Chapter 70

570 21 4
                                    

Krisha's pov

Nakatingin ako sa harap ng salamin habang inaayos ang necklace ko na bigay ni Justin noon. Isa siyang rose na necklace. Justin knows how much I love roses, paborito ko ito.

"Hey, tara na?" rinig kong sigaw ni Justin kasabay ng pag katok niya sa pinto ng kwarto ko.

Justin set a date for us, gusto daw niya ako makasama. Napailing nalang ako bago tumayo at lumabas ng may ngiti sa labi. Pag labas ko ay mukha ni Justin na nakangiti ang bumungad saakin. Naka simple white t-shirt lang siya at maong na pantalon pero kahit gano'n ang suot niya, hindi ko mapag kakailang sobrang gwapo niya. Kahit ano atang isuot niya at babagay sakaniya at lilitaw ang kagwapuhan niya.

"Gwapo ko ba?" tanong niya at ngumisi.

Napangiwi ako bago nag lakad pababa sa hagdan, agad naman siyang humabol at hinawakan ang kamay ko. Walang tao dito sa bahay, Bea was on her tita's house habang si kuya Josh naman ay pumunta sa bahay ng kaibigan niya para mag laro ng computer games.

"Hindi tayo mag dadala ng sasakyan?" tanong ko.

Walang dalang sasakyan si Justin pag labas namin ng gate. Mag lalakad ba kami?

"Oo. I told you, gusto kita makasama mag hapon. Hindi ako makakapag focus sayo kung mag dadrive ako staka I want to hold your hand." ngumiti siya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Buti nalang pala at hindi ako nag dress at nag heels.

"Pero Jah, sikat na kayo ngayon at maraming nakakakilala sainyo. Natatakot ako na baka maraming makakilala sayo sa labas at maging issue pa 'to!" natatarangtang ani ko.

Kilala na ang grupo nila. Natatakot ako na baka may makakita saamin at baka maging issue 'to lalo na't hawak niya pa ang kamay ko. Mabuti at nasa village pa kami dahil walang mga taong nasa labas kaya hindi kami makikita.

"'Wag mo alalahanin 'yun, kuya Yani will pick us up sa labas ng village niyo. Sa ngayon, gusto ko lang maranasan muli na mahawakan kamay mo habang nag lalakad. Staka sa pupuntahan natin, walang mga tao." he smiled.

Tumango nalang ako at hinayaan siya sa gusto niya. Malayo pa kami sa labas ng village, buti nalang at hindi gaanong mainit dahil maraming puno sa gilid ng kalsada na humaharang sa sikat ng araw. Malakas din ang hangin kaya mas nakakarelax. Nalalaglag ang ilang dahon ng mga puno saaming dalawa ni Justin habang mag kahawak na nag lalakad.

I miss this. I really miss this.

Dati, ganito din kami lagi ni Justin. Walang pangamba noon dahil highschool palang kami noon at hindi pa naman siya trainee sa showBT noon kaya malaya kaming gawin ang mga gusto namin sa labas ng walang taong tinitignan at sinusuri kami. Legal kami both side kaya walang problema kung mag dedate kami basta 'wag lang pababayaan ang pag aaral.

Napawi ang mga iniisip ko ng huminto si Justin. Nag tataka ko siyang tinignan, malapit sa kami sa labas ng village kung saan may guard na nag babantay. Binalik ko ang tingin ko kay Jah, nakatingala siya sa punong animo'y nag sasayaw dahil sa hangin. Napangiti ako habang nakatingin sakaniya, may iilang dahon ang tumatama sa mukha niya pero hindi niya alinta 'yun.

"Naaalala ko ba noong unang beses kitang nakilala noon?" tanong niya at tumingin saakin, nakangiti. "Noong pumunta kami sa bahay ng kaibigan ni mama dito tapos ikaw nag babike ka at muntik mo pa ako nasagasaan," tumawa siya.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ala-ala na 'yun. How can I forget the moment I first saw my first love, first boyfriend and my first kiss.

"Noong una kitang makita non, totoong naging crush kita. Akala ko noon nasa langit na ako kasi nakakita ako ng isang anghel. Para kang isang anghel na bumaba sa langit para maging akin," humalakhak siya at binitawan ang kamay ko para saluhin ang isang dahon. "Alam mo ba, when I first saw you I know you're the one for me. Corny 'no? Lalo na't bata pa tayo noon, hindi ko pa nga alam meaning ng love pero iyon na ang nasa utak ko. Ayaw ko pang umuwi noong gabing pauwi na kami dahil gusto ulit kita makita bago man lang kami umuwi kasi hindi ko alam kung iyon na ba ang una't huling beses nating pag kikita."

Nakatitig lang ako sakaniya. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko, taimtim lang akong nakikinig sakaniya. Hindi ko alam ang kwento niya noon dahil hindi naman siya nag kwekwento ay hindi din ako nag tatanong.

"Kaya masaya dahil sa pangalawang pag kakataon, nag kita muli tayo dito. Nakita kitang umiiyak dahil natumba ka sa bike, tanga mo sa part na 'yun, love." tumawa siya.

Agad ko siyang sinapak sa braso niya. Aish, this man! Akala ko ay hindi na niya maaalala 'yun!

"Pero para saakin, swerte dahil natumba ka sa bike."

Sinapak ko muli siya sa braso, "Bakit? Nasugatan na nga ako noon ituturing mo pang swerte sayo, pambihira!"

"Haha, syempre kung hindi ka natumba noon ay hindi kita ulit makikita at doon din nag start ang pag kakaibigan natin, hindi ba?"

Tumango ako. Tama siya, dahil sa katangahan ko naging mag kaibigan kami. Siya ang nag uwi saakin sa bahay noon kaya masaya si daddy dahil may tumulong saakin. Doon nag simula ang lahat.

"Noong nakwento mo saakin 'yung tungkol sa mama mo, nakita ko kung paano ka umiyak ng sobra noon at kita ko sa mga mata mo ang sakit. Alam kong sobrang sakit sayo na hindi mo man lang nakilala o nasilayan ang mama mo habang papalaki ka kaya nangako ako sa sarili ko simula noon, na kapag naging akin ka, hinding-hindi kita sasaktan, paiiyakin at iiwan katulad ng nangyari sayo noon." inayos niya ang ilang takas na buhok sa tainga ko.

Hindi ako mapag salita. Hindi ko alam ang tamang word na sasabihin ko kaya nanatili akong nakatingin sakaniya.

"Nagawa ko naman diba?" tumango ako, he never left, hurt and make me cry since naging kami. "Kaso pakiramdam ko napaiyak kita noong iniwan mo ako." kita ko sa mga mata niya ang sakit.

"Hindi mo kasalanan 'yun, Jah. Ako ang nangiwan kaya tama lang saakin na masaktan. Ako ang nag kulang sayo. 'Yung mga bagay na ayaw mo gawin saakin, nagawa ko sayo. Iniwan kita noong panahong kailangan mo ako dahil hirap ka sa pag aaral at training mo. Nasaktan kita at pinaiyak kita. Lahat ng ayaw mong gawin saakin, nagawa ko sayo. I'm sorry, Jah." yumuko ako dahil nag simula ng tumulo ang mga luha ko.

Ngayon lang ako nakapag sorry sakaniya ng ganito. Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko, inangat niya ito at siya mismo ang pumunas sa mata ko.

"You don't have to say sorry, love. Matagal na kitang napatawad doon. Alam kong ginawa mo 'yun para sa pangarap ko kaya hindi ako nag tanim ng galit sayo." he smiled and wiped my tears, "Pero love, alam ko natanong ko na 'to noon sayo pero gusto ko ulit itanong."

Tumingin ako sakaniya, tumigil na din sa pag bagsak ang mga luha ko dahil wala din siyang tigil sa pag punas dito.

"Ano 'yun?" tanong ko.

"Pinag sisihan mo bang iniwan mo ako noon?" tanong niya at umiwas ng tingin.

Napangiti ako at hinawakan ang dalawang kamay niya bago sumagot.

"Araw-araw kong pinag sisisihan na umalis ako ng walang maayos na paalam sayo. Pinag sisisihan ko na iniwan kita kahit alam kong kahit anong mangyari, lalaban ka para saatin. Naging mahina ako noon pero may parte saakin na masaya. Masaya ako dahil naging successful ka. Hindi ko na kwento sayo 'to pero noong graduation mo, nandoon ako. Doon ko narealize na worth it din pala ang naging desisyon ko lalo na noong mas nakilala ang grupo niyo. Lahat ng sakit na dinadala ko sa loob ng 10 years, nabawasan dahil alam ko, masaya ka dahil natupad mo na ang matagal mo ng pinapangarap." I smiled at him.

He was looking at me with his serious look. Bigla tuloy anong kinabahan dahil sa tingin niya. May mali ba akong nasabi?

"Pero hindi pa ako totally happy noon dahil may kulang pa," ngumuso siya.

"Ano?" tanong ko.

"Ikaw," mabilis na sagot niya. "Ikaw nalang kulang saakin noon at ngayon na andito kana ulit, hindi na ako papayag na muling mangyayari ang nakaraan natin. Hindi ko na kakayanin na mawala ka ulit saakin, Krisha."

Inalis niya ang kamay kong nakahawak sakaniya at hinila ako palapit sakaniya bago niyakap.

"Hindi ko na ulit kakayanin pa 'yun, Krisha. Mahal na mahal kita." hinalikan niya ako sa noo.

"Mas mahal kita, Jah."


-💍
- corny ba? sorry pinilit ko lang mag sulat hahaha

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now