Chapter Fourty Two

590 17 0
                                    

Harley's POV...

Graduate na kami, 'yong girlfriend ko, valedictorian. Syempre, I'm a proud boyfriend. Kaso, lately ang weird niya.. I know she's weird pero mas weird siya these part few days.

Kasi, ayaw niyang lumalayo ako sa kanya pero siya 'tong parang umiiwas sa akin tapos dati isang tanong ko, madaming sagot 'yon kahit minsan hindi na relate sa tanong pero ngayon isang tanong isang sagot then end of conversation na.. Bakit ganun? Napaka mysterious niya parin. Akala ko kilalang-kilala ko na siya pero pag may tinatago siya, wala man lang ako kaide-ideya.. Parang ang dami ko paring hindi alam sa kanya.

Pag tinatanong ko siya ano problema niya, ayaw niya namang sabihin. Ayoko namang pilitin siya kasi kasi nagku-kwento naman siya, mukhang private talaga. Pero, kung private bakit pati ako damay? O baka sa akin siya may problema? Ugh! Nakakabaliw talaga pag hindi siya nagsasabi sa akin..

Habang nag-iisip ako ng kung ano-ano, naalala ko bakit ang tagal pala nila Eyel sa labas? Ano ba ginagawa nila? Kaya inubos ko na 'yong alak sa baso ko tsaka ako tumayo para lumabas. Bago pa ako makalabas, hinarang na ako ng mga babae naming kaibigan..

Natalia: Nasaan ba sila? Ano ba ginagawa nila??

-nakasimangot niyang tanong.

Lumabas kami at hinanap sila, noong makita namin sila, naliligo na sila sa dagat. Ano naisipan ng mga 'to? Hindi man lang nagtatawag.

Noong ilalapag ko na sana 'yong damit kong hinubad, nakita kong may mga regalo doon..

Binigyan ba nila si Eyel?

Ang swerte talaga ng girlfriend ko sa kaibigan kasi inaalagaan siya at tinuturing na parang kapatid talaga. Kaya natatakot ako na pag nawala sa akin si Eyel, kakayanin niya kasi nandiyan sila para samahan siya at pasiyahin siya hindi kagaya ko na bilang lang ang kaibigan tapos 'yong iba pa nasa ibang bansa pa..

Madaming nakikipagkaibigan sa akin hindi dahil ako si Harley kundi dahil sa katayuan ko sa buhay.

Nilapag ko na 'yong damit ko at lumusong na sa dagat at nakipagsaya sa kanila.

_____

2 a.m na kami bumalik sa kwarto namin. Ang kasama namin sa room si Erica at Natalie.

Pagkabihis ko, chineck ko 'yong phone ko. Andaming missed calls at messages galing kay Nichola. Ano nanaman bang problema niya? Gusto niya daw kasi akong kausapin at importanteng-importante daw. Tsh! Anong paninira nanaman ba ang binabalak nitong babaeng 'to?

Hindi ko siya ni-reply-an, instead nanood na lang ako ng t.v habang hinihintay matapos maligo si Eyel.

_____

Pagkauwi namin ng Manila, hinatid ko na muna sina Erica at Eyel tsaka ako umuwi kay mommy.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin, may nakita akong pamilyar na kotseng puti sa harap ng gate namin. Huminto ako sa harap ng gate namin at may lumabas na babae sa kotseng puti. Si Nichola. Lumapit siya sa kotse ko at kumatok sa salamin..

Binaba 'ko 'yong salamin pero hindi ko siya tinitignan, akala niya siguro nakakalimutan ko na 'yong ginawa niya kay Eyel.

Nichola: Bakit hindi mo sinasagot texts at tawag ko?!

galit niyang tanong.

Harley: (tingin sa kanya, tanggal ng shades) Sino ka ba para magalit ng ganyan? Sorry, busy ako sa girlfriend ko.

Mas nainis siya sa sinabi ko pero nag smirk siya.

Nichola: May dapat kang malaman. (smirk) This will change your world. (smiles sarcasticly)

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon