Chapter Fourty Five

513 20 2
                                    

Billy's POV..

Lahat kami takot sa nangyari at sa pwedeng mangyari.

Si Erica halos ayaw ng umalis sa tabi nila. Bakit ba kasi ganito ang nangyayari sa amin? Mas okay pa noong mga siraulo at gago kami, walang problema.. kasi kasi 'yong problema. Bakit kung kailan matino na kami tsaka naman ganito ang nangyayari?

Ang hirap pag nakikita kong nahihirapan mga kaibigan ko lalo na si Erica.

Bakit ba kasi nauso 'yong kung sino 'yong mahal mo may mahal na iba? Ang weird.. Hindi ko alam kung ako 'yong weird dahil naiisip ko 'yong mga ganitong bagay o 'yong mga bagay-bagay ang weird. Bakit nauso pa kasi 'yong heartbreaks sa love? Ang dami tuloy nasasaktan.. Okay lang masaktan, basta mild lang. HAHA! Kung pwede lang sana.. Ang gulo.. Four letters lang ang LOVE pero ang kumplikado.

Or.. Bakit kasi may mga taong ginagawang kumplikado 'yong mga buhay nila? Kagaya ko, mahal ko si Erica pero si Kieffer ang gusto niya kaya pinabayaan ko siya at hindi ko sila ginulo kasi pinilit kung isiksik sa utak ko na makakahanap din ako ng iba pero pag kailangan niya ako, lagi akong nandiyan para sa kanya. Minamahal ko siya at the same time nag-mo-move on na din pero nung wala na sila ni Kieffer huminto ako sa pag-mo-move on dahil sa sobrang gusto ko siya kahit sa katiting na pag-asa kakapit ako.

Dalawang kaibigan ko ngayon ang nag-aagaw buhay.. Nawalan na kami dati ng isa, sana tama na 'yon.

Hanggang ngayon, hindi pa sila nagiging.. 3 days na silang walang malay.

Lahat kami ngayon andito. Magulang ni Kieffer, si tita Aira at si tita Harlyn na kakadating lang at walang alam sa nangyayari. Andito lang siya para bisitahin sina Eyel.

Maya-maya kinausap kami nila tita, lalabas sana si tita Harlyn ng pigilan siya ni Josh.

Josh: Tita, mag-stay po muna kayo dito. Kailangan niyo din pong malaman ang lahat ng alam namin.

natigilan si tita Harlyn.

Harlyn: Anong kailangan kong malaman?

Josh: Billy.

sabi niya para i-kwento ko ang nalalaman ko

Billy: Noong araw po na nailabas si Eyel ng ospital..

Aira: Ano? Naospital siya before?

napayuko si Erica sa tanong ni tita.

Billy: Opo, pero ayaw niya po ipasabi sa inyo kasi ayaw niya po kayo mag-alala.

gustuhin mang magsalita pa ulit ni tita pero hindi na niya tinuloy para ituloy ko ang pag-ku-kwento ko na lahat sila interesadong malaman.

Billy: Bibisitahin ko sana si Eyel kinaumagahan. Napahinto po ako nung may nakita akong dalawang sasakyan sa tapat ng apartment nila Eyel tapos may bumabang lalake sa pulang kotse no'ng lumabas si Eyel.. Nung nakita ko sila, parang nag-aaway sila tapos nagtago po ako kung saan hindi nila makikita pero medyo malapit sa kanila. Narinig ko pong pinabugbog ni Eyel si Harold (tingin kay tita Harlyn) 'yong anak niyo po.

Harlyn: What?! Bakit niya ginawa 'yon?! (gulat na gulat niyang tanong)

Billy: Pero napatay po siya ni Van..

Harlyn: Oh my God! (naiiyak na sambit ni tita)

Billy: Si Harold po ang sumaksak kay Andrew, 'yong kaibigan po namin at dating boyfriend ni Eyel.. 'Yon lang po narinig ko.

Josh: Naaksidente sina Kieffer at Eyel dahil sa paghabol kay Harley pero hindi siya pinakinggan ni Harley. (dagdag ni niya)

Harlyn: Alam na ba ni Harley 'to?

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon