko sa room ay ang pag labas ni Justin sa guestroom, katabi lang ng kwarto ko ang guestroom.

Apat ang guestroom sa bahay namin. May pitong room dito, una ay ang kwarto ni Dad, kasunod ang akin at katabi ko ng room ko ang dalawang guestroom, sa tapat ng kwarto ko ay ang kwarto ni Bea at sa tabi ng kwarto niya ay ang dalawa pang guestroom.

Nakatingin lang ako kay Justin, naka white short siya at red na t-shirt. Nabalik ako sa diwa ng lumapit siya at inaya ako sa kusina.

"Y-yung apat?" tanong ko habang nga lalakad pababa sa hagdan

"Nag sshower pa ata, nauna na ako antagal nila mamili ng susuotin nila e" tumango lang ako "e si Bea?" tanong muli niya

"Ah, nasa room niya. Matagal mag shower yun e" sagot ko ng nakarating kami sa kusina

Naupo nalang ako sa upuan at hinayaang si Justin kumuha ng tubig sa ref at nilagyan ng tubig bawat baso ng isa. Sakto namang natapos siya sa pag lalagay ng tubig ng dumating ang lima kasama si Bea na nakangiti habang kausap si Stell. Hmmm I smell something fishy, charot.

"Kain na" wika ko kaya nag siupuan na sila

Katabi ko si Bea sa kaliwa at sa kanan naman si Josh para asarin nanaman ako, katabi niya si Ken at katapat naman ni Bea si Stell, katapat ko si Justin at katapat ni Josh si Sejun.

"Kawawa ka naman pareng Stell, wala kang katapat" malungkot pa kunwaring saad ni Josh, nag aasar nanaman.

"Meron kaya" wika ni Ken

Meron daw, hala. Baka may nakikita siyang hindi namin nakikita ha, that's creepy!

"M-may nakikita k-ka bang h-hindi namin n-nakikita?" utal na tanong ko, kabado.

Taka siyang tumingin saakin bago tumawa ng mapag tanto ang tinatanong ko. Umiling lang siya bago ngumiti at tinuro ang isang buong manok sa harap niya.

"Ayan oh, katapat ko yung manok. Kaya nga dito ako umupo dahil andito yung manok" wika niya kaya nag tawanan kami

#ChickenIsLife

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now