Chapter 61

535 22 0
                                    

Krisha's pov

Nang matapos kumanta si Ken bigla nalang tumayo si Justin at umalis ng walang paalam. Hindi na siya pinansin nung apat (Stell, kuya Josh, Bea and Sejun) kahit nakita naman nila.

Gusto ko mag tanong kung saan pupunta si Justin dahil mukhang nag mamadali siya pero nanahimik nalang ako at pinalakpakan si Ken. Ken just smiled at us bago nilapag ang hawak na gitara.

"Ang galing, anong title nung kinanta mo?" Trisha asked.

"Isang Tingin" sagot ni Ken.

Habang kumanta si Ken kanina inisip ko talaga kung para kanino yung kanta niya dahil mukhang may pinag-huhugutan siya. Gusto kong tanungin pero ayoko pangunahan siya, sasabihin naman siguro niya kung sino ang gusto niya kapag ready na siya tutal nangako kami sa isa't-isa na walang lihiman.

Ayoko mag tanong dahil gusto ko siya mismo lalapit saakin at sasabihin kung sino ang babaeng nagugustuhan niya pero may hula na ako. For me, I think its Trisha. Pinag mamasadan ko lang kasi si Ken habang kumanta at nakikita ko siyang napapatingin kay Trisha pero yung mata niya alam mong nasasaktan dahil nakatingin si Trisha kay Justin. Maski ako naman ay nasasaktan hindi dahil nakatingin si Trisha kay Justin na taong gusto ko kundi kay Ken, si Ken na cold pero alam mong kapag nag mahal talagang ibibigay lahat.

Hindi ko alam kung paano nag kagusto si Ken kay Trisha gayong saglit palang niya 'to nakilala. Pero sabagay, model si Trisha at kilala din kaya di na ako mag tataka kung kilala siya si Ken at naging crush pa.

"Mukhang may pinag-huhugutan ka ata Ken, ah?" kuya Josh asked then they all laughed.

Umiling si Ken at tumawa bago tumayo kaya lahat kami ay napatingin sakaniya.

"San ka pupunta?" tanong ni Stell na itatanong ko na din sana.

"Diyan lang." sagot niya at dali-daling umalis.

Pinag masdan ko lang si Ken na nakapamulsa sa beach short niya habang nag lalakad sa direksyon kung saan pumunta si Justin. Nakakapag taka dahil walang katao-tao sa part na pinupuntahan nila at isa pa ay malayo na talaga saamin yun, ayokong isipin na may gagawin silang iba dun pero makulit ang utak ko. Gusto ko sila sundan para tignan kung anong ginagawa nila pero nanahimik nalang ulit ako at tumingin sa mga kasama ko when Stell suddenly stand up kaya napatingin kami sakaniya.

"Aalis ka din?" tanong ko "susunod ka din ba sakanila?"

Tumingin si Stell saakin at ngumiti bago umiling.

"Hindi, 'diko nga alam saan pumunta yung dalawa, e." sagot niya.

"E, saan ka pupunta? Iiwan mo din kami dito?" Sejun asked "lahat nalang kayo nangiiwan, hindi niyo ba inisip yung nararamdaman namin? Nasasaktan na kami Stell, nasasaktan na kami dahil isa-isa kayong iniiwan kami ng walang paalam!"

Wow, hugot.

Napatingin kaming lahat kay Sejun dahil sa biglaang pag hugot nito. We just looked at him, walang nag sasalita saamin habang nakatingin sakaniya at mukhang nakaramdam naman siya dahil bigla siyang lumingon saamin.

"Joke lang," sabi niya at nag peace sign.

Napabuntong hininga nalang kami at napatingin kay Stell na nakatingin lang kay Sejun.

"Oa mo Sejun, iihi lang ako," sabi niya "gusto mo sumama ka nalang para hindi ka nag dadrama diyan na iniiwan ka!"

Sejun looked at him with a disgusting face. Hindi ko talaga maiwasang hindi matawa sa kulitan nila, walang araw na hindi sila ganito. I'm happy na hindi sila fake, hindi sila pakitang tao. Kung ano sila sa harap ng camera at ganun din sila sa likod ng camera. Napaka humble nila, kahit minsan hindi sila mag kaintindihan nag kakasundo parin sila at ayaw nilang may alitan na nagaganap sakanila. Sobrang nakakahanga sila.

"Ayoko, lumayas ka na!" sigaw ni Sejun.

"Kanina nag dadrama ka na iniiwan ka tapos ngayong sinasama ka umaayaw ka!" si Stell naman ang sumigaw ngayon "Sabihin mo nga Sejun, ano ba talagang problema mo?"

"Problema ko? Ikaw!" tumayo si Sejun at tinuro si Stell gamit ang isang daliri "Ikaw ang problema ko, Stell."

"Bakit ako? Akong ginawa ko sayo?"

"Hindi ka ba talaga marunong makiramdam o sadyang manhid ka lang?!" sigaw ni Sejun "Can't you feel it? Can't you fucking feel if?"

"Ang ano nga? Anong hindi ko maramdaman Sej? Sabihin mo kasi hindi yung pinahihirapan mo pa ako!" Stell shouted "Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano 'yang sinasabi mong hindi ko maramdaman!"

Nakatingin lang kami sakanila habang nag sasagutan sila. Para lang kaming nanonood ng drama pero live.

"Gusto kita!" Sejun shouted.

"Ako ba hindi?" malakas na sabi ni Stell.

Wait.... that line is familiar to me. Parang napanood ko na ata yan but I couldn't remember it.

I looked at Stell and Sejun again. Sejun's face is serious while looking at Stell, para bang seryoso siya sa mga sinasabi niya kanina. Stell is staring at Sejun with a tears on his eyes.

Wtf?

Parang totoo yung mga binabato nilang line sa isa't-isa kanina. Stell is crying, damang dama niya siguro yung mga linya na binabato niya kay Sejun. Pakiramdam ko ay pwede na siya mag artista dahil sa galing niya sa pag arte.

Bea, Trisha and I clapped our hands dahilan para mapatingin saamin yung dalawa. Stell wipe his tears and smiled at us, same as Sejun. Nag bow sila at ngumiti saamin kaya mas nilakasan namin ang pag palakpak at ngumiti.

"Para kayong tanga," kuya Josh said while eating hotdogs kaya napatigil kami at napatingin sakaniya "Akala ko ba iihi ka Stell?"

Napatingin ako kay Stell. Oo nga, he said na iihi lang siya pero dahil nag drama si Sejun hindi na siya nakaalis.

"Hala oo nga, Sejun kasi e andaming drama!"

"Bakit sinisisi mo 'ko? Ikaw nga damang dama yung lines na binabato mo saakin e, umiyak ka pa!"

Mag katitigan lang silang dalawa.

"Kasalan mo talaga kapag nag ka UTI ako!" Stell said and walked out.

Sejun sit beside Bea at inagaw ang hotdogs kay kuya Josh bago kumain. Hinayaan nalang siya ni kuya Josh dahil madami namang hotdogs ang naririra sa plato niya bale nag sshare sila pero mas madami ng nakain si kuya Josh dahil habang nag dadrama yung dalawa e kumakain na siya.

"Kuha lang akong jacket sa loob, nilalamig na ako e." Bea said bago tumayo at lumakad palayo saamin.

I just look at her back while she's walking. Nang mawala sa paningin ko ay nabaling ang tingin ko kay Trisha na tumayo at umupo sa tabi ko.

"Mamaya na alis ko ng madaling araw," sabi niya na ikinagulat ko.

"Huh? We still have 3 days here dahil after ng two days vacation natin is may saglit na event pa yung lima, ah?" sabi ko.

"Yea, but I have to leave as soon as possible so mamaya aalis na ako" sabi niya.

"Why?"

"We have a photoshoot sa Korea saktong event din yun ng lima kaya di ako makakanood." sabi niya at ngumiti.

Tumango nalang ako bago tumingin sa buwan, half lang siya at madaming stars ang nakapalibot dito. Maliwanag din ang buwan.

Sabay na dumating si Stell at Bea, siguro ay nag kita sila dun pero si Ken at Justin ay hindi pa bumabalik.

Asan na kaya 'yung dalawang yun?

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now