10 p.m pa lang nagpahatid na ako kay Harley, sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Hindi ko na din siya pinatulog dito, gusto kong mapag-isa muna. Nag-aalala man siya napilitan parin siyang iwan ako. Humiga lang ako sa kama ko kahit hindi pa nakakapagbihis. Tulala habang nakatingin sa kisame. Habang tulala ako, naisipan kong magsulat at ilagay sa secret box ko.
'Yong secret box ko, parang diary ko 'yon. Eyel's costumized diary tawag ni Ekang doon. Hindi kagaya sa ibang Diary na puro sinusulat.. Iba 'yong sa akin. Nandun 'yong mga bagay na importante, may caption, kailan binigay, sino nagbigay, ano meaning.. Mga ganun.. Pag hindi naman siya kasya sa box ko, Pinipicture-an ko tapos 'yon ang lalagyan ko ng caption..
May costumized scented papers, may 8 different colors na ballpen, 5 different colors na stabillo, mechanical pencil, tapos 3 pentel pen, sticky note, glue, glitter glues na may 3 iba't-ibang kulay.. at kung ano-ano pa. Hindi ako gumagamit ng ibang brand ng ballpen or ng kahit anong ballpen, kung ano 'yong nasa box 'yon ang ginagamit ko. Ewan, minsan sinasabihan na ako ni Ekang ng weird pag kinakalikot ko secret box ko.. tsaka pag nasa kwarto siya kailangan ko pang tanggalin lahat ng laman ng closet ko at doon ko kinakalikot 'yong secret box ko, wala kasi aircon sa salas eh.
Sa secret box ko tinatago lahat ng importanteng bagay sa akin. Lahat ng hindi alam ng kaibigan ko.. Siguro kung dinamay nila 'to noong nag-imbestiga sila sa kaso ni Drew, malalaman nila ang kwento.
Pag may mga important dates, nilalagay ko sa sticky note at dinidikit sa wall ng box.
Tumayo ako sa kama at lumuhod sa baba para kunin 'yong secret box ko..
Pagkasilip ko sa ilallim may nakita akong pouch, kinuha ko 'yon at tinignan.. Vuitton pouch na puro make-up ang laman. For sure, kanila Nichola 'yon. Nilapag ko lang 'yon sa table ko at kinuha ko na 'yong box ko. Sana hindi nila pinakialaman 'to. Nilapag ko 'yon sa ibabaw ng study table ko na nasa tapat ng bintana. Binuksan ko 'yon at tinignan kong nagalaw.. pero, mukhang hindi naman kasi, hindi nagulo 'yong laman ng box.
Una kong nilagay, 'yong haircut ko. Ginaya ko 'yong hairstyle ni Cher Lloyd. 'Yong shaved 'yong gilid? 'yong date at kung bakit ako nagpagupit. -___- Tsaka ko dinikit sa wall ng box.
Kumuha na ako ng costumized scented paper at isinulat LAHAT ng nalaman ko this day at 'yong story behind it. LAHAT. Pati nararamdaman ko..
_______
7 a.m pa lang ng bumangon ako. 2 hours lang ako natulog, ang hirap matulog eh.. Nag-ayos muna ako ng sarili para bumili ng pagkain sa labas.
Pagkalabas ko, may kadarating lang na kotseng pula ang nagpark sa likod ng isa pang kotseng kulay puti na nasa tapat ng bahay namin..
Hindi ko lang pinansin kasi hindi naman 'yon mga kotse ng mga kaibigan ko..
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥