Chapter Eleven

901 19 0
                                    

Mga ilang sandali...

May tumawag sa akin... Si Kipoy.

Pinuntahan nya ako? Buti pa s'ya. Nung nilingon ko sya.

Kieffer: Ano nangyari? Bakit ka umiiyak? (Habang nakatayo s'ya sa baba ng bato)

Bumaba ako agad nung nakita ko s'ya. Niyakap ko sya, sobrang umiyak ako.. tuloy-tuloy pag agos ng luha ko. Nararamdaman kong tinatap nya yong likod ko para tumahan ako...

Eyel: Ang.. Sakit.. Paps... Sobrang sakit.

Putol-putol kong sabi habang umiiyak.

Habang umiiyak ako namalayan ko nalang na sobrang higpit na pala ng yakap ko sa kanya, pero pinapabayaan nya lang ako.

Kieffer: Tama na, Yel... Please..

Bulong nya sa akin tsaka nya ako niyakap. 

Kieffer: Tama na.. Wag ka na umiyak please.

Sabi nya ulit.

Eyel: May mali pa ba sa akin? Nagbago naman ako para sa kanya... Sana hindi sya naging sweet sa akin kasi may girlfriend na pala sya. Na-fall tuloy ako.

Tsaka ko inalis yong yakap ko sa kanya. 

Pinunasan ko luha ko at umakyat ulit sa bato at umupo. Sumunod din si Kipoy, tumabi s'ya sa akin..

Niyakap ko tuhod kong nakabend pataas at sinandal ulo ko sa tuhod ko habang nakatingin kay Kipoy.

Eyel: Bakit may taong pa-fall? Tapos pag na-fall ka, hindi ka naman sasaluhin.Sabi  wag maniwala sa sweet na sinasabi, maniwala sa action pero bakit ganun? Mali ba yong interpretasyon ko? Yong stuffed toy. Yong lunch every lunch time.. at.. yong.. kiss.. Hayss.. ANo ba dapat kong isipin dun? Sa lahat ba ng babae ganun sya talaga sya? Ang hirap paps.

Wala syang naisagot kundi isang malalim na buntong hininga.. 

Eyel: Nakakarelate ka sa kanya 'no? Hindi mo 'ko mabigyan ng advice this time kasi pareho kayo.

Tumingin sya sa akin..

Kieffer: Magkaiba kami. Hindi ako kagaya nya.

Eyel: Kasi mas malala ka? 

Medyo nagiguilty ako sa sinasabi ko, pero nagagalit lang talaga ako bakit ganun sila.

Kieffer: Ha? Hindi ah! May dahilan ako. May mga ugali talaga ang mga lalake na never maiintindihan ng mga babae. 

Dumirecho ako sa pag upo pero nakayakap pdin yong kamay ko sa tuhod.

Eyel: Ano pa ba kailangan naming intindihin sa panloloko niyo? 

Kieffer: teka, bakit ako inaaway mo? 

 Yumuko ulit ako sa tuhod ko at tinago mukha ko.

Eyel: Gusto ko lang malaman kong bakit kayo ganyan. Kung wala kayong balak na seryosohin kaming mga babae, wag kayong pa-fall tapos at the end pababayaan niyo lang kaming bumagsak.

Mas mahinahon na sabi ko. 

Kieffer: Maka-KAYO ka naman. Hindi lahat ng lalake pare-pareho. Siguro, may part ng heart nya na naattract sayo pero hindi nya intention na pa-fall-in ka.

Eyel: Hindi ko talaga magets. Sa dami ng maadvice sa akin, ikaw pa na isa ding manloloko. 

Alam ko masakit. Masakit din sa akin na sinabi ko sa kanya yon. :< Sorry Kipoy.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon