Akiko's POV...
Isang buwan na rin ang nakakalipas na may samaan kami ng loob ni Ekang.. Isang buwan na hindi kumpleto ang tropa.. Isang buwan na hindi ko kinakausap si Kipoy.. Ang sakit. Miss na miss ko na sila pero wala akong magawa! Hindi ko alam paano ko aayusin 'to.
'Yong feeling na sa tuwing makikita mo sila, gustong-gusto mo silang kausapin, kamustahin at ibalik 'yong dating kayo pero hindi ganun kadali yon.. hindi ko magawa kasi iba na 'yong sitwasyon namin ngayon. Hindi kasi simpleng tampuhan lang 'yong nangyari sa amin. Ang sakit lang kasi 'yong dating kakampi mo, siya na yong kaaway mo ngayon.
....
This week, "Christmas Fair Week".. Kung saan lahat ng highschool at college students pwede magsama.. Pwedeng sumali ang college sa pakulo ng highschool.. vice versa. Since, wala kaming hilig sa org-org na yan, gumagala lang kami tapos nakikijoin din sa mga pakulo nila pag trip lang namin 'yong mga ginagawa nila pero pag na-bore kami, gumagala na lang kami somewhere.. Last day ng fair may party kinagabihan, syempre matik na andun kami kasi madaming pagkain. 'Yong nga lang hindi kami kumpleto kagaya dati. (sigh)
First day ng Fair...
Nanood lang kami ng dance contest. First time hindi sumali ang "Micro Moves"-- grupo nila Kipoy. Ang daming nagtatanong kanila Josh bakit daw hindi sila sumali.. Ayon, dahil nga sa sitwasyon namin, hindi sila nakasali.. Pero, sinabi lang nila na "Give chance to others" Lol! Makapagyabang lang si ungas.
Magkakasama kaming magkakaibigan maliban lang kay Kipoy at Ekang. Nakakalungkot talaga, hindi ko maenjoy.
Second day ng Fair..
Hindi kami pumunta..
Mga pakulo lang ng iba't-ibang org ang nandun.. 'Yong magpeperform sila? Bawat org. may ginagawang parang show? Hindi namin gusto 'yon. So, may kanya-kanya kaming lakad-- dates. 'Yong dalawang pares ('Yong kambal, Billy and Josh) may mga "lakad" din. hindi ko alam kung ano ang real scores sa mga 'yon, sabi nila "dating stage" pa lang daw sila pero parang sila na.
Pssh! Daming alam!
Third day ng Fair..
Ms. University. Kasali si Erica. Noong una, hindi ako makapaniwala kasi hindi siya mahilig sa mga pageant-pageant na yan pero nung nakita ko sa list ng candidates ang pangalan niya napa "seryoso? Kasali talaga siya?" ako.
Pumunta kami at nanood kahit ayaw ng mga kasama ko.. Sa bandang likod kami pumwesto para hindi niya kami makita, baka kasi ma-destruct siya kami pa maging dahilan ng pagkatalo niya..
Siguro.. Noong nanalo siya? Ako 'yong may pinakamalakas na sigaw sa likod.
Fourth day ng Fair..
Parang noong second day lang kaya hindi ulit kami pumunta. Instead, pumunta na lang kami ng mall para tumambay, maglaro at mamili ng susuotin sa party kasi bukas na 'yon.
Fifth day ng Fair (PARTY)..
7pm nasa gym na kami. Kaming dalawa ni Natalia ang parang kambal kasi parehong-pareho kami ng ayos, damit at sapatos pati accesories kulay lang pinagkaiba. Black sa kanya, pink sa akin. Ang gay. 'yon kasi gusto ni boyfriend.
'Yong kambal kahit college na sila sa party naming mga highschool sila sumama, gusto daw nila dito.
Habang kumakain kami at nagkukwentuhan sa table namin, biglang nagsalita 'yong emcee.
Emcee: Ladies and gentlemen, may I have you attention please? Please welcome our Ms. University Erica Anne Marquez!
(Tsaka sila nagpalakpakan)
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥