Chapter Fourty Four

550 15 2
                                    

Kieffer's POV...

Umalis kami ni Eyel para ayusin ang mga kailangan para pumunta sa States. Hindi ko na kayang nakikita siyang nagkakaganito. Eto na lang ang alam kong paraan para mabawasan 'yong sakit na nararamdaman niya. Mahal na mahal ko siya kaya lahat gagawin ko para sa kanya.

May isang gusto si Eyel, gusto niya munang magpaliwanag kay Harley bago umalis ng bansa.

Naayos na lahat. Next week na ang alis namin. May 10 days pa kami at may gusto pa daw gawin at ayusin si Eyel.

3 days kaming nasa probinsya nila tapos umuwi na kami ng Manila to spend our remaining days with our friends. Hindi man sila masaya sa desisyon namin, inintindi nila parin kami.

May kanya-kanya na silang kursong gustong kunin. Iisang kurso lang, Business Administration. HAHA! nasa dugo na yata namin ang pagiging negosyante pero pag-graduate nila gusto ulit nilang mag-aral kagaya ni Josh, gusto niya sa Music and Arts. Si Billy IT daw. Si Karlo, Cullinary tapos ako, photography.

Pumunta naman kami ni Eyel sa park. May 5 days pa kami.

Naglalakad na kami ng makita namin si Harley sa pwestong inuupuan ni Eyel.

Pinigilan ko si Eyel na lapitan si Harley.

Eyel: Paps, kailangan ko siyang kausapin. Ilang araw na lang tayo dito.

Binitawan ko siya kahit alam kong masasaktan lang siya ulit. Sinundan ko lang siya sa paglalakad.

Eyel: Harley..

Tinignan siya ni Harley at mapula ang mata niya.

Harley: (tumayo) Eyel..

Eyel: Pwede ba kitang kausapin?

Harley: Wala na tayong dapat pag-usapan pa.

Kieffer: Pre, makinig ka naman sa kanya.

Harley: (kay Eyel) Ayokong makinig sa kahit anong sasabihin mo. (tingin sa akin) She's all yours.

tsaka niya sinimulang maglakad.

hinabol siya ni Eyel at sumunod din ako.

Eyel: Harley please! Pakinggan mo naman ako. (habang pinipigilan niya maglakad si Harley)

pero hindi humihinto si Harley.

Nasa gilid na kami ng kalsada ng napagdesis'yonan kong ako na ang pumigil sa kanya. At, sa wakas huminto na siya.

Harley: PWEDE BA KAYONG DALAWA TIGILAN NIYO NA AKO? (sigaw niya)

Eyel: Pakinggan mo muna ako! PLEASE! Pagtapos nito hindi na kita guguluhin! (umiiyak niyang sabi)

Harley: O'sige. Papakinggan ko lahat ng kasinungalingan mo.

Eyel: Naaalala mo 'yong lalake noon sa mall? Noong bumili tayo ng dress ko para sa prom? Siya ang pumatay sa kuya mo. Ang sabi ko lang bugbugin pero pinatay niya. (halos maubusan siya ng hangin para lang maikwento)

Harley: Eh di ikaw parin may dahilan! Anong pinagkaiba nun!? (tsaka siya tumawid)

Eyel: KUYA MO ANG DAHILAN BAKIT NAWALA ---- (sigaw niya)

tsaka siya tumakbo para sundan si Harley at may kotseng parating...

Eyel: HARLEY, PLEA---

tinulak ko siya para hindi siya masagasaan at ako 'yong mabangga..

Pero...

nakahiga na ako sa kalsada ng pinilit kong hanapin si Eyel at nakita kong nakapailalim siya sa isa pang kotse.. Kasabay ng pagpikit ko ang pagpatak ng luha ko, hindi ko siya nailigtas......

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon