Chapter 37

774 38 20
                                    

New year

Krisha's pov

Abala kaming lahat sa pag aayos ng gamit dito sa rooftop, dito kasi namin naisipang salubungin nalang ang bagong taon. Kami-kami lang din dito dahil si daddy ang may ari kaya walang pwedeng pumunta maliban saamin.

Nag kakailangan parin si daddy at mommy habang kami ni Trisha medyo, medyo nagiging close na.

May tatlong round table na kahoy dito and isang mahabang table para lalagyan ng mga handa namin, marami kaming handa na hindi ko alam kung mauubos ba namin o hindi at syempre may beer and wine and barbeques. Sila Josh ang nag luluto ng barbeque habang kami naman inaayos yung mga plato.

It's already 10:47pm ng matapos kami, nakaupo lang kami ngayon at hinihintay ang bagong taon when Justin sat beside me.

"Bakit?" I asked him

Umiling siya at tumingin sa langin na napupuno ng mga bituwin at maliwanag na buwan. I smiled while staring at him, nakakamiss yung panahong mag kasama kaming sinasalubong ang bagong taon, sampong taon din kaming nag kahiwalay at sa sampong taon na yun tanging si Bea lang ang kasama kong sumalubong ng bagong taon.

"Josh ano ba, mamaya pa tayo kakain!" napatingin ako sa gawi nila Stell, pinapalo niya yung kamay ni kuya Josh na pilit inaabot yung barbeque

"Gutom na nga ako!" parang batang sabi ni kuya Josh, mapapaisip ka nalang talaga minsan kung sino talaga pinaka bata sakanila si Justin e

Muling nabaling ang tingin ko kay Justin ng bigla itong tumayo at walang pasabing bumaba sa rooftop, hinayaan ko nalang at muling nag cellphone para mag tingin ng message sa IG and Twitter. I also post our family picture kanina, for the first time, buo kaming pamilya ang sasalubong sa bagong taon with our friends.

Napaangat ang tingin ko ng may mag lapag ng ice cream sa tapat ko, si Justin pala. Muli siyang umupo sa tabi ko at nilantakan yung ice cream niya, nanatili naman akong natitig sakaniya.

"Wag ka tumitig diyan, kainin mo na yung ice cream baka matunaw ako habang nakatitig ka" sabi niya pero hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi kaya nag kibit balikat nalang ako

Sinimulan ko ng kumain ng ice cream, miss ko narin kumain nitong chocolate ice cream, matagal na akong hindi nakakakain dahil ayaw ni Bea, baka daw ubuhin ako o ano.

"Krish" tawag ni Jah kaya napatingin ako sakaniya

"Hmmm?"

"Anong naging reaksyon mo nung malaman mo na kapatid mo si Josh at may kakambal ka pa?"

Napaupo naman ako ng maayos dahil sa tanong niya at napangiti bago sumagot.

"Masaya, nagulat din syempre. Sino ba namang mag aakala na yung tinuring kong kaibigan na parang kuya ko narin ay totoo ko palang kuya" sabi ko at nilapag yung cup ng ice cream na ubos ko na "antagal ko na palang nasa harap yung kuya ko, hindi ko man lang napansin"

Huminga ako ng malalim at napatingin kay Trisha na kausap ni Sejun bago ngumiti.

"Si Trisha naman, nagulat din syempre dahil nung nag kita kami parang may kaharap lang akong salamin dahil sa pag kakamukha namin. Diko nga ineexpect na may kakambal pala ako" tumingin ako sakaniya na ngayon ay nakatitig na pala saakin

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Hoy ano ba yan, bakit mo ginulo buhok ko?!" pasigaw na tanong ko na ikinangiti lang niya "wag mo akong ngitian diyan de Dios baka gusto mong tusukin ko ng barbeque stick yang ngalangala mo" pag babanta ko habang nakaturo sa stick sa gilid ng lamesa

He just laughed at me so I rolled my eyes and pouted my lips.

"Hoy, sorry na" sabi niya pero halatang nag pipigil ng tawa

Hindi ko siya pinansin kaya hinawakan niya yung kamay ko "Sorry na po"

'Putcha bakit ang kyut?! Omygod sheeet! Ang rupok ko kapag pinatawad ko agad siya. No no, kailangan maging matigas Krisha! Wag mo agad papatawar---'

"Wag mo nalang uulitin" ay pota, ang rupok ko talaga

He smiled at me and nodded.

"Tama na landian, mag aalas dose na" wika ni Stell saamin bago tumalikod at nag lakad papunta kila Sejun

"Bitter" bulong ni Jah bagi humarap saakin "tara?" tumango ako at tumayo

Sabay kaming nag lakad papunta sakanila at ng makita kami ni kuya Josh agad niya akong hinigit at pinapunta sa tabi ni Bea, malayo kay Jah. Kung hindi ko lang kuya 'to at kilala iisipin kong nag seselos siya dahil kasama ko si Justin.

"Countdown na!" sigaw ni Stell and we started counting

"5"

"4"

"3....2....1"

"Happy new year!" sabay sabay na sigaw namin kasabay ng pag papaputok ng fireworks ng mga staff dito sa hotel

At dahil nga nasa taas kami, mag nakita namin ng maayos ang fireworks. Napangiti nalang ako dahil dun, I really love fireworks it gives me chill whenever I look at them, ang cute kasi haha.

"Kainan na!" sigaw ni kuya Josh at nauna na sa lamesa para kumuha ng kakainin niya

"Asan yung chicken?" Ken asked

"Mukha kang chicken, ayun oh nasa dulo ng mesa" sigaw ni Jah

Patuloy parin sila sa pag papaputok ng fireworks, nanood lang kami sa fireworks while eating and drinking.

"This is the best new year na nasaksihan ko" Bea said and sat beside me

"Agree, buo na family ko and kasama pa natin yung mga kaibigan natin" i smiled while looking at the five men eating and laughing

"You still love him, huh?" Bea asked so I turn my gaze to her

"What?" I asked

"Everytime na makikita kitang nakatingin kay Justin I always see spark in your eyes" sabi niya naikinataas ng isang kilay ko

Spark daw, hindi naman kami nag wewelding mwhehehe

Umiling nalang ako at umupo sa lapag kung nasaan sila nakasalampak para uminom ng beer, wine lang saaming mga babae daw. Katabi ko si kuya Josh at Bea, napapagitnaan nila ako at nasa harap ko si Justin na katabi si Trisha. I looked at Justin who's now looking at me, I smiled at him.

3:00am na kami natapos sa pag uusap at pag kukulitin sa taas so we decided to go to our room na para makapag pahinga pero dumiretso muna ako sa balcony, hindi pa naman ako inaantok when Justin suddenly appeared in front of me.

"Bakit andito kapa?" I asked him "hindi ka pa inaantok?"

"Hindi pa naman" sabi niya na ikinatango ko nalang

Ilang saglit lang tumayo na siya at nag paalam na babalik na sa loob, sinabi din niya na bumalik na ako sa loob dahil lumalamig na and I need to rest, tumango nalang ako.

Nang mawala siya sa paningin ko huminga ako ng malalim and open my phone to check my Instagram account. I was checking some story na puro pag kain lang naman pero agad ding napahinto ng mapunta ito sa IG story ni Justin. Literal na nanlaki ang mata ko when I saw his Instagram story, it was me, nakatalikod ako sakaniya while looking at the fireworks in front of me, pero mas nagulat ako sa caption niya.


"Celebrating the new year again, with you♡"

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now