Uwian na namin pero hindi ako sumama sa kanila. Gusto ko kasi pumunta sa park. 'yong park na lagi naming pinupuntahan ni Drew. Matagal na din akong hindi pumupunta doon.. Tambay mode muna ako doon..
Tapos sabi ni Kipoy sama daw s'ya, hindi daw n'ya feel maglaro kaya pinabayaan ko na lang s'yang sumama.
Nagpaalam na kami sa kanila, pagkalabas namin ng school nandun yong magandang babae na lagi kong nakikita..
Eyel: Paps, lagi ko nakikita yong babae. (tapos tinignan ko yong babae tapos sinundan din nya ng tingin) Sino kaya yan?
Kieffer: uhm.. Ewan ko. Bakit ka sa akin nagtatanong?
Eyel: MALAMANG! Ikaw kasama ko eh! Alangan si manong magtataho dibaaaa?!
Tapos nag smile lang sya. Bakit ganun? Hindi na sya nakikipag asaran sa akin. Ano ba naman 'to. Ang boring tuloy mambasag ng trip nya.
Pagkadating namin sa park, umupo lang kami sa bench tapos kumain doon tapos pinapanood yong mga tao doon. May mga batang naglalaro, may mga nagpipicnik tapos may mga naglalambingan. LOL! PDA MUCH MGA ATENG?! Tss.
Dala ni Kipoy DLSR nya so nagpicture-picture ako ng paligid tapos kinukuhaan ko din si Kipoy ng stolen shots nya. LOL! Nakaka inis ang pogi kahit saang anggulo. Naghahanap ako ng pangit nyang stolen shot tapos pagtatawanan ko sa facebook kaso wala eh. :<
Noong napagod na ako kakakuha ng litrato, nagsoundtrip muna ako sa tabi ni Kipoy..
Medyo pagabi na pero nandoon padin kami nakatingin sa malayo, sa mga taong dumadaan, kwentuhan pag may naisipan..
Tahimik kami pareho nung biglang nagsalita si Kipoy..
Kieffer: Hindi ka na sumasama sa amin ahh. Pinagpalit mo na kami.
Tinignan ko s'ya pero nakatingin s'ya sa malayo..
Eyel: Lagi ko naman kayong kasama dati hindi naman ibig sabihing hindi na ako sumasama sa inyo pinagpalit ko na kayo. Iba kasi ngayon eh.. Gusto ko sya.. (tinignan ko ulit sya pero nakatingin parin sya sa malayo kaya tumingin din ako sa malayo at tinuloy ang pagsasalita) Ewan.. Ang weird eh.. I used to hate him before.. Tuwang-tuwa ako pagnapapahiya sya.. Pero bigla na lang nagbago lahat dahil..
Noong tinignan ko na ulit sya, nakatingin na sya sa akin.. Interesado.. Nakatitig.. Hindi ako sanay sa titig nyang yon.. Kaya hininto ko pagsasalita ko..
Eyel: Oh bakit? Makatitig? Wagas lang?
Kieffer: Ano ba nagustuhan mo sa kanya?
Tapos tumingin ulit s'ya sa malayo..
Bakit ba ayaw nya akong tignan? Nakakainis ahh..
Kahit medyo naiinis na ako, sinagot ko parin yong tanong nya..
Eyel: I'm not sure eh. Inaalam ko nga din. Pero, the more na inaalam ko the more na na-fa-fall ako sa kanya.
Kieffer: Dahil ba sa gwapo, mayaman, matalino at mabait s'ya?
Hindi ko na sya tinignan..
Eyel: Nope, kung yon nagustuhan ko sa kanya.. Dapat una pa lang hindi ko na sya inaaway. Basta. Ewan. Ano ba naman to. Interbyu?! Ako naman magtatanong.. Bakit wala kang sineseryosong babae?
Natahimik sya sandali.. Tapos umayos sya ng upo at sumandal.
Kieffer: Hindi ko alam. Siguro, dahil yong gusto ko hindi ko mahanap sa kanila. 'Yong tipong nandiyan sila, sila yong nakikita ng mata ko pero naghahanap parin yong puso ko. Gusto kong maramdamang kontento ako pero hindi dahil sa ginusto ko. Kontento ako dahil yon talaga ang naramdaman ko hindi kontento kasi kailangan kong makontento. Ewan. Tama ba pagkaka-explain ko?
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥