Kieffer's POV..
Akala ko okay na ang lahat. Akala ko magiging maayos na. Alam na kaya ni Harley? Nalaman na niya kaya 'yong pinag-usapan ni Eyel at nung lalake? Oo, alam ko din.. namin ang tungkol doon. Sinabi ni Billy sa amin. Noong bibisitahin niya sana si Eyel tapos sakto nag-uusap sila, ayon! Narinig niya 'yong mga bagay na hindi dapat.
Simula noong nalaman namin 'yon, lahat ng makakapagpasaya kay Eyel binibigay namin. Alam namin na hindi ganun kadali ang pinagdadaanan niya. Matagal niyang tinago 'yon tapos malalaman pa niyang 'yong taong minahal niya kapatid 'yon.Ang hindi ko maintindihan, bakit nagawa ni Eyel 'yon? I mean, bakit siya sangkot sa ganung sitwasyon?
Malalim na ang gabi, si Eyel lasing narin.
Eyel: Kipoy.. Peram cellphone. Tatawagan ko 'yong magaling kong boyfr-- .. ex pala. (ngumisi)
sabi niya ng papikit-pikit pa.
Kieffer: Wag na paps. Lasing ka na, bukas na lang.
Kinurot niya ako pero kahit anong pwersa niya hindi ko maramdamang kinukurot niya ako.
Eyel: Dali na! Habang namamanhid pa 'tong mukha ko sa kapal. (sinok) (sinampal-sampal niya 'yong pisngi niya) para in case na magsuntukan kami, hindi ko mararamdaman.
-patawa niyang sabi.
Wala akong nagawa kundi ibigay sa kanya cellphone ko.
Agad naman niyang hinablot 'yon at dinial kaagad number ni Harley.
Eyel: Hello. Chua, pwede ba tayong mag-usap?
Narinig kong sabi niya habang umiinom ako ng beer.
Eyel: Hindi ako lasing. Nandito ako kanila Kipoy, pag hindi mo ako pinuntahan magpapasagasa ako sa daan.
sabay baba sa cellphone.
Halos maibuga ko 'yong iniinom kong alak sa narinig ko.
Eyel: Swear, magpapasagasa talaga ako.
Kieffer: ABNORMAL KA!! Maninira ka pa ng kotse!
pabiro kong sabi pero sa totoo lang natatakot ako sa sinabi niya.
Mag 1:30 na wala paring Harley ang dumadating.
Eyel: Paps, wala. Hindi siya pumunta. Wala siyang pake sa akin kahit sinabi kong magpapasagasa ako.
naiiyak niyang sabi pero pinipilit niyang tumawa.
Kieffer: Pabayaan mo na nga lang siya! Matulog ka na!
Eyel: Uwi na ako.
Tumayo siya agad at muntik pang matumba kaya inalalayan ko siya agad at sinubukang iupo ulit.
Kieffer: Wag na, hindi mo na kaya. Dito ka na lang matulog.
Eyel: Ayaw, uuwi ako. Kaya mo pa namang magdrive 'di ba?
habang inaalis niya 'yong hawak ko sa kanya at naglakad siya papuntang pintuan.
Kieffer: Hindi ko na kaya. Nahihilo na rin ako.
Nagpause siya saglit na ikinatuwa ko pero naglakad siya ulit.
Eyel: Magtataxi na lang ako.
Sinundan ko siya.
Kieffer: Wala ng taxi.
Eyel: (nakahawak na sa doorknob at tumingin sa akin tsaka pinilit palakihin 'yong napipikit niyang mata) Lasing ako pero hindi ako tanga. Valedictorian ako di ba? (tawa tsaka dumukot sa bulsa) $h*t!
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥