Chapter 9

987 42 0
                                    

Krisha's pov

Day 5 in korea: Sorry?

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko, tumingin ako sa paligin at nakitang wala sila. Baka nasa room nila Josh or nasa baba na at kumakain, nag kibit balikat nalang ako.

"Oh, gising kana pala"

Halos mapatalon ako pababa sa kama ng biglang may nag salita sa likod ko, si Justin pala. Nasa tapat ito ng pinto ng cr, sa palagay ko ay katatapos lang niya maligo dahil may tumutulo pang tubig galing sa buhok niya, may nakalagay na tuwalya sa balikat nya na siyang gamit niya sa pag papatuyo ng buhok.

Ang hot niya!

"Ano yun?"

Gulat akong napatingin sakaniya, nasabi ko ba yung iniisip ko?

"H-ha?"

Pinanliitan niya ako ng tingin at umiling nalang. Kinuha ko ang towel at damit ko at mabilis na tumakbo sa cr. Isasara ko na sana ang pinto ng mag salita si Justin.

"Ang hot niya" saad niya

Nilingon ko siya at nakatalikod ito saakin pero alam kong nakangisi ito

"A-ano yun?" kunwaring diko narinig ang sinabi niya

Patay malisya, humarap siya at tumingin mismo sa mga mata ko.

"Yun yung sabi mo 'Ang hot niya'" pag uulit niya at ngumisi

Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya bigla ko nalang sinara ang pinto ng malakas, rinig ko pa ang tawa ni Justin mula dito.

"Bilisan mo pupunta tayo sa room nila Josh" sigaw niya

"S-sige"

Pag tapos maligo at mag bihis lumabas agad ako sa cr, nakita ko si Justin sa study table na nag cecellphone hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng room. Hindi naman ata niya napansin dahil busy sa kaka cellphone, dumiretso na ako sa room nila Josh.

Nakatatlong katok ata ako bago nila binuksan.

"Oh, Krisha ikaw pala, asan si Justin?" tanong si Stell at nag palinga-linga pa

Napakunot ang noo ko ng napansing natatawa si Sejun at Josh habang nakatingin saakin, hindi ko nalang pinansin at sinagot si Stell.

"Iniwan ko sa room"

Tumango lang siya at pilit tinatago ang tawa. Naiinis na ako sa tatlong 'to ah.

"Ano ba tinatawa-tawa niyo diyan?" inis na tanong ko

Hindi sila nag salita at nag simula ng tumawa ng malakas.

"Sobrang nag mamadali kaba at iniwan mo ako sa room at..."

Gulat akong napatingin sa likod ko at nakita si Justin na naka pamulsa.

"dala mo pa tuwalya mo" natatawang tinuro niya ang ulo ko

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at hinawakan ang ulo ko at pucha hindi ko nga naalis, dali-dali akong tumakbo papunta sa room na katabi lang ng room nila Sejun. Rinig ko pa mula sa loob ang malakas na tawanan nila mula sa labas.

Nakakahiya!

Pag pasok ko sa room ay agad kong inalis ang tuwalya at napa-padyak nalang sa inis.

"Nakakahiya Krish, nakakahiya" sigaw ko at sinabunutan ang sarili

"Wag mo saktan sarili mo"

Agad akong napalingon at nakita si Justin na nakangiti, labas pa gilagid.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now