Two days nung one week na excused ako...
Ang boring...
Puro pag-au-audition ginawa ko. (isang online game na puro arrows tapos sasaway) Yong character kong level 15 ngayon level 25 na. Two days lang yon ah? HAHAHAHHA! Lol! Adik lang. :3 Wala kasing DotA eh. Mabagal.
Dahil sa wala akong magawa lumuwas na ako ng Manila pero hindi ako dumerecho sa apartment. Tinext ko si Kipoy para pumunta kami sa Batangas. Sinundo nya ako sa may terminal tapos derecho na kami sa Batangas.
Pagkadating namin ng tanghali doon natulog muna ako. Mga bandang hapon, niyaya ko si Kipoy sa dagat. Sa probinsya kasi namin may dagat nga wala naman akong kasama. Hindi ko naman mga close mga pinsan ko doon.
Naglatag kami ng tela sa buhangin para maupuan namin. May dala ding basket si Kipoy puro pagkain laman. :P
Habang naka upo kami..
Kieffer: Musta bakasyon mo?
Eyel: Okay lang.
Tsaka ako kumuha ng chips at in can na softdrinks sa basket.
Kieffer: Okay ka na ba?
Kinuha nya yong chips ko at softdrinks para buksan nya pagkabukas nya binalik na nya sa akin..
Eyel: Thanks.. Yep okay na ako.
Inalok ko sya ng chips..
Kieffer: Ano balak mo?
Habang kumukuha sya ng chips.
Eyel: Ewan. Siguro kalimutan na lang kahit mahirap. Tiwala lang paps. Hehehe..
Hindi sya tumawa sa sinabi ko. Kaya tinanggal ko na yong fake smile ko. Alam naming pareho na hindi ako okay...
Kieffer: Bakit pa kasi nagkagusto ka sa kanya? I mean, there's so many fish in the water.
Tinignan ko sya medyo naiinis pero huminahon lang ako.
Eyel: Sino ba kasing may sabing FISH ang gusto ko?
tsaka ako tumingin sa malayo.
Eyel: I want a monkey... and sorry for wanting a monkey.
tapos pinuno ko ng chips yong bibig ko para hindi ako maiyak. Ewan. Ganun ako para hindi maiyak. Ewan ko kung ganun din yong ibang tao.
Inabot ni Kipoy yong softdrinks ko at uminom ako.
Kieffer: You can't convince a monkey that strawberries are sweeter that bananas.
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥