*December 31 10 p.m*
Lahat kaming magkakaibigan, nasa bahay na nila Harley. Si mama at tita Nadia andun din.. Alangan namang iwan ko mag-isa sa bahay si mama di ba? tsaka 'yon din gusto ni tita Harlyn.
Buffet ang handaan, tapos ang reception sa pool. Kumpleto, pang party-party. May sound system pa.
Lahat sila, hindi makapaniwala na ganun kayaman si Harley, ang simple lang daw niya kasi.
Nasa loob sina mama kaming lahat nasa pool.
Habang kumukuha kami ni Harley ng pagkain, bigla akong hinila ni Josh.
Josh: Pre, arbor. (sabi niyang nakangiti)
Syempre, si Josh yan.. Kaya nginitian lang siya ni Harley.
pumunta kami ni Josh sa may garden kung saan walang tao.
Eyel: Paps, anong meron?
Hindi siya sumagot instead inabot niya sa akin 'yong phone.
Eyel: Oh, gagawin ko dito? (habang nakahawak sa phone)
Josh: Nguyain mo hanggang sa maka-usap mo 'yong tao na nasa kabilang linya. (sarkastik niyang sagot)
Inangilan ko lang siya tsaka ko kinausap 'yong nasa kabilang linya.
Eyel: Hello?
"Yel..."
sabi ng nasa kabilang linya na familiar ang boses.
Eyel: Kip-- Kieffer?
Kieffer: Sorry hindi kita na-replyan noong christmas. Belated Merry Christmas and Happy New Year!
Natahimik ako at napatingin kay Josh. Alam kong takas lang 'tong tawag na 'to.
Kieffer: Hello?
Eyel: Uh.. Hello. Sorry. Anyways, thanks! Okay lang. Same to you. Enjoy lang kayo diyan.
Kieffer: Paps, I mi--
Eyel: Uy, pasalubong ko ha? Wag mo kakalimutan.
inilayo ko ng konti 'yong phone sa tenga ko para hindi ko na marinig sasabihin niya at enough para marinig niya 'yong sasabihin ko.
Eyel: oh, Josh! Salamat, kausapin mo na.
inabot ok agad phone sa kanya at umalis.
Ayokong marinig na nami-miss niya ako. Na-gi-guilty ako, si Erica kasama niya doon tapos ako iniisip nya? Unfair para sa kaibigan ko 'yon. Tama na sa akin na narinig ko 'yong boses niya at nabati ko siya.
Ayokong... Ano nga ba 'yong ayaw ko? Alam ko naman sa sarili ko na gustong-gusto ko sa sarili ko na kausapin sila.
Bumalik na ako kay harley na naka-upo na sa lamesa, tumabi ako sa kanya.
Harley: Ano sinabi sayo ni Josh?
Eyel: Wala, may tinanong lang siya. Doon muna ako kay Natalia babe, asan ba siya?
Harley: Ayon oh! Nasa bridge. (turo kay Natalia na kumakain ng barbecue)
Humalik na ako sa pisngi ni Harley at pinuntahan si Natalia.
Ano ba yan! Bakit ganun? Normal lang ba pag nalaman mong may gusto sayo 'yong isang tao, medyo mag-iiba na 'yong expectations mo sa kanya?.. or may maliit na part ng puso mo na magkakagusto din sa kanya?
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥