Chapter Three

985 19 0
                                    

CHAPTER THREE

Harley’s POV..

Nagtransfer ako sa ibang school. Para makaiwas sa kanya. First day ko pa lang may nakilala akong weird na babae. Maganda sana kaso balahura. Yeah! It’s harsh pero ganun talaga s’ya.

Lalake kong umasta.

Red pa buhok n’ya. Diba bawal pa sa highschool  yon?

Mahilig sa gimik.

Nagdodota.

Kung makapag mura. Sh*t! kala mo wala ng bukas. Sobrang trashtalker n’ya!

Tapos noong exam, yong notebook n’ya iisa! Ano ba namang babaeng yon! Taghirap ba sya sa notebook? Hindi naman s’ya mukang mahirap, kumpleto sa gadgets pero iisa notebook?! Halo-halo na yong subjects doon. Kunyare sa first page, English naka sulat, next page Science na! tapos Next page math! Ano ba naming babaeng to! Puro drawing pa! Magaling sya magdrawing pero sana naman hindi puro mukang demonyo lahat, tapos inilulugar nya!

During exam ang bilis nya sumagot sa test. Lalo na sa first page grabe! Hinulaan lang ata. Tapos nakita ko pa s’ya nag e-einnee meenie miney mo! Eh hinulaan nga lang. So, second page walang pagpipilian.. Siniko nya ako. Hindi ko pinansin, tapos inulit ulit! Tss! Nakakabwisit! Ang sakit kayaaaaa! Kong hindi lang babae yon, sinapak ko na agad!

Pagkatapos ng exam, hinila nya ako, ililibre daw ako. Tss! Gusto lang makaulit sa pangongopya eh! Pero, ayos din mga tropa nya. Mukang masarap kasama. Paano kaya nila natitiis ugali nung babae yon? Ang galing pang mambasag. Saang planeta ba galing yon?

Buti kanina umalis agad bago kasi umaalis yon namimitik pa ng ilong yon eh. Mapapango na nga ata ilong ko. Tawag pa sakin HARLENG! WTH!? Harleng! Tapos si Kieffer, Kipoy.. tapos yong babaeng pumunta Ekang, si Erica. Ano ba naman yon?

May saltik. Buti mga kaibigan nya mukang matitino lalo na yong Erica, nursing na. halata sa uniform eh.

Mabubuhay pa kaya ako dito? Sa babaeng yon ako mamatay eh. Sakit sa ulo..

Medyo nakakailang kasi parang ako ata pinakamatanda.. 18 yrs old. Buti mga matatangkad sila Kieffer, 5’8 ako eh.

May assignment pala kami sa Monday. Tss! Bakit ko ba iniisip yong babaeng yon. Siraulo! Tss. Punta muna ako kay mama.. Death anniversary pala ni kuya Harold ngayon..

Monday na.. Pagpasok ko, wala pa si Eyel.Baka late nanaman yon. Lagi naman eh. Noong dumating sina Kieffer akala ko ksama nila si Eyel, pero hindi. Sila pa nga nagtanong sa akin eh. Tss! Hindi ko naman close yon, bakit sa akin nagtatanong. ..

One week absent si Eyel. Bakit kaya? Pati sila Kieffer nagtataka. Saan kaya sila pumunta ni Erica? Bakit ba ako interesado sa babaeng yon? Tss..

Eyel ‘s POV

One week akong absent.. Buti excused ako. Bestfriend ni papa principal eh. HAHAHA! Kaya nga napayagan din yong buhok kong kulay red. I love Hayley Williams. <3

One week kaming nag father-daughter bonding ni papa. May laptop na akong bago! Woooo! Bagong cellphone. Lol! Hindi naman ako mahilig magcellphone.. Ginawa lang naming ni papa. Shopping. Outing. Tapos umuwi kami ng province. One day lang ako dun. Tapos umuwi din ako agad sa manila.

Monday nanaman! Ano bayan! Kung may tatanggalin akong araw sa  kalendaryo Monday  yon! Tss! Pero 5:00 am palang gising na ako. Nasanay kay papa eh, nagjo-jogging kasi kami ng ganitong oras.

Bago ako pumasok dumadaan ako sa mini resto na madadaanan bago pumunta ng school para bumili ng pagkain habang nasa klase. Nagugutom ako eh. Kawawa naman mga alaga ko.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon