Akiko's POV..
Kakatapos lang magpaayos kay Regie este Regine.
Pagkadating namin sa hotel, hawak ni Harley ang kamay ko, as usual, tapos ang pinapatugtog Turn up the music ni Chris Breezy. Grabe! Party-party talaga. Napapasayaw ako sa tugtog. Angas kaya ng dance step n'on. Kada madadaanan din namin nakatingin sila sa amin. Nakakailang.
Hinanap ko kung saang table sina Kipoy sabi niya kasi nandun na daw sila.
Mga ilang kembot pa nakita namin sila sa may gitnang table. May lumapit pang babae para magpapicture sa apat. Wow! Ahh! Artista?
Pagkalapit namin sa kanila..
Eyel: Oyyyy! Mga fre! (sigaw ko)
Tapos nilapitan nila ako at nag group hug. Nag-hi lang ako kay Tasing na mahahalata mong bored sa kinakaupuan niya. OP siguro 'to. HAHAHAHA!
Eyel: Babango niyo ah? Buti naman at naligo na kayo. HAHAHAHA! (sigaw ko ulit)
Inapir nila si Harley tsaka na kami umupo.
Josh: Ganda natin ah! (lapit niya sa akin at malaks na sinabi, lakas kasi ng tugtog kaya puro kami sigawan)
Eyel: Ice ba 'tol? (smug) Teka.. (nilibot ko paningin ko) Pwede na bang kumuha ng pagkain? (bulong ko kay Billy)
Billy: Grabe! Pagkain agad! Kadarating mo pa lang. (malakas niyang sabi)
Eyel: Bakit ba?!
Tsaka ko tinuloy paghahanap kung saan pwedeng kumuha ng pagkain. Buffet naman eh, unli. Hoho
Kieffer: Pwede na. Doon oh. (turo sa lamesa na puno ng pagkain)
Tinignan ko 'yong tinuro ni Kipoy. OMG! Daming pagkain! Bigla akong ginutom talaga kanina kasi gusto ko lang para habang nagkukwentuhan kami may pinupulot-pulot ako.
Eyel: Babe, kuha lang ako ah?
Nag-nod lang siya.
Tumayo ako at pumunta sa kuhaan ng pagkain tapos tumayo din si Kipoy. Nag-sabay kami at humawak ako sa braso niya. Sa totoo lang hirap na ako sa sapatos ko. Kaya humawak ako sa kanya.
Eyel: Gutom ka na din? (sabi ko, medyo humina na 'yong tugtog kaya hindi na namin kailangang magsigawan)
Nagsmile siya tapos tumango.
Kieffer: Ang ganda natin ah!
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥