Chapter Fourty Seven-A

537 16 2
                                    

Eyel's POV

 [[A/N: Play niyo 'yong song na nasa "multimedia" while reading this; 'yan kasi pinapakinggan ko habang sinusulat ko 'to dati ~~~>]]

 

 

Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng mawala si Kipoy. Pagod na pagod na ako. Ayoko na makaramdam ng kahit anong emos'yon. Ayoko na ring umiyak lalo na kung mata ni Kipoy ang gagamitin ko.. Oo, alam kung mata niya 'to.

Hindi ako galit kay Harley pero ayoko siyang makita. Mahal ko pa siya pero sobrang sakit--- pag nandiyan siya, naalala ko lahat. Sana hindi ko na lang siya hinabol at hinayaan na lang siyang kasuklaman ako.

Lahat ng lang ba ng gagawin kong desisiyon, pagsisisihan ko at masasaktan ako? Siguro dapat kailangan hindi ako masyadong matapang. Sana hindi ako mahilig mag-take risk. Hindi ko alam mga malalapit na tao ang mawawala sa akin sa sobrang tapang ko. Matapang lang naman ako dahil nandiyan sila eh, 'yon pala dahil din doon sila ang kukunin. Sana lagi akong nagpe-playing safe.

Nasa kwarto ako ngayon. Tulog na din si Ekang. Huling gabi ko na 'to. Uuwi na ako sa probinsya. Itutuloy ko parin ang pag-alis ng bansa-- kami lang ni mama ang may alam sa pag-alis ko. Ayaw ko kasing malaman ng mga kaibigan ko, mahihirapan lang akong iwan sila. Alam ko din naman na nahihirapan na sila sa akin.

"don't worry guys, I'm going to take all the pain with me. I love you so much and thanks for always being there when I have problems and.. for bothering me. LOLJK <3"

 

Sinulat ko sa isang sticky note at dinikit ko sa wall ng secret box ko. Iiwan ko lahat ng bagay na makakapagpaalala kay Harley sa'kin. Lahat naman ng binigay ng kaibigan ko dadalhin.

Naayos ko na ang mga dapat dalhin at ang mga dapat iwan. Pasensya, nasa bitter stage ako. Ang bitter-bitter ko.

12 midnight nasa study table parin ako. 'Yong stduy table ko tapat ng bintana-- 'yong ambiance na nakikita ko sa bintana nakakapagpadagdag ng lungkot ko.

Kumuha ako ng scented paper at nagsulat ng nararamdaman ko..

"Paps, pahiram muna ng mata mo. Hindi ko na kaya eh"

 

bulong ko

Lahat ng hinanakita ko sinulat ko.

'yong pakiramdam na kailangan mong layuan ang taong mahal mo kasi pag magkasama kayo, madaming nasasaktan. Hindi mo magawang maging masaya sa tabi niya because all of that happiness was paid by sufferings of other people. I can't be happy for myself when I know someone suffered. Ang daming nawala maging masaya lang ako-- masyado na akong makasarili pag ginawa ko 'yon.. This guilt just won't let me.

 

 

 

 

________

 

3 days lang ako sa probinsya tapos aalis na ako ng Pinas.

after 3 days..

 

Paalis na ako pero bago ako umalis dumaan muna ako sa lalakeng never akong pinabayaan. Sa lalakeng kahit anong gawin ko, TAMA parin sa paningin niya. Sa lalakeng hindi ako iniwan. Sa lalakeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako kahit na iba ang mahal ko.. Si Kieffer.

Pagtapos kong magdasal.

"Paps.. (habang pinupunasan 'yong puntod niya) Ang ganda ng moseleo mo.. May fridge na laman lahat ng paborito mong pagkain. May aircon para hindi ka mainitan kasi reklamador ka pagmainit.. (tumawa ako ng mahina kahit umiiyak ako) Di ba sabi mo hindi mo ako iiwan? Pre, bakit ka andyan ngayon? I need your presence. Hindi mo ba alam 'yon? Sabi mo ikaw 'host' ko, paano ako magiging parasite ngayon? Sabi mo aalagaan mo ako. Anyaree paps? Sorry ha? Kung ngayon lang ako nakadalaw sa'yo. Hindi ko kasi alam paano kita haharapin. Sobrang dami na ng nagawa mo para sa akin, hindi ko na alam kung paano ko babayaran ngayon pang wala ka na, paano ko babayaran 'yon? Alam mo ba kung gaano mo kami sinaktan sa pagkawala mo? Tagos eh! Bumalik pa ng sampung beses. Ay.. Nga pala. Pumasok ako sa kwarto mo last monday. Kinuha ko 'yong favorite cap mo at 'yong t-shirt mong kulay pink-- wag ka ng magkaila alam kong favorite mo 'yon. Sorry hinalungkat ko 'yong laptop mo at cellphone mo-- kaya pala ayaw mong ipakita kasi puro ako ang nandun. Aalis na pala ako. Mamayang hapon ang flight ko. Aalis na ako sa lugar na walang ibang binigay kundi puro sakit. Pupunta na ako sa States pero hindi kay papa-- kay tita Venice ako. Sana natutunan kita mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa akin. Sorry kung lagi kitang sinasaktan, may mga bagay akong ginagawa na hindi ko alam na nasasaktan na kita ng sobra.. Masyado akong naging selfish purket hindi mo pinapakita sa akin na nasasaktan ka na. Napaka-feeling mo kasi eh, feeling mo ikaw si Superman. (tuloy-tuloy na pag iyak ko) Ma-mi-miss kita sobra. Kung sasabihin ko lahat ng na-mi-miss at ma-mi-miss ko sa'yo baka maiwan na ako ng eroplano dito. Thank you so much paps! Thank you for being such a good friend. I love you."

kinuha ko 'yong picture ko na nakalagay sa picture frame at tinabi 'yon sa picture ni Kipoy-- kumuha din ako ng permanent marker at sinulatan sa baba ng pangalan ni Kipoy ng --with EYEL.  Parang picture lang na tinag sa'yo sa facebook.

"Para may kasama ka Paps, kahit malayo ako hindi kita makakalimutan"

Bago ako umalis, I took one last glance sa napakagandang moseleo niya. Nakakatawang isipin ma ginawa nilang lahat ng 'to as if maapreciate pa niya.

Tinawag ko na ang care taker para i-lock ang moseleo tsaka ako umalis.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon