BIRTHDAAAAY KOOOO NAAAAAAA!!!!
Wala pang araw busy na lahat ng tao sa pag prepare.
Pero hindi ako excited. Hindi ako ganun kasaya. Ang ganda ng birthday ko! Sobra. Sa sobrang ganda lahat ng dadalo imamassacre ko! HAHAHAHHA! Nakakainis naman kasi eh. :<
hanggang ngayon nasasaktan parin ako.
naglakad-lakad muna ako sa tabing dagat. Nakakarelax yong hangin tsaka yong sound ng alon. Ang sarap sa feeling, nakakagaan.
Habang naglalakad ako, may nakita ako sa may malaking bato na nakaupo. Si Kipoy. LOL! Nagmomoment? Emo aah! Kaya nilapitan ko sya.
Eyel: Paps! Ang aga mo ahh!
Habang nakatayo sa baba ng bato.
Kieffer: Oy! paps! Ikaw pala. Ginagawa mo dito?
Tsaka sya tumayo at inabot ang kamay para alalayan ako sa pag akyat.
Eyel: Ano meron?
Umupo kami pareho.
Kieffer: Wala, pahangin lang. Ganda dito.
Eyel: Ahh. Oo. Sarap ng hangin lamig sa mukha. Nakakamiss si Drew 'no?
Kieffer: Oo, sobra.
Hindi na ako nagsalita. Baka mag-emo nanaman ako eh. Kasi kung hindi nawala si Drew, hindi sana ako nasasaktan ngayon. Wala sana yang Harley na yan!
Nagpalipas kami ng oras doon na naka tingin lang sa dagat ng maya-maya may tumawag sa amin. Boses ni Ekang.
Erica: Oy! D'yan lang pala kayo! Breakfast na tayo! (sigaw nya)
Eyel: Sige, dyan na!
Unang bumaba si Kipoy tapos inalalayan nya ako bumaba. Ang gentleman no? HAHAHAH! no worries na sasaktan niya si Ekang ko.
Pagkatapos naming magbreakfast tumulong muna kami sa pagprepare.
Mga 2pm naligo at nag ayos na kami.
Grabe! Sobrang pinaghandaan talaga nila papa at mama. Sobrang nakakatouch. :<
Pinuntahan ko sila sa room nila nag thank you at niyakap ko sila. Ang corny! HAHAHAH! Ths is not so me! Pero sobrang thankful kasi ako. Sobrang blessed ko sa magulang. kahit sobrang pasaway ko love parin nila ako. I so love them. :')
Okay! Nagka-iyakan pa kami buti wala pa akong make-up.
5 p.m nag start yong party.
Ako nasa room pa ni mama. Picture-picture with mama, tita and Ekang.
MC si Kuya Ziegfrid. Yong kuya ni Ekang.
Thank you dito. Thank you doon. GAAAAH! Tawagin mo na ako kuya Zieggy!
Anyways, yong venue ng debut ko kahat ng food nasa cottage tapos sa labas yong mga tables. Tapos sa may part na gitna merong pinatayong tent for sound system, may stage na 4'5 inch high. Resort kasi yong. Parang solo namin yong place may tao pero malayo sa amin. May disco lights. May live band. Lahat ng fave kong pagkain nakahanda, yong cake 3 layers tapos kada layer may tig-6 na candles so bale 18 sya bawat candle may naka-hug na candy na bear. Yiheee! ang cute eh!
Maya-maya narinig ko ng tinawag ako. Buti naman. Pag kalabas ko.. I was like. O_O "balik Eyel ang daming tao nakatingin pa sayo" gusto kong pigilan yong paa ko kakalakad kaso tuloy-tuloy padin to sa paghakbang!
Parang nahihiya ako sa ayos ko.. Hawaiian dress. Tube na tela tapos floral na pink and black tapos naka fliflops ako na pink and black din. :)) Walang pakialamanan ng suot. Tapos kulot yong lower portion ng hair ko tapos light make-up.
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥