Chapter Seventeen

971 20 3
                                    

5:30 a.m ng gisingin ako ni Erica.

Ano bang problema nito? Wag n'ya nga ako idamay sa pagiging early bird n'ya!

Erica: HOY! Gumisingin ka na nga! May bisita ka!

Eyel: Grabe! Ang aga naman nyan! Sino ba yan?! Sabihin mo balik na lang s'ya mamaya!

Tsaka ako nagtalukbong ng kumot.

Erica: GAGA! Si Harley!

Ano ba naman 'yon! Bakit ang aga naman n'ya?!

Napilitan akong bumangon. Tinali ko agad 'yong buhok ko ng hindi man lang sinusuklay.

Unang lumabas si Ekang, sumunod ako. Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Harley nakaupo tapos may dalawang paper bag sa table. No'ng makita niya ako, nag-smile siya at tumayo agad para lumapit sa akin.. Pagkalapit niya, hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako ng mahigpit.

Harley: Good morning, babe! I miss you!

Mas hinigpitan niya pagkakayakap sa akin.

Eyel: Pwede bang mag-hilamos muna? Yakap agad eh. -______-

 Tinanggal niya yakap niya sa akin, pero kontra utak ko no'n.

Sa totoo lang, KINIKILIG AKO! ugh! Ang sweet niya! Ba yan! Kung pwede lang mag-stay sa pagkakayakap sa kanya hindi na ako umalis doon. Nakakailang naman kasi hindi pa ako naghihilamos. Morning breath. :|

Pumunta ako sa kusina para mag-hilamos. Nakita ko si Eka na nagtitimpla ng hot chocolate tapos nakangiti siya sa akin.

I'm like, "what's wrong with her?" -____-

Kaya tinanong ko siya.

Eyel: Oh? bakit?

Tsaka ako dumirecho sa sink at binuksan 'yong gripo at binasa yong muka ko na nakapagpa dilat ng mata ko.

Erica: Ang swerte mo naman sa boyfriend mo. Ang gwapo na sweet pa.

Naririnig ko yong pagbangga ng teaspoon sa tasa habang hinahalo niya yong tinimpla nya.

Eyel: Ikaw din naman ah! Pareho lang tayo.

Habang sinasabon ko mukha ko.

Erica: Uhmm.. Ilang spoon ng chocolate kay Harley?

Okay. Change topic. May problema ba siya kay Kieffer? Ni hindi man lang nagkwe-kwento sa akin.

Eyel: Two. Hindi mahilig sa matamis 'yon eh.

Sabi ko na lang.

Tapos na ako maghilamos at mag-toothbrush. Pumasok na ulit ako sa room. Noong, nadaanan ko si Harley nakatingin siya at nakangiti.

Ano ba naman to! lagi na lang nakatingin sa akin. :|

Pagkatapos ko magpunas, lumabas na ako agad ng room. Lumapit ako sa dalawa habang nag-uusap sila..

Pagkaupo ko, tumayo si Ekang para buksan yong TV.

Eyel: Bakit ang aga mo naman?

Tsaka ko inayos pagilid yong bangs niya.

Harley: Para sabay tayong mag breakfast.

Nilabas niya isa-isa yong laman ng paper bag.

Habang isa-isa niyang binubuksan yong mga tupperware, I'm like kada bukas niya ng tupperware, "WOW! *drool* *clap clap* *glittery eyes*" LOL! Muntanga lang eh.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon