Chapter Twenty One

696 19 3
                                    

Harley's POV...

Dinala ko si Eyel sa favorite place ko. Gusto ko kasi siyang ma-solo tsaka ayoko naman talaga doon. Isa pa, hindi na talaga ako natutuwa sa pag-aaligid ni Kieffer sa kanya. Kami na ni Eyel sana naman itigil na niya 'yong pag-aaligid sa kanya o kahit dumistansiya lang siya ng konti. Kaya ko namang alagaan at mahalin girlfriend ko, higit pa sa ginagawa niya.. ginawa niya..

Sana magustuhan ni Eyel 'yong gift at surprises ko sa kanya.. Ayokong palipasin ang araw na hindi siya sumasaya. Pag kasi masaya siya doble 'yong saya na nararamdaman ko. Hindi ko ma-explain kung ano 'yong nagustuhan ko sa kanya.. Tuwing tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba talaga ang nagustuhan ko sa kanya napapaisip lang ako hanggang sa mapagod ako sa kakaisip.. Pagod na nga ako mag-isip wala parin akong ma-isagot. Lahat-lahat sa kanya nagustuhan ko, hindi ko lang masabi kung ano talaga 'yong pinakanagustuhan ko bakit ko siya minahal ng ganito.

'Yong feeling na kahit na yata murahin niya ako at asarin lagi nakangiti parin ako. HAHAHA! Pero, murahin? Hindi niya ginagawa sa akin 'yon. Minsan lang sa sobrang tuwa or sa inis siguro.. napa-"PAKYU" niya ako. Pero sasabihin niya din after nun, hindi daw ako 'yong minura niya. =))

Ewan. Parang sa sobrang paglalambing at sobrang kilig niya napapamura na siya. HAHA! Ang cute niya kasi eh. Tsaka hindi naman lahat ng tao minumura niya mas madalas pa nga niyang murahin mga kaibigan niya kesa sa mga kaaway niya.

Pa-iba-iba siya ng mood. Normal na 'yon sa babae, di'ba? Kaya naiinitindihan ko 'yon.

Ibang tao, tingin lang sa kanya pasaway, makulit, walang paki-alam sa mundo, happy-go-lucky at lapitin ng gulo pero pag nakilala nila si Eyel magbabago tingin nila sa kanya.

Hindi siya masyadong showy.. 'Yong mga sinasabi niya kahit parang ang babaw lang may malalim na dahilan 'yon.

Ang hirap niya i-explain. HAHAHA! Basta mahal ko siya, bakit ko pa siya kailangan i-explain eh hindi ko naman kailangan 'yon..

Dati pag pumupunta ako dito sa lugar na 'to puro malulungkot ang naalala ko pero ngayon mapapalitan na 'yon.

Sana magustuhan ni Eyel 'yong video na ginawa ko sa kanya.

Bumuli din ako ng bagong phone pareho ng kanya tapos nagpa-costumized ng cellphone case. Para pareho kami dahil wala lang. Gusto ko lang! HAHAHAHA!

12 a.m na kami umalis sa place. habang nasa sasakyan kami wala siyang ibang ginawa kundi magsalita, mangulit tapos pick-up lines. Ang kulit talaga. tapos pag wala na siya naiisip kung ano-ano na lang sinasabi niya. Nakakatuwa. Hindi ako na-bobored pag kasama ko siya.. Literal.

mag 3 a.m na kami nakarating sa kanila. Inaantok na siya.. Napagod sa kakadaldal. Ang kulit kasi eh. Ang hyper. Ayan tuloy lowbatt na lowbatt siya.

Eyel: Babe, dito ka na matulog. Gabi na delikado sa daan.

Harley: Hindi, okay lang.

nakatayo na kami sa tapat ng pintuan nila noon.

Eyel: Wag ka ng makulit! ('yong maliit na mata niya dahil sa antok ngayon malaki nanaman ulit)

Totoyoin nanaman 'to. Pero nakakahiya kasi eh.

Harley: Okay nga lang babe. Uuwi ako. Don't worry, kaya ko pang umuwi.

Sumimangot siya at hindi magandang sign 'yon.

Eyel: TAE! ANG KULIT MO AH! GUSTO MO UMUWI? SIGE, TARA UWI TAYO!

Tsaka niya ako binangga at sumakay sa kotse. Binagsak pa 'yong pinto.

Lakas ng toyo. =.=

Sinundan ko siya.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon