Chapter Twenty Nine

694 20 6
                                    

Kieffer's POV...

Past 12 na kami natapos sa pagbo-bonfire. Tinuloy ko parin kahit na ang daming nangyari earlier. Ano bang problema ni Erica?! bakit ganun siya kay Eyel? Kanina, nag-away pa kami dahil doon. Pinagsasabihan niya lang daw, muntik ng mamatay 'yong tao tapos ganun pa sasabihin niya? Noong humingi si Eyel ng marshmallow, kailangan ibinabato? hindi naman siya ganun dati ah! Ano bang nangyayari sa kanya? Alam kong nasaktan si Eyel sa ginawa niya at alam naming magkakaibigan lahat 'yon.  Syempre, knowing Eyel hindi niya ipapakita 'yon ayaw niya magmukhang weak hanggang sa kaya niyang itago.

Kahit ganun ang nangyari, nahandle niya padin ang sitwasyon para lang hindi masira ang gabi ng lahat, pinakanta na lang niya si Josh at nakijam na parang walang iniindang sakit..

Isa pa 'tong si Josh, nakakahalata ako sa kanya kanina, parang pinapatamaan niya ako sa mga kinakanta niya.. "far away at 'yong day dreamer" mapang asar p*ta!

2 a.m na, tulog na 'yong iba. Lumabas muna ako ng room at tumambay sa may veranda tatawagan ko din si mommy kasi birthday niya ngayon..

Pagkatapos naming mag-usap ni mommy, bumukas 'yong kwarto nila Eyel, lumabas si Eyel na naka-shoal. Dire-direcho lang siya sa paglalakad at mukang hindi niya ako napansin, medyo madilim din kasi doon sa kina-uupuan ko, nakapatay 'yong ilaw sa tapat ng room nila Karlo tsaka sa tapat ng room namin.

Tumayo ako noong makita kong medyo palayo na si Eyel para sundan siya.

"saan naman 'to pupunta ng ganitong oras?" --- bulong ko sa sarili ko.

Habang naglalakad ako sa likod niya, napapa-isip ako kung sasabayan ko ba siya o dito lang ako sa likod niya kasi hindi ko alam sasabihin ko sa kanya pag kinausap niya ako, dahil sa tinanong niya sa akin kanina.. Biglang may naramdaman akong kirot noong maalala ko 'yon.. Hindi ko sana sinabi 'yon eh, sana sinabi ko totoo pero natatakot ako sa mangyayari.. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong natakot.

O siguro, natatakot lang ako na malaman na may possibility na maging kami if ever niligawan ko siya dati.

----- Huminto siya at biglang lumingon, 'yong mukha niyang worried napalitan ng relief tsaka sya tumawa..

Eyel: Tang! Ikaw pala 'yan!

habang nakatayo at hinihintay ako makalapit sa kanya, parang biglang bumilis lakad ko papunta sa kanya kahit kumokontra utak ko.

Kieffer: Nakita kasi kita kanina pagkatapos kong kausapin si mommy sa phone. Saan ka naman pupunta ng ganitong oras?!

tsaka kami nagsabay malakad.

Eyel: Ahh.. Happy birthday nga pala kay tita.

pagdating namin sa malapit sa dagat, nilatag ni Eyel 'yong shoal niya sa buhanginan tsaka siya umupo at naglagay ng earphones sa tenga niya. May space sa tabi niya pero para akong tanga kasi ayokong umupo doon, yong naiilang?

natigilan siya sa pagpipindot sa phone niya at tumingin sa akin tsaka tinanggal niya earphones niya.

Eyel: Ano? tatayo ka na lang diyan?! (tsaka siya nagtaas ng isang kilay)

Kieffer: Teka, kinukuha ko cellphone ko sa bulsa ko eh. (tsaka ako nagmadaling bumunot sa bulsan ko)

Palusot ko.

Eyel: Pssh!

tinuloy niya pindot sa cellphone nya.

Umupo ako sa tabi niya, bakit ganito? Kinakabahan ako? Tumingin ako sa dagat, ayoko siyang tignan.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon