Chapter Sixteen

847 16 0
                                    

Papasok na ako sa school nung paglabas ko may kotseng itim sa tapat ng bahay namin. 

'Yong kotseng gamit ni Harley no'ng friday. Pagsara ko ng pinto bumaba agad s'ya at binati ako.

Harley: Good morning, babe! 

Kinuha n'ya yong bag ko.

Eyel: Good morning. (humalik ako sa pisngi n'ya) Teka, amina 'yong pagkain ko sa bag.

Binuksan ko yong bag ko habang hawak n'ya at kinuha ko 'yong pagkain ko, chuckie (chocolate drink sya) atsaka yong sandwich ko.

Pagkakuha ko, nilagay na n'ya sa backseat 'yong bag ko.

Eyel: Bakit ka naka-kotse babe?

Umikot s'ya sa kabila at sinundan ko s'ya tapos binuksan nya yong pinto para sa'kin.

Harley: Kay mommy kasi ako this week. Medyo malayo so kailangan ko ng kotse.

Eyel: Ahh.. Okay.

Sumakay na ako sa sasakyan.

Habang nasa sasakyan, kumakain ako. Hindi kasi ako nag-breakfast wala din kasi si Ekang.

Eyel: Baka hindi pumasok si Kipoy ngayon.

Sabi ko para lang may pag-usapan kami tsaka ako kumagat sa sandwich na hawak ko.

Harley: Bakit?

Habang nakatuon s'ya sa daan.

Eyel: May sakit kasi yon kagabi eh. Binantayan ko pa nga s'ya.

Tumingin s'ya sa akin. 

Harley: Nasa kanila ka kagabi?

Eyel: (Habang umiinom ako ng chuckie, tumango ako) Yep, buti nga pumunta ako eh. Kasi baka napano pa 'yon. Mga tao sa bahay nila walang kaalam-alam na may sakit pala yong tao. Tsk! Tsk! (napailing ako nung sinabi ko yon)

Kumagat ulit ako sa sandwich.

Harley: Dapat si Erica na lang pinapunta mo. Bakit ikaw pa?

Tsaka siya ulit tumingin sa daan.

Masama bang pumunta doon? -___- tanong ko sa sarili ko.

Eyel: Una kasi, akala ko nagbibiro lang s'ya. Huhulihin ko sana.. Eh kaso.. Totoo. Kawawa naman yong tropa ko. Buti nga pumunta ako eh, tsaka pumunta din naman si Ekang no'n.

Harley: Next time, wag ka na pupunta doon ng hindi ko alam ah? 

Tumingin ako sa labas at make face lang ako. 

Tss! Ano masama doon? Hindi na ako sumagot, inubos ko na lang yong pagkain ko.

Pagkadating namin sa school, habang naglalakad kami, hawak n'ya bag at kamay ko. tuwing may makakakita sa amin nagbubulungan sila tapos mga parang ewan mukha. -____- Nakakailang. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo at MAGANDA? EHEM! Kumontra pangit! HAHAHAHA!

Pagkadating namin sa room, nakita ko si Kipoy nakaupo na sa upuan n'ya/

Eyel: KIPOY!

tawag ko.

lalapitan ko sana kaso hinigpitan ni Harley hawak n'ya sa kamay ko at tumuloy sa paglalakad.

Ano ba problema nito? 

Tinignan ko nalang si Kipoy. Gusto ko sana s'yang kamustahin eh.

Pagkaupo ko, tinignan ko s'ya at kinausap ko s'ya gamit ang mata.. Tinatanong kung okay na ba s'ya.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon