Chapter Fourty Nine

524 18 13
                                    

Pagdating namin ng Pinas, nag-check in lang kami sa isang hotel. Wala kasing nakakaalam na andito na ako ng Pinas, gusto ko kasi silang i-surprise. Buti na lang din, kilala ni Yanee ang may-ari ng hotel kaya hindi lumabas sa media na andito na kami.

Natulog muna 'yong dalawa kasi may jetlag pa raw sila. Ako naman, umalis muna kasi may bibisitahin akong importanteng tao. Bumili ako ng bulaklak at paborito niyang pagkain... tsaka ako dumirecho sa sementeryo.

Pagdating ko doon, ang daming alak at mga bulaklak. Death anniversary niya kasi last week.. Hindi talaga nila makalimutan si Kipoy.

Nilapag ko 'yong dinala ko, kumuha ako ng pamunas at pinunasan 'yong puntod niya habang ginagawa 'yon nagpapatugtog ako ng mga paborito naming kanta.

"Paps, 4 years akong nawala.. 4 years na pero andito parin 'yong sakit. Ang epal mo kasi eh! Dapat ako 'yong nandiyan ngayon.. Hindi ikaw. Alam mo bang hindi pa nila alam na andito na ako? Si Loura lang napagsabihan ko.. Si Loura nga pala, chat buddy ko. And, alam mo din bang model na ako? Hindi akalain 'no? Dahil kasi 'yon sa mga mata mo. Kahit wala ka na, andami mo parin nagagawa para sa akin. Napakaswerte kong tao dahil pinahalagahan mo 'ko at naging kaibigan kita--- napakatanga lang dahil lagi kitang sinasaktan.. Salamat, utang ko lahat ng buhay ko sa'yo. Sa susunod na buhay, hahanapin ko ang reincarnation mo at babayaran ng triple ang utang ko. The best kang kaibigan."

Napatingin ako sa pictures namin, andun parin 'yon, hindi nila inalis.

"Bagay pala tayo eh. Hehehe"

Pagbibiro ko.

Kinuha ko 'yong picture niya at pinunasan 'yon.. Napatitig ako sa litrato niya.

"Sa sobrang bitter ko at makasarili, hindi ko na napansin 'yong mga magagandang bagay na nagawa mo"

Maya-maya tumugtog 'yong Angel with a shotgun (by: The Cab.) [a/n: pakinggan niyo na lang sa youtube. It describes Kieffer and maganda 'yong song <3]

Nakuha ko 'yon sa laptop niya. Gumawa siya ng cover. Para sa akin daw 'yon.. Dedicated 'yong song sa'kin.

"I'm an angel with a shotgun, I fight until I was one. I don't care if heaven won't take me back. I throw away my faith babe just to keep you safe. Don't you know you're everything I have?"

Linyang tumatak sa'kin.

Sa gitna ng pag-se-senti ko, biglang nag-ring 'yong cellphone ko.

Calling:

            Eason Alfonso...

Eyel: Hello?

Eason: Girl, where are you?

Eyel: May binisita lang. Pabalik na ako.

Eason: Hurry up! I'm excited na to meet your friends!

Eyel: Oo na, papunta na ako.

*Call ended*

"Paps, alis na ako ah?"

tsaka ko hinalikan 'yong picture niya at binalik sa tabi ng picture ko.

Paglabas ko, may lalakeng nag-aabang sa 'di kalayuan mula sa puntod ni Kieffer.

[a/n: Play the song right there --> "multimedia" (part of the list by Neyo) para makatulong sa scene hehe]

Pilit kong inaninag 'yong mukha nung lalake kasi nakatingin siya sa direksiyon ko pero hindi ko makita dahil sa sinag ng araw.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon