Chapter 46

752 38 12
                                    

Krisha's pov

Tanghali na ng makarating kami sa batanes, kung nasaan ang bahay nila Bea. Kumain muna kami, buti nalang at may naihandang pag kain ang maids nila dito kung hindi ay baka namatay na kami sa gutom.

"Kapagod, ang haba ng byahe" sabi ni Stell at hinihilot ang braso at pinapaikot ang ulo

"Pahinga muna tayo, bukas nalang tayo mag gala" sabi ni Sejun na sinang ayunan naman nila

Napanguso nalang ako dahil gusto ko na talagang gumala ngayon, nag search ako about sa batanes at sobrang ganda dito, madami akong gustong puntahan.

"Matulog muna tayo, bukas promise umaga palang mag gagala na tayo dito" sabi ni Bea at ngumiti saakin

Alam niya kung gaano ko gusto mag libot dito sa batanes dahil isa talaga 'to sa gusto kong puntahan simula bata palang ako.

Tumango nalang ako at pumunta sa kwarto, tatlo kaming babae ang mag kakasama sa isang kwarto na may dalawang kama, tabi kami ni Bea sa isa at sa isa naman ay mag isa ni Trisha. Sa kabilang kwarto naman ay mag kakasama yung lima, may tatlong kama naman daw dun kaya kasya na sila dun.

Huminga ako ng malalim bago ipinikit ang mata pero hindi parin ako makatulog, kanina pa ako papalit-palit ng posisyon para lang makatulog pero ayaw talaga ng katawan ko. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo, tinignan ko muna yung dalawa na mahimbing na natutulog bago lumabas ng kwarto.

"Di ka makatulog?"

Halos mapalundag ako sa gulat ng marinig ang boses ni Ken, kalalabas lang din niya sa kwarto nila, katabi ng kwarto namin. Tumango ako at ngumiti, sabay kaming pumunta sa kusina at kumain ng chocolates.

Walang nag sasalita saamin habang kumakain kami na nakapag dagdag ng ilang sa pagitan namin kaya ako na ang bumasag sa nakaka binging katahimikan.

"Bakit di ka natulog?" tanong ko "saating lahat ikaw ang pinaka napagod dahil ikaw yung nag dadrive" sabi ko at kumagat sa hawak kong chocolate

"Di naman, sanay na ako sa mahabang byahe" sabi niya at ngumiti

Muli kaming nabalot ng katahimikan kahit tapos na kaming kumain ng chocolate, gusto ko sana siyang tanungin kung bakit parang badtrip siya kanina kaso hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Gala tayo?" tanong niya kaya mabilis na nabaling ang tingin ko sakaniya

"Pero hindi pa sila gising e" sabi ko

"Pagod yung mga yun, staka di naman tayo mag papagabi. Diyan lang tayo sa malapit" sabi ni Ken habang nakangiti

Tumango nalang ako bilang sagot, kanina ko padin gusto mag libot dito pero walang kasama at pagod sila.

"Kunin ko lang hoodie ko" sabi ko at pumunta sa kwarto

Tulog parin yung dalawa kaya mabilis ko nalang kinuha ang hoodie ko na nakalatag sa sofa at mabilis na lumabas ng kwarto. Ngumiti ako ng makalapit kay Ken at sabay kaming lumabas, hindi na namin dadalihin yung van o yung motor dito. Mas gusto kasi niya mag lakad nalang para mas makita daw namin ang ganda dito sa batanes kaya sumangayon nalang ako.

"Saan mo gusto pumunta?" tanong niya habang nag lalakad kami

"Gusto ko sana dun sa simbahan nila dito kaso malayo pa dito at ang sabi ni Bea yung malapit lang daw dito e yung Honesty coffee shop" sabi ko kaya tumango naman siya

Halos lahat ng nadadaanan naming bahay ay gawa sa bato, madami ding mga bulaklak sa paligid ng bahay na nakapag padagdag sa ganda nito, sakto lang yun lamig ng hangin kaya masarap sa pakiramdam. Hindi din gaanong mainit kaya kaya hindi masakit sa balat, buti nalang talaga at mas pinili ni Ken mag lakad, mas maganda nga dahil napag mamasdan ko ang ganda dito sa batanes.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now