Chapter Thirty One

646 17 4
                                    

Josh POV...

Pagkagising ko, lumabas ako para makalanghap ng sariwang hangin.. Sa veranda, nakita kong nakaupo si Kieffer na parang namaga ang mata, hindi alam kong sa puyat o sa pag-iyak o both. natulog kami ni Billy sa kwarto nila kuya. Ayaw muna namin sa kwarto nila Kieffer.

Josh: Pre!

Tawag ko sa kanya habang nakatulalang nakatingin sa malayo.

Pagkatingin niya sa akin, grabe! Ang groggy niya tignan..

Kieffer: Oh? Pre, gising ka na pala. Coffee ka muna, punta ka na lang sa canteen.

tsaka siya ngumiti, 'yong ngiti na hindi maitago na nasasaktan siya.

Nag-stretch ako at napatingin sa kwarto nila Eyel.

Josh: Dito na lang ako kay Eyel magcocoffee, sigurado kumakain na yon.

tsaka ko sinimulang maglakad papunta sa kwarto nila Eyel.. papasok pa lang ako sa bukana ng veranda nila..

Kieffer: Wala na sila, nauna na silang umalis.. Kaninang madaling araw.

natigilan ako, nagpause ako ng 2 secs doon tsaka lumiko papunta sa kinauupuan ni Kieffer.

Josh: Ang gulo na ng grupo natin pre.

umupo ako sa tapat na silya ni Kieffer at nagsindi ng yosi na kinuha ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Si Kieffer tahimik lang at malalim ang iniisip..

Josh: Anong balak mo ngayon?

habang inaayos ko pataas ang buhok ko.

Bumuntong hininga siya at umiling.

Josh: Si Erica pre? Pareho kayo ng sitwasyon. Ikaw dapat ang mas nakakaintindi sa kanya; sa sakit na nararamdaman niya. Kasi pareho kayong nagmahal ng taong iba ang mahal.

Sumandal siya at hinawakan niya ang noo niya at napailing nanaman siya..

Kieffer: Hindi ko alam. Gulong-gulo na ako. Nag-aalala ako kay Eyel pero hindi ko pwedeng iwan si Erica.. kagabi parang sinabi na niya sa akin na layuan ko si Eyel, at pag iniwan ko siya magpapakamatay daw siya.

hindi ako makapaniwala sa narinig ko, naibuga ko agad lahat ng usok na hinithit ko.

Josh: Naniwala ka naman? Sa tingin mo magagawa niya 'yon?

nagsindi din si Kieffer ng yosi tsaka siya humithit at nilabas sa ilong at bibig niya.

Kieffer: We don't know her. Hindi nga natin akalain na magagawa niya kay Eyel 'yon 'di ba? Ayaw niyang may umaaway kay Eyel pero siya 'tong mismong nanakit kay Eyel.

Noong naalala ko 'yong ginawa niya kay Eyel, bigla akong nainis.

Josh: Iba talaga nagagawa ng pagmamahal, ang daming complications. Hindi maiwasang may masaktan kaya ayoko ng commitment eh. Minsan may mga relasyon na daig mo pa may asawa, ang daming bawal.. Ang dami mong iiwasan wag ka lang maging masama sa paningin niya.. Ang mga babae, masyadong sensitive.. Kahit wala kang ginagawang masama pinaghihinalaan ka. Ang hirap maghanap ng babaeng kaya kang intindihin, minsan nahanap mo na pero kaibigan lang tingin sayo.. o iba naman gusto.

humithit uli ako ng yosi.

Kieffer: (nakatingin sakin ng hindi malamang tingin) may pinagdadaanan ka ba? Lalim ng pinaghuhugutan mo eh, hindi ko alam ko makakarelate ako o ano eh.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon