Kieffer's POV..
My life now is like a living hell.. Every day is nothing but pain. I want my life back..
Alam ko kasalanan ko lahat, pero this is too much! Hanggan kailan ko ba pagbabayaran 'to? Halos maging sunud-sunuran na ako maitama ko lang lahat pero bakit parang hindi parin 'to counted na bawas kasalanan ko?
Isang buwan na akong nagtitiis kay Erica.. Mas lumala pa 'yong ugali niya. Simula noong nangyari 'yong gulo sa Batanggas hindi ko na rin naka-usap si Eyel kasi iniiwasan na niya ako. Okay lang sana kung kinakausap niya ako, kakayanin ko pa ang ginagawa sa akin ni Erica pero hindi eh.
Eto namang si Erica kasi bakit ba dinadamay niya sa galit niya si Eyel? Wala namang kasalanan 'yong tao.. Kung alam lang niya kung ilang beses niya akong pinagbantaan na wag siyang saktan.. hindi naman sinasadya ni Eyel 'yong nagawa niya eh..
Naputol ako sa pag-iisip habang nasa sala at nanonood ng may nag-doorbell.
Sana si Eyel -- Sambit ko sa sarili ko. Miss na miss ko na siya, araw-araw akong naghihintay sa kanya.. Baka sakaling namimiss niya din ako at pumunta siya dito sa bahay.
Tumayo ako at binuksan 'yong pinto..
'Yong ngiti 'ko at excitement ko.. naglaho..
Mukha ni Erica ang bumungad sa akin..
Nang makita niya ako, humalik siya agad sa labi ko.. Syempre, hindi ko ikinatuwa 'yon pero hindi ko pinahalata sa kanya baka awayin nanaman niya ako.. Nakakaumay.
kahit labag sa kalooban kong papasukin siya, nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya.
Erica: Good morning, honey!
Kieffer: Ang aga mo yata? (..or should I say, bakit nandito ka nanaman?)
Ngumiti siya at pumasok; sinara ko naman 'yon pinto.
Erica: Dinal'han kita ng breakfast.
inangat niya 'yong hawak niyang paper bag na ngayon ko lang napansin.
Kieffer: Sana hindi ka na nag-abala pa.
Lumakad na kami pareho sa kinauupuan ko kanina. Pagkalapag niya ng dala niya sa lamesa, umupo siya sa tabi ko at yumakap sa akin.. 'Yong yakap na gusto kong agad alisin sa katawan ko..
Erica: I miss you.. (malambing niyang sabi)
Natahimik ako.. Hindi ko alam anong isasagot ko..
"Nandito ka pala Erica."
Nang marinig ko 'yon, nakahinga ako ng maluwag. Si Ate Candace..
Inalis n'ya pagkakayakap sa akin at sumimangot.
Ayaw niya kay ate, lumamig kasi trato nito sa kanya simula noong nalaman niya ang ginawa nito kay Eyel. Hindi ko nga alam na close pala 'yong dalawang 'yon.
noong naitanong sa akin ni ate kung bakit hindi na daw pumupunta si Eyel sa bahay, doon ko na na-ikwento ang lahat.. Simula din noon, sa kanya na ako nagsasabi ng mga hinanakit.. lol. hinanakit talaga? Maliban sa tatlong ungas kong kaibigan si ate 'yong pinagsasabihan ko pa, tsaka siya lang matino mag-advice.. tagos. At, mas naging close kami ni ate simula noon.
Kaya inis siya kay Erica, pero kagaya ko, hindi niya rin pinapakita 'yon.
Noong una, kampi siya dito pero noong nalaman na niya pinag-gagawa niya sa akin at kay Eyel doon na siya mas nainis, kagaya nung ginawa ni Nichola at Erica kay Eyel nung nasa mall sila.. Pumunta nun dito si Josh at kinwento 'yon, sakto, andito si ate kaya narinig niya.
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥