Erica's POV..
Pagkauwi namin ng bahay ni Kieffer, nagulat ako nung nakita kong nandun pa si tita Aira at nagluluto sa may kusina.
Erica: Tita?
Tawag ko sa kanya habang nagluluto siya.
Aira: (lingon sa akin) Oh, dumating ka na pala. Good morning! (Then she smiled at us)
Binati din namin siya ni Kieffer.
Bakit pa siya nandito? Dapat after christmas pa siya wala dito.
Aira: Sit down, sakto nakaluto na ako. (habang nilalagay 'yong laman ng kawali sa plate)
Nilapag namin ni Kieffer mga gamit namin sa sala at umupo sa mesa.
Aira: Wait, gigisingin ko lang si Akiko para sabay-sabay na tayong kumain.
Na-stun ako sa narinig ko na medyo na-inis na medyo kinakabahan.
She's here din?
Hindi ko alam paano siya haharapin sa dami ng nagawa kong kasalanan sa kanya. Nagawa ko lang 'yon kasi 'yon lang ang alam ko para layuan niya si Kieffer. Noong time na nahuli ko sila ni Kieffer, oo, sumabog ako sa galit at selos noon. Kay Eyel lahat nabunton lahat ng galit ko kasi alam ko namang una palang siya na gusto ni Kieffer. Pagkatapos ko siyang saktan noon at natauhan na ako, pinag-sisihan ko din lahat ng ginawa ko sa kanya pero noong nakita ko mga reaction ng mga kaibigan niya at lahat sila kampi sa kanya, pinanindigan ko na lang lahat ng tingin at iniisip nila sa akin. Alam ko namang kahit mawala ako nandiyan parin sila para sa kanya at hindi ko kayang mawala sa akin si Kieffer.
Naging kaibigan ko sina Nichola para saktan si Eyel, pinakita ko sa kanila na nagbago na talaga ako.
Simula naging kaibigan ko sila Nichola, nagbago na ako ng ayos, pananamit pero hindi ugali, ginagaya ko lang ugali nila pero hindi ko gusto karamihan ng ginagawa nila.
Ewan ko paano nalaman nila Nichola na magkaaway kami ni Eyel. Isang araw, bigla na lang sila lumapit sa akin, nakipagkaibigan at nagsalita ng kung ano-anong masasama tungkol kay Eyel. Totoo yata para sa kanila ang kasabihang "your enemy's enemy is a friend" pero hindi ko naman enemy na totoo si Eyel.
Ginagawa ko lang naman lahat ng 'to para masentro sa akin atensyon ni Kieffer kasi nilalayuan na siya ni Eyel, pero hindi.. Kahit ano yatang gawin ko si Eyel parin ang gusto niya. Paglumalapit ako sa kanya, kulang na lang isuka niya ako.
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥