'Yong weekdays namin naglibot lang kami ng Batanggas. Since, karamihan dito ay dagat nagswimming kami at night party.
Dayo-dayo lang.
Saturday...
Pagod na kami. HAHA! joke. Wala kaming balak magliwaliw ngayon. Pahinga daw muna. Mag-iinuman lang kami dito tapos bukas naman ng gabi, magbobonfire kami sa resort nila Kipoy.
Nasabi ko bang siya nagmamanage nun? Kung hindi, ngayon sasabihin ko na. Si Kipoy ang taga-kobra ng kita. HAHA! Charaught~ Binibisita niya 'yon once or twice a month. Pag may dapat baguhin, binabago niya. Kung may mga reklamo inaayos niya. Kahit loko-loko siya may sense of responsibility siya. 'Yong kita ng resort 50% nun sa mga employee. Sweldo nila, allowance nila at kung ano-ano pa. 15% nun sa kababata niyang si Ricky na supervisor lang at mata niya doon. Siya nagrereport ng mga reklamo ng costumers at anumalya ng mga employees na walang awang nililigwak ni Kipoy. Since andun na din naman siya lagi at naghahanap ng mga bakasyunistang chicks, pinabantay na rin sa kanya ni Kipoy 'yong resort. HAHA! 19 lang sila pero boss na sila, astig 'no? At, 'yong natitirang 35% sa pampaganda naman 'yon ng resort. Maintenance. Parang ganun.
Dati binili lang 'yon para bakasyunan ni mokong at dahil sawa na daw siya sa tahimik na bahay nila pinagawa niya 'yon na resort. Nag-boom at lumakas ang kita hanggang sa lumaki at lumawak 'yong resort at pinatayuan na ng kung ano-ano na pagmamay-ari din nila Kipoy. May bar, may kainan, discohan, etc. etc.
Noong una tinutulungan siya ni ate Candace sa pag manage doon at 'yong manager na kaibigan ng papa niya pero nung nag college si ate Candace 'yong manager na lang tumutulong sa kanya.
Nasa dugo na niya ata maging negosyante, mana sa magulang eh. Kaya nga sila naging sobrang bigtime tapos nag-iisang anak pa.
Ngayon ko lang naikwento kasi naman lately ko lang din nalaman. Kinwento lang ni ate Tina noong last na punta ko dito.
Ngayong araw, wala kaming ginawa mag hapon kundi gumala sa place tapos nakipagtropa sa mga tao doon na kasing edad namin. Umikot sa farm, "namingwit ng mangga" (na sabi ni Natalie) nanghuli ng palaka, at kung ano-ano pa.
Magdidilim na kami umuwi galing sa farm, naligo muna ako. Uso sa akin 'yon wag ka ng magtaka.
Kumain kami ng dinner. During dinner, kwentuhan nanaman kami.. Hindi na natapos 'no? Pinagkwentuhan namin 'yong mga pinagpasyalan namin kanila ate Tina at nay Aida.. tawa sila ng tawa sa mga kalokohan namin. Kasi nagkanda ligaw-ligaw kami.
After ng dinner, nagpahinga muna saglit tapos 'yong mga lalaki nag-ayos na sa veranda kasi mag-iinuman daw. Pagkatapos nila mag-ayos nagtawag na sila.
*Inuman*
Mawawala ba ang kwentuhan? Syempre hindi. Eh ang asaran? Hindi din. Since, lahat kami may partner sina Josh at Billy lang wala, inasar namin sila sa kambal.
Napansin din kasi namin na sweet si Josh kay Natalia, ganun din si Billy kay Natalie pero si Billy, paiba-iba-- maya-maya sweet tapos maya-maya i-snobin.
Nagtaas ng kamay si Tasing.
Nasa school lang 'te?!
Tasha: Spin the bottle tayo!
Umagree kami lahat tapos etong si Josh, pabida.. may rules daw siya.
"Josh rules"
There are two rules.. 1. There's no rules 2. Must follow rule number 1.
Binatukan siya ni Karlo.
Karlo: Leche ka! Ang corny mo talaga!
Nagtawanan kami, totoo naman na ang corny niya eh. :))
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥