Pumunta na kami sa bahay na pinagawa ko. Si Ekang ang nakatira doon. Registered nurse na siya pero nag-aaral ulit siya ng cullinary arts. Siya rin ang kumuha ng mga tauhan sa bahay.
Noong makita ko ang bahay, malaki nga talaga siya at ang ganda niya, mas maganda siya sa personal.
Eason: WOW! Ang ganda pala talaga ng bahay mo! I can't wait to go inside!
Nasa tapat na kami noon ng gate habang nasa loob ng taxi.
Kumatok 'yong guard sa front seat kung saan nakaupo si Eason.
Guard: Sino po sila?
Eason: You don't know us? 'Yong babaeng nasa likod lang naman ang may-ari ng bahay na 'yan.
Pagtataray niya
Eyel: Uy, ano ka ba?
Suway ko.
Guard: Ma'am Akiko?
Eyel: You know me?
gulat kong tanong.
sumenyas na 'yong guard sa isa niyang kasama at bumukas 'yong malaking gate.
Guard: Pasok po ma'am. Welcome home po.
Eyel: Thank you.
Nakangiti kong sabi.
Na-impress si Eason dahil doon.
Isang malaking garden ang binabaybay namin papunta sa bahay. Kailangan pala talaga ng kotse papunta sa bahay pero kita mo parin siya kahit medyo may kalayuan ito dahil sa laki. 'Yong garden maganda ang pagkakalandscape, may mga topiaries na iba't-ibang sizes, may maze din na yari sa halaman.. yong may frame sa loob para magmukha siya wall, sa hindi kalayuan may falls na maliit at mukhang may isda dahil may parang nagpapakain doon, nakabukas din ang ilang sprinklers may benches, basta.. ang hirap i-explain lahat. Ang ganda!
'Yong theme ng bahay ko, modern-classic siya. Nasa tapat na kami ng bahay, elevated ito kaya may hagdan harap pagkaakyat mo sa hagdan may isang malaking veranda doon at sa dulo nun may duyan. Alam kasi nila na tamad ako at mahilig sa duyan.. Maganda 'yong pwesto ng duyan dahil tanaw mo doon ang garden habang nakahiga ka.
Pagkababa namin sa taxi bumukas 'yong malaking pinto na yari sa oak na may lining na silver at may naka engraved na roses.
Erica: EYEEEEEEEEEEEELLLL!!!!
Sigaw niya pagkalabas na pagkalabas niya.
Kumaway ako.
Binayaran na ni Eason 'yong taxi sabay alis.
Tumili siya patakbo sa'min at pagkalapit niya niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit atsaka nagtatalon.. syempre.. ganun din ako. HAHAHAHAHAH!
Erica: I MISS YOOUUU!!! *squeezes me*
Eyel: I MISS YOU MORE!! HIHIHIHI! *squeezes her*
Pagkakalas namin.
Erica: Hi, Eason and Yanee!
Eason/Yanee: Hello.
tsaka sila nag beso.
Erica: Tara sa loob!
Umakyat na kami at pinakilala niya ako sa mga tauhan sa bahay. Mga nasa 10 'yong maids, nasa loob lang yan ng bahay, 2 gardeners, 4 guards (shifting siya umaga and gabi tapos kailangan dala-dalawa) doon sa sampung maids, may taga-laba lang, taga-luto lang at taga linis lang. Gurahbeee!!
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥