Chapter Fifty Two

509 19 0
                                    

Eyel's POV

Kinaumagahan..

napag-usapan namin kagabi na sa garden, malapit sa pool kami magbebreakfast.

Lumabas muna ako sa terrace ng kwarto ko para sumilip kung sino na 'yong nandun..

Si Natalia..

Si Eason..

Si Tasing..

Si Billy..

Si Karlo..at biglang nahagip ko si Yanee na naka swimsuit at may kinakawayan sa bandang pinto papuntang garden at ng tignan ko,si Harley na naka-shades at kumaway din!

ABA! ANAK NG HITO KAYO!!! Pinupuno talaga ako nitong dalawang 'to! Type ba niya si Yanee at tuwang-tuwa ito sa panlalandi niya?!

pumasok na ako ulit at ibinagsak 'yong sliding door ng terrace!

....at naghanap ng MAS SEXY-ING SWIMSUIT!

Eyel: Akala niya? Magpapatalo ako?! MAS SEXY AKO!

Kinuha ko 'yong pinakasexy-ing Victoria's secret kong black swimsuit na binili ko sa Beverly hills bago ako umuwi dito..

Walang pakundangan kong tinali ang buhok, ni hindi ko sinuklay tsaka ako nagsuot ng shades.. naka bathrobe lang ako na lumabas.

Pagkapunta ko sa pool andun na silang lahat.. Si Erica hinahanda 'yong mga niluto niya..

Eyel: Good morning! Let's eat! *nakangiti kong bati sa kanila EXCEPT kay HIGAD!*

Nakatabi nanaman si HIGAD sa kanya! TSK! HIGAD talaga!

Hindi ako nagpaapekto doon..

tsaka kami kumain...

pagtapos naming kumain nagpahinga muna kami tapos sila nagkukwentuhan..

Tumayo si HIGAD at tinanggal niya ulit 'yong tapis na sinuot niya.

nagsitinginan 'yong mga kumag sa kanya at mga mukhang naseksihan.

Nakteteng 'tong mga 'to!! Andyan mga girlfriend nila nakakita lang ng katawan mga mukhang nakalimot na!

Papatalo ba ako? Syempre, HINDI!

Tumayo din ako at nagsitinginan sila.. Sorry higad, akin lang spotlight dito.. Epal ka lang dito.

Inalis ko 'yong shades ko at tali ng buhok ko tsaka hinubad 'yong bathrobe ko..

Nanlaki lahat ng mata nila.. Ngayon pa lang nila ako makikitang naka swimsuit sa personal.. Ewan ko lang kung nakita na nila sa ibang magazines na pinagpose-an ko.. Pero hindi mala-Playboy ang pose-an ko pag nakabikini ako sa shoot no!

Sumipol si Billy.

Erica: Mag-swi-swimming ka?

Eyel: Kaya nga nakaswimsuit di ba? At bawal ba maligo sa pool KO? *sabay tingin kay HIGAD*

ako na parang bata.

Natalia: Sexy mo naman dude!

hindi ko na napansin sinabi ni Natalia dahil naiinis na akong nakatingin kay Harley dahil sa malayo siya nakatingin at nakashades parin..

Nakakainis! Hindi man lang siya nagtanggal ng shades para maaninag niya ang kaseksihan ko!!

Inis na inis akong lumusong sa pool. Badtrip!

pagkayap sakin ng tubig, narealize ko hindi din pala masamang naligo ako.. Refreshing kasi 'yong tubig ang sarap sa katawan. Medyo, may HIGAD lang na nakikisabay sa pagligo ko.. Kahit olympic size 'yong pool feeling ko ang sikip parin nito para sa aming dalawa.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon