Akiko's POV...
Hindi namin tinapos ni Harley 'yong party. Nagpaalam na kami agad sa kanila. Sabi kasi ng boyfriend kong KJ, "may ipapakita ako sayo tara na". -___-
Two hours lang yata kami nag-stay sa party. So, mga 9pm pa lang umalis na kami.
Sumakay kami sa sasakyan para umalis na. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta mukha naman kasi wala siyang balak sabihin sa akin.
Nag-soundtrip lang ako sa cellphone ko habang nakasandal ang ulo sa salamin ng kotse at nakatingin sa labas.
Napansin ko, palabas na kami ng ng siyudad kasi pa-konti 'yong bahay padami 'yong puno. HAHA! 'Yon basehan ko pag palayo na sa siyudad eh. Saan naman kasi pupunta? (-_-")
Noong makarating na kami sa lugar. Namangha ako sa ganda. Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganitong lugar..
Paano ko ba siya i-de-describe? Uhmm.. Ano 'yong tawag sa lugar na kung saan makikita mo 'yong buong city na napupuno ng ilaw since gabi tapos parang ang liit-liit nito?
I mean.. You know.. 'yong parang romantic place sa mga movies na parang nasa cliff, hill or kung ano mang klaseng bundok, burol 'to. HAHAAH! Pasensiya! Hindi ko talaga alam tawag dito. Basta matass siya tapos tanaw mo 'yong siyudad tapos madaming iba't-ibang ilaw.
At dahil sa gabi nga mas romantic 'yong ambiance kasi under the moon and the stars ang peg.. You know.. Mga ganung eksena.
Bumaba na kami ng kotse. Sarap ng simoy ng hangin.. Ang presko. Madami din kasing puno sa paligid nito, para lang siyang open space tapos madaming damo.. Maganda siguro kung sa ganito or dito ako tumira someday. :">
Tinignan ko si Harley na umikot papunta sa likod ng kotse. Pagbalik niya may hawak na siyang chips at in cans na softdrinks.
Harley: Alam ko gusto mo ng may pinupulot-pulot ka. (smiles)
Hindi ko alam kung saan ako kikiligin eh.. Kung sa chips o sa ngiti niya. HAHAHAHAHAH!
Umakyat siya sa ibabaw ng kotse niya.
Harley: Tara babe!
Tsaka niya inabot kamay niya.
Eyel: Baka magasgasan kotse mo!
Harley: Hindi yan! tsaka ikaw naman gagasgas eh! Okay lang yan. Kunyare signature mo yan. (nakatawa niyang sabi)
Eyel: Pssh! Baliw!
Inabot ko kamay niya, pero bago ako umakyat tinanggal ko muna 'yong heels ko.
Umupo kami sa bubong ng kotse niya paharap sa siyudad.
Ang ganda talaga. Ang romantic. Kakaiba sa feeling.
Eyel: Ang ganda-ganda dito... Ilang babae na dinala mo dito? -- tsaka ko pinilit ngumiti.
"Gaga ka Eyel! Masasaktan ka lang sa tanong mo eh! Stupid!" -- kontra agad ng utak ko.
natawa siya sa sinabi ko. Amp! Ano nakakatawa doon?
Harley: Wala pa. Ikaw pa lang.
Tsaka niya ako tinignan.
Para akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.
Tumingin uli siya sa siyudad at bumuntong hininga.
Harley: Sito kami huling nag-hang-out ng kuya Harold ko bago siya mamatay.
Napayuko siya at makikita mo sa mukha niya na ang lungkot-lungkot niya.
"Aww.. He's is pain! tanga mo talaga!" -- Sabi ko ulit sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥