Chapter Nine

920 22 0
                                    

Three days na lang birthday ko na! 

Ready na lahat. Invitations, 'yong venue.. As in lahat. Simple lang pero kakaiba. Hindi mga nakaformal 'yong mga dadalo. Kung ano gusto nilang suotin, pwede basta pang beach.  Beach party eh. Sakto sa birthday ko kasi one week kaming walang pasok nun. Bakasyon na din 'yon. Makakapagrelax after exam.

Lahat kami excited. Syempre, lalo na ako. :">

Habang kumakain kami ni Ekang, naisip namin pumunta ng mall after lunch. Bibili kami ng gagamitin namin sa party.

Nasa mall na kami at namimili ng damit nakita ko yong babae na lagi kong nakikita noon sa may tapat ng school. Grabe! Ang ganda nya talaga lalo na ngayon hindi sya naka uniform..

Sinabi ko kay Ekang. Nagulat ako kasi kilala nya.

Erica: Si Nichola Sanchez?

Eyel: Kilala mo?!

Erica: Oo, madami akong naririnig sa kanya. Alam ko title holder yan doon sa University nila eh.

Eyel: Wow! Hindi naman na nakakapagtaka 'yon. Paano mo nalaman yon?

Erica: Friend sya ng classmate ko.

Eyel: Ahh. Kaya pala lagi ko syang nakikita sa tapat ng school.

Nakita kami ni Nichola at lumapit sa amin. 

Nag-hi kami sa kanya at nginitian s'ya kahit nagtataka kami bakit n'ya kami nilapitan.

Nichola: Ikaw ba si Eyel?

Eyel: Yes. bakit?

Hala! Bakit nya ako kilala?!

Nichola: Pwede ba stop chatting, texting, calling at wag ka ng lumapit sa boyfriend ko!?

Kinakabahan ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kahit hindi pa ako sigurado sa sinasabi nya. Wala akong idea kung ano sinasabi nya.

Eyel: Huh?! Si..Sino boyfriend?

Nichola: Si Harley! Kaya hindi kami magkaayos eh at laging nag-aaway dahil sayo! Ayoko kasi sa lahat may umaaligid sa boyfriend ko! Kaya stay away from him! Kung pwede lang!

Ano!? Pakiulit! Harley? Chua? May girlfriend? Bakit ganun?! Ano ba to! Hindi ako makapagsalita. Parang iniipit yong puso ko. 

Natauhan lang ako nung biglang nagsalita si Ekang.

Erica: Pwede din ba?! Wag si Eyel ang awayin mo! 'yong boyfriend mo! Malay ba namin na may girlfriend pala syang bruha! Tara na Eyel!

Tsaka nya ako hinila. Para akong wala sa sarili kung hindi pa ako hinila ni Ekang hindi pa ako aalis doon. Para akong yelo na nanigas doon.

Pagkadating namin sa bahay nakaupo lang ako sa sofa, Nakatingin sa wall tapos kumuha si Ekang ng juice at tumabi sa akin.

Erica: Okay lang yan.

Habang hinahaplos nya likod ko..

Bigla akong umiyak, nagsasalita pero hindi maintindihan sinasabi ko. Magulo. Puro iyak. Noon lang ulit ako umiyak ang masama pa noon sino ba ako para umiyak? Daig ko pa asawa na kinaliwa eh.

Tinawagan ni Erica si Kipoy dahil puro ako iyak.

mga 15 mins dumating si Kipoy.

Kieffer: Oy! Paps, bakit?! Anong nangyari?

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon