Akiko's POV...
Pagkagising ko, naalala ko natulog pala si Harley dito kagabi pero bakit wala na siya sa tabi ko? Ang aga palang ahh?! Kaya bumangon na agad ako at lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Harley naglalagay ng plato sa lamesa habang nagluluto naman si Erica.
Noong nakita niya ako lumapit siya agad sa akin at hinalikan ako sa noo.
Harley: Good morning, babe!
Nakangiti niyang sabi.
Eyel: Morning. (straight face)
Kasi naman eh! Kiss ng kiss agad! Hindi pa ako naghihilamos. -_________- tsaka madali akong toyoin sa umaga lalo na pag bagong gising.
Bumalik na siya sa lamesa at nag ayos ulit.
Napansin ko 'yong suot niya na damit kong pinahiram. Bagay sa kanya ang cute niya tignan sa spongebob kong shirt.
Bigla akong napangiti nung nakita ko 'yon.
Dumirecho na ako sa lababo paa maghilamos.
Erica: Dito pala natulog si Harley.
Sabi ni Erica na nagluluto katabi ng lababo.
Erica: Nagulat ako eh, may lalake kasing naghihilamos sa lababo kaninang pagkalabas ko.
Eyel: Buti hindi mo nahampas ng tubo 'yong boyfriend ko.
Natawa kong sabi.
Erica: Adik! Sora ka talaga.
Tsaka ko binasa 'yong mukha ko.
Eyel: Ayoko na kasi siyang pauwiin kanina eh. Baka mapano pa. Okay lang naman hindi ba?
Habang sinasabon ko ang mukha ko.
Erica: Oo naman. Okay lang.
Nagbanlaw na ako ng mukha at pumasok na sa kwarto na sa kusina.
Pagkadaan ko sa harap ni Harley nakangiti lang siya sa akin kaya inirapan ko siya. HAHA! Nakakilang kasi eh.
Pumasok na ako sa kwarto para magpunas. Pagkalabas ko tapos ng magluto si Ekang, pumasok ako sa kusina para magtimpla ng tatlong chocolate. 'Yon na lang tulong ko eh. Nakakahiya, sila na nagprepare ng breakfast.
habang kumakain kami...
Erica: yel, kasama mo ba si Kieffer kagabi?
Eyel: Huh? Oo naman, kami-kami lang magkakasama sa table namin.
Natahimik siya saglit bago mag salita ulit.
Erica: Ahh.. Uhmm.. may sinayaw ba siya?
Nahihiya niyang tanong.
Natigilan ako sa pagkuha ng pagkain sa plato ni Harley at tumawa.
Eyel: Imbestigadora?! Selosa amp! Wala naman. Yata.. Ewan ko lang. Pero nung andun kami ako lang sinayaw niya, ewan ko na lang pagkaalis namin kasi hindi naman kami nagtagal doon ni Harley. Sannggalit lang kasi kami eh. tanong ko mamaya si Josh.
[Sanggalit = pinagsamang sandali at saglit. Nabulol kasi si Billy kagabi nung minamadali ko siyang kuhaan kami ng picture sabi niya "sanggalit lang kasi! Hindi makapaghintay!" HAHAHAHAH]
nakita kong tahimik lang siya kaya tinigil ko ang pagtawa kasi feeling ko din ako lang ang tumatawa, si harley din tahimik lang din.
Eyel: Anong meron?
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Fiksi RemajaFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥