Chapter Thirty Eight

550 15 0
                                    

Harley's POV..

SH*T! Those monsters! Pag may nangyaring masama sa girlfriend ko, hindi ko sila mapapatawad.

Halos paliparin ko na 'yong kotse ko para lang madala agad sa ospital si Eyel. Nang tinignan ko siya sa salamin, naiyak ako. Sobrang nag-wo-worry ako sa kanya. Sobrang higpit na ng hawak ko sa manibela sa sobrang galit ko sa kanila, lalo na kay Erica. Eto ba ang gusto niya? Wala man lang siya ginawa para tulungan si Eyel.

Pag dating namin sa ospital, dinala agad siya sa emergency room at ako naman pinaiwan sa waiting area.

Tinext ko ibang kaibigan niya para sabihin kung ano ang nangyari kay Eyel.

Tulala at hindi malaman ang gagawin ko habang nasa labas.

Maya-maya, dumating na si Josh at Billy kasama si Natalia na humahangos.

Natalia: Pre, anong nangyari kay dude? (habang nakahawak sa bangs niya palayo sa mukha niya at naghahabol ng hininga)

naghihintay naman ng sagot 'yong dalawa.

Harley: Hindi ko alam eh. Bigla na lang siyang nagtext na bumalik daw ako. Doon kasi ako nagdinner, ayoko nga sana siyang iwan kasi nandun sina Nichola pero pinilit niya akong iwan siya doon buti hindi pa ako nakakalayo noong nagtext siya na bumalik ako. Pagdating ko dun, nadatnan ko na lang siyang, hawak ni Erica na walang malay at may dugo ang noo habang 'yong tatlo nakatingin lang sa kanila.

halos manghina ako nung kinwento ko ang nangyari.

Hindi kasi talaga ako makapaniwala na ganun ang mangyayari.

Nang marinig nila 'yon, lahat sila kumunot ang noo. Si Natalia napakagat ng labi sa sobrang gigil.

Natalia: Mga gag* 'yong mga 'yon! Humanda sila sa akin!!

pinakalma naman siya ni Josh, si Billy nagpaalam para mag-yosi muna.

Umupo sina Josh at Natalia sa tabi ko.

Josh: Kamusta na daw si paps?

umiling ako.

Harley: Hindi ko pa alam. Sana walang mangyaring masama sa kanya. (tsaka ako tumingin sa pinto ng E.R)

Josh: Pre, oh. Maghugas ka muna, puro dugo ka eh.

tumingin ako sa kanya habang may inaabot siyang panyo.

tinignan ko ang damit ko at braso ko na puro dugo nga.

Harley: Salamat. (pagkaabot ng panyo)

tumayo na ako at naghugas.

Tulala kong hinuhugasan ang kamay ko habang tinitignan ang tubig na namumula dahil sa dugo ni Eyel. Nag-aalala ako sa kanya, sana mas pinilit ko siyang sumama sa akin.. Hindi ko naman kasi akalaing magagawa nila 'to sa kanya.

Pagbalik ko, kausap na ni Josh ang doctor saktong paglapit ko tapos na siyang kausapin ng doctor at umalis na.

Harley: Pre, anong sabi? Kamusta girlfriend ko?!

Josh: Okay na daw siya, buti daw nadala daw siya agad sa ospital, kung hindi, baka mas madami pang dugo ang nawala sa kanya. Salamat sa pagligtas mo sa kaibigan ko pre.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Josh.

Pumunta na kami sa kwartong pinaglipatan kay Eyel.

Pagpasok namin, nakabandage na 'yong noo niya at may dextrose.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon