Pumasok na ako sa loob.
Nanood ng TV. 5 minutes pa lang akong nanonood, tinatamad na ako. Walang magawa.. Naisip kong i-text muna siKipoy. Tagal na din naming hindi nakakapag-laro.
To Kipoy t(--,t):
Paps! Saan ka ngayon? Laro tayo!
Mga ilang minutes nagreply sya.
Kipoy t(--t) says:
Pass muna ako paps, masama pakiramdam ko.
Hindi ko na ni-replyan. Pumunta agad ako sa bahay nila. Baka nang-eechos lang sya.
Pagkadating ko sa kanila si Ate Candace ang nagbukas.
Candace: Oh! Eyel, ikaw pala.
Nilakihan nya yong bukas ng pinto at pinapasok nya ako.
Eyel: Si Kipoy po?
Candace: Nasa taas. Nanonood. Puntahan mo na lang.
Tsaka nya sinara yong pinto.
Eyel: Ahh. Thank you po.
See! Sabi na eh! Nang eechos lang yon!
Umakyat ako sa taas. Pagkadating ko sa tapat ng kwarto nya rinig ko na yong TV. Grabe ang lakas! Pag kapasok ko, nakatalukbong ng kumot si Kipoy.. Hinila ko yong kumot. Nakita kong nanginginig si Kipoy, hinawakan ko yong noo nya.. Sobrang init nya. Kaya agad-agad kong binalik yong kumot nya.
Kipoy: Eyel.. ikaw ba yan?
Halos pa-bulong nyang sabi.
Eyel: Oo, teka kukuha lang ako ng gamot mo.
Pagkatalikod ko bago buksan yong pinto.
Kipoy: I love you---
Mahinang sabi nya.
Eyel: Baliw! Nilalagnat ka nga. Teka lalabas na ako.
Tsaka ko binuksan yong pinto at lumabas. Pagkababa ko wala na si ate Candace. Kaya nagpatulong ako sa katulong nila para ihanda mga gagamitin tsaka gamot nya. Kawawa naman si Kipoy, may sakit na sya't lahat mga tao sa bahay nila walang kaalam-alam.
Umakyat na kami ng katulong dala gamot, soup at mainit na tubig tsaka bimpo.
Pinunasan ko muna si Kipoy sa muka nya at nilagay yong bimpo sa noo nya. Ganun kasi ginagawa sa akin ni mama pag nagkakasakit ako dati. Inilipat ko yong bimpo sa ulo nya at tinaasan yong unan nya kasi papakainin ko sya ng soup.. Nakatatlong subo lang sya tapos umayaw na sya. bago sya humiga pinainom ko muna sya ng gamot..
Hindi ako sanay na nakikita s'yang matamlay.
Maya-maya mukang relax na sya at natutulog na, hininaan ko yong TV at kinuha yong upuan na mababa tsaka ako umupo sa tabi nya habang nanonood.
Hinawakan ni Kipoy yong kamay ko. Ang init ng kamay nya kaya hpinatong ko yong isang kamay ko sa kamay ni Kipoy.
Mga ilang sandali, may gumising sa akin si Erica. Nakatulog pala ako. >___<
Eyel: te, kaw pala. May sakit eh.
Erica: Sabi nga ng katulong. Sige pahinga ka na sis. Salamat..
Habang nilapag nya mga gamit nya sa sofa malapit sa pinto ng kwarto ni Kipoy.
Binitawan ko kamay ni Kipoy.
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥