Chapter Eighteen

952 17 0
                                    

Erica's POV...

Nasa bahay ako. Nanonood kasama si Eyel. Walang laro si gaga. Tapos biglang tumawag si Kieffer. Niyaya niya ako mamasyal at kumain sa labas. Ano pumasok sa utak niya at niyayaya niya ako? Kasi kung hindi ko pa siya kukulitin or dadramahan hindi niya ako ilalabas pero ngayon siya pa mismo nagyaya.

Excited ako kaya naligo ako agad.

habang naliligo ako, may narinig akong nagdoorbell kaya mas naexcite ako at nagmadaling maligo.

Pagkatapos kong maligo, nagku-kwentuhan 'yong dalawa. Hindi nga nila ako napansin. Ang saya nilang dalawa. Pero okay lang sa akin. Basta sa akin si Kieffer. Okay lang kahit gaano kasakit 'yong nakikita ko. Okay lang basta ako 'yong tinatawag niyang "girlfriend". Enough na muna 'yon. Hindi ako nagmamadaling mahalin niya.

Ano ba naman si Eyel bakit ang manhid niya? Hindi ba niya ramdam na may gusto sa kanya 'yong tao? Masakit kaya 'yong mahal mo tingin lang sayo kaibigan.

Naisip ko 'yong sitwasyon ko tsaka ako natawa. Mas masakit pala 'yong sitwasyon ko. Ginagamit lang. Ako naman si tanga nagpapagamit.

Pagkalabas namin ng bahay, sumakay na kami sa kotse. Habang nasa kotse kami, walang imik kami pareho. Pagnagkakatinginan lang nag ngingitian lang. 'Yong Kieffer na madaldal kanina wala dito, naiwan doon kay Eyel. Hindi na lang din ako nag open pa ng topic kasi kahit ako pa ang pinakanakakatawang tao sa mundo boring parin ako para sa kanya.

Okay lang sa akin na ganito kami basta kasama ko siya.

Maya-maya huminto kami sa tapat ng isang restaurant. Infairness, ang ganda at ang sosyal ng place. Habang papasok kami humawak ako sa kamay ni Kieffer, nakita ko 'yong expression niya na parang hindi niya expected na gagawin ko 'yon at parang hindi niya 'yon nagustuhan.. Kaya binitawan ko 'yong kamay niya, pero hinawakan niya ulit yong kamay ko at nag-smile siya sa akin.

Awkward moment..

Just to break the ice nagtanong ako.. and I need to enjoy the night.

Erica: Ano meron?

Pero hindi ko siya tinignan.

Kieffer: Ha? bakit?

Tsaka may lumapit sa amin na employee ng restaurant.

Employee: This way sir, ma'am.

Tsaka niya kami ginuide papunta sa table namin.

Ang ganda talaga ng place.

Umupo na kami at tumingin na sa menu.

Grabe! Ang mamahal! Sasalinan sana ako ng waiter ng wine pero pinigilan siya ni Kieffer.

Kieffer: Give her a juice instead.

Nag-nod lang 'yong waiter at nagbow para magsorry.

Alam kasi ni Kieffer na hindi ako umiinom, pag napipilitan lang. Si Kieffer ang sinalinan niya ng wine.

Kieffer: Nakapili ka na?

Tumingin ulit ako sa menu.

Erica: Uhmm.. Any suggestions? Mukhang masasarap lahat eh, hindi ako makapili. Ikaw na lang bahala.

Tsaka ko finold ulit yong menu at nilapag sa table.

Si Kieffer naman naghanap nga ng oorderin.

Kieffer: Uhmm.. Give us beef steak. Medium rare sa'kin, well done sa kanya.

Tumatango yong waiter habang sinusulat 'yong sinasabi ni Kieffer.

Nilibot ko ang paningin ko habang umo-order pa siya.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon