6:15 a.m
May nag pupunas ng bimpo na sobrang lamig sa mukha ko. Kaya nagising ako. Nag inuman kasi kami kagabi pagkatapos maglaro.
EYEL: ano ba naman rituwal yang ginagawa mo?!
Erica: Gaga! Para mahimasmasan ka may exam ka pa!
EYEL: Sabihin ko nalang may sakit ako.
Erica: Hindi pwede! Isusumbong na kita kay tito para hindi mapalitan laptop mo!
Yong laptop ko kasi natapunan ko ng juice sa ibabaw ng keyboard. Tss! Tang! No choice babangon ako. -.- Lumabas ako at kumuha ng malamig ng tubig para inumin.. Medyo malaki yong apartment namin, isa lang kwarto pero malaki kasya dalawang kama. Parang bahay na, tapos may kusina na may katamtamang laki sa sala. Kumpleto gamit. Walang binabayaran, sagot lahat ni tito.
Naligo ako mga 15-20 mins lang. Nagmamadali eh.
6:45 na. Buti malapit lang school naming.. Nilalakad lang.
Sa gate nakita ko si harleng.
EYEL: Harleng!
Kinawayan ko sya pero hindi nya ako pinansin. Snob! SAMA! T_T
EYEL: Ang sungit mo paps!
Harley: Sorry hindi kita napansin.
Sauce! Dahilan naman nito.
Sa lobby andun pa mga classmates namin it means wala pang teacher. Aga ko. :”>
Pag pasok naming sa room, yong iba nagdadaldalan, yong iba nagmemake up ang aga-aga, yong iba nag rereview, tumitirik-tirik pa mga mata habang minememorize yong mga nirereview nila! HHAHAHAHA! Ano ba naman tong mga to parang may sapi. Laptrip! Amputs!
Andun na din si Kipoy ang company. Wow! Ang aga ah! Nagkukulitan sila, tapos nakita nila kami..
Kipoy: Oy Paps! Boyfriend mo?! Hanep akala naming babae type mo, lalake pala! HAHAHAHA!
EYEL: Sira! Bago nating classmate! Puro kasi kayo absent! Hindi tuloy kayo updated.
Nung umupo ako, sumunod naman si Harley at tumabi sa’kin..
Josh: Oy Paps! Tabi pa kayo ah! Yiheeee! May Bagong loveteam!!
Tapos sabay-sabay silang nagsalita ng..
“PEEEEEEEEVVVVEEEEEVEEEEEEE TEEEEEEENNNNSSSS!!! HAHAHAHAH!”
Ang aga-aga lakas ng mga tama. Humithit nanaman siguro ng stik-O tong mga to!
Noong tinignan ko si Harley, wala syang pake. May sariling mundo. Puro s’ya basa ng notes ako nauumay sa kakabasa nya ng notes nya eh. Infairness sa sulat n’ya ah! Ang ganda! Ang ayos ng notes. Kumpara sa’kin.. HAHAHAH! Ayoko ng i-describe. Kagimbal-gimbal..
Ang iingay nung mga kumag.
EYEL: Hoy! Manahimik nga kayo! Nagrereview ako!
Josh: Wow! Review daw. Baka lagnatin ka!
EYEL: Utot! Magbago ka na!
Josh: K.
Ayan na yong teacher namin.
Teacher: Okay, put everything away, lahat ng bags nasa ilalim ng chair. Alam niyo na ang rules pag may exam right? Pwedeng mangopya pero hindi gagalaw ang ulo. Once I caught you.. Alam mo na mangyayari sa papel mo. Clear?
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥