Chapter 62

525 18 5
                                    

Krisha's pov

It's our last vacation day pero hindi pa kami uuwi agad dahil may saglit na event pa ang lima dito sa palawan, sayang nga lang dahil hindi namin makakasama si Trisha dahil umalis na siya kahapon ng madaling araw like what she said.

It's already 4:30 in the afternoon, andito ako nakaupo sa buhangin habang nakatingin sa araw na malapit na lumubog. Tahimik lang din dahil ako lang mag isa dito, tanging maririnig lang ay ang hampas ng alon at pagaspas ng hangin.

"Bakit mag isa ka?"

Napaangat ang tingin ko ng may mag salita and saw Ken. Nakatayo siya habang nakapamulsa sa suot niyang short.

"Wala naman. Ikaw, bakit ka andito?" I asked.

Tinignan lang niya ako bago naupo sa tabi ko at ipinatong ang dalawang kamay sa tuhod bago tumingin sa papalubog ng araw.

"Nag lalakad lakad lang ako sa tabing dagat and I saw you na mag isa kaya dito na ako dumiretso" wika niya habang nakatingin parin sa langit na nag hahalo na ang kulay dahil sa pag lubog ng araw.

Para bang nilalamon ng dagat yung araw.

"Ken, i have a question to you" sabi ko habang nakatingin sa langit.

I want to ask this question na talaga pero natatakot lang ako dahil baka ayaw pa niya sabihin o pag usapan.

"Hmm?"

I bit my lower lip before asking.

"Do...do you like my sister?" tanong ko at pumikit.

I really want to ask this question since then but I'm afraid of his reaction dahil baka nga ayaw pa niyang pag usapan o ano. Ilang araw 'ko ding pinag handaan 'to para lang matanong sakaniya and I think this the best time to ask since kaming dalawa lang naman ang mag kasama.

I heard him laugh so I turn my gaze at him. He was smiling while looking at the sun.

"Yes. I like your sister." sagot niya.

I was shocked by his answer--no, what I mean is nagulat ako dahil sa diretsong sagot niya. I expect that answer naman na that he likes my sister pero hindi ko alam na aaminin nya talaga agad, para bang siguradong sigurado siya sa sagot niya.

"Why?" wala sa sariling tanong 'ko.

"Anong ibig sabihin mo sa 'Why'?" he asked "bawal ko ba magustuhan yung kambal mo?"

"Ah--no, ang ibig kong sabihin ay paano, I mean you met like more than a month palang tapos gusto mo na agad siya?" tanong ko.

Mahina siyang tumawa bago muling tumingin sa dagat at araw na konti nalang ay mawawala na.

"Actually, hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung paano ko siya nagustuhan ng gano'n agad. Una akala ko wala lang 'tong nararamdaman ko sakaniya kasi wala naman akong planong magustuhan siya but my heart keeps telling me to like her, walang araw na hindi nag wawala ang puso ko tuwing nakikita ko siya" mahabang sabi niya.

I just keep silent while listening to him.

"Naaalala mo pa ba yung papunta tayo sa batanes nung time na nasa gas station tayo?" tanong niya.

Sandali akong napaisip bago tumango ng sunod sunod.

"Yung nabadtrip ka?" tanong ko.

He nodded "Oo, yung reason na yun is nakita ko siyang may kausap na lalaki na gwapo pero mas gwapo parin ako" sabi niya at tumawa "nung oras na yun hindi ko na nakontrol yung nararamdaman ko. Ilang beses ko kwinestiyon ang sarili ko pag tapos nun dahil bakit ako nakakaramdam ng gano'n. Ilang beses ko tinanong sarili ko kung gusto ko na ba siya, do I really like her? Why am I feeling jealous when I saw her talking to a guy?"

Nanatili lamang ang tingin ko sakaniya while he's talking.

"Ayoko aminin sa sarili ko pero siguro nga gusto ko na siya at napatunayan ko yun noong nakaramdam nanaman ako ng selos when I heard that he likes Justin. Pakiramdam ko hinahati yung puso ko nung nalaman ko yun kasi bakit sa dinami-daming lalaki sa mundo bakit yung kaibigan ko pa diba? Ayos naman saakin na mag kagusto siya sa iba dahil hindi ko naman hawak yung puso niya para diktahan kung sino ang dapat at hindi niya gustuhin cause that's her choice kaso sobrang sakit lang e, tanggap ko naman na hindi niya ako gusto pero bakit... bakit kaibigan ko pa yung gusto niya?" his voice cracked, parang ano mang oras iiyak na siya.

Aaminin ko, nasasaktan ako para kay Ken. He really likes my sister but my sister likes someone else.

"You really like her?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Sobra Krish, sobra." mahinang aniya bago umiwas ng tingin saakin at pinunasan ang pisngi.

I know he's crying because of pain. This is the first time I saw her crying because of a girl. Kilala bilang cold and hindi palangiti si Ken pero grabe pala siya mag mahal, para siyang badboy pero kapag nag mahal sobra-sobra.

Jeydon is right, "Kapag ang badboy nag mahal pati asin lalanggamin".

"Alam mo ba, hindi talaga si Trisha ang gusto ko nung una" natatawang aniya

"Sino?"

"Ikaw"

"A-ako?" gulat na tanong ko.

"Oo, nung una naging crush kita but when Trisha finally came hindi ko na alam nangyari, kusang nawala ang feelings ko sayo siguro dahil alam kong wala naman akong pag asa sayo because you still love Justin tapos ganon din pala kay Trisha, nakakatawa diba parang de javu. Parang inuulit lang lahat, mag kakagusto ako sa isang babae pero yung babaeng gusto ko mag kakagusto sa ibang lalaki." he laughed.

Behind his laugh there's a pain he's hiding. Gusto ko awayin si Ken dahil paano niya nagagawa yun, alam niya sa sarili niyang nasasaktan siya pero yung ngiti sa labi niya hindi nawawala lalo na kapag kaharap ang mga fans nila, ang A'TIN.

"How can you do that?" wala sa sariling tanong ko habang nakatitig parin sakaniya.

"Ha?" nalilitong tanong niya habang nakatingin saakin.

"How can you smile like that when you know that you're in pain. Alam mong anytime pwede ka umiyak but you still managed to smile to everyone."

He smiled. "I have to. Kailangan ko ngumiti at ipakitang ayos lang ako, ayoko sila mag aalala saakin. Staka hanggat kaya ko pa ngumiti, ngingiti lang ako." sabi niya at ngumiti "oo nga pala, gabi na tara na doon baka hinahanap kana din ni Justin." sabi niya na ikinataka ko.

"Bakit naman ako hahanapin ni Justin?" tanong ko.

"Secret, malalaman mo din mamaya."

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now