Chapter Thirty

681 19 3
                                    

Akiko's POV...

 

Napagdesisyonan ni Harley na umuwi na kami. Hindi na ako nakatulog sa kaka-iyak at sa sama ng loob sa sarili ko kahit pagod na pagod na ako sa nangyari mag hapon. 'yong feeling na gusto kong mag break down pero mas pinili ko na lang manahimik kasi parang wala akong karapatang gawin 'yon at nahihiya akong i-comfort nila kaya umupo na lang ako sa kama na kahit ilang beses kong pigilan pagpatak ng mga luha ko, patuloy parin sa pagbagsak.

Pinagtimpla ako ni Harley ng mainit ng tsokolate, tahimik lang siya ng iabot niya sa akin 'yon. Kung galit man siya sa akin, okay lang, dapat lang sa akin 'yon kasi wala naman akong kwentang girlfriend dapat nga hindi na lang niya ako pinagtanggol at sana hindi na niya ako inaasikaso ngayon. Wala na akong mukha para kausapin pa siya. I can't even look directly to his eyes, sobrang guilty ako, sobrang sama ko din sarili kong bestfriend tinalo ko. Ang dami kong nasaktang tao.

habang iniinom ko 'yong tinimpla ni Harley, iniligpit naman niya 'yong mga gamit namin. Nasasaktan ako pag nakikita ko siya, naiinis ako kasi hindi man lang siya nagalit sa akin pagkatapos ng ginawa ko pinagtanggol niya parin ako.

Nasira ko din bakasyon nung kambal na nag-aayos na din ng gamit. Hindi ko alam paano ko na sila pakikisamahan or kakausapin kahit na pag nahuhuli nila akong nakatingin sa kanila, nginingitian padin nila ako.

Paalis na kami. Paglabas namin ng pinto may pinagpaalaman si Natalia at hindi ko akalain na si Kipoy 'yong andun kaya napatingin ako sa kanya.

I gave him a weak smile then I looked away as my tears start falling. When I saw him that far, it was like something's squeezing my heart; telling me to get used to it cause things will never be the same anymore. It's just hard for me to accept the fact that the person I'm with through my ups and downs for a long time will be gone in just one night.

Noong nasa kotse na kami, gustuhin ko man pumikit dahil sa sobrang pagod na 'yong mata ko hindi ko magawa kasi sumasakit lalo 'yong ulo ko at ang ingay-ingay ng utak ko. Yumuko ako nung naramdaman kong paiyak nanaman ako, ayokong patuluin luha ko kasi makikita nanaman ako ni Harley na umiiyak pero nung hawakan niya 'yong kamay ko tsaka pinisil doon na tumulo ng tuluyan ang luha ko..

Harley: babe, please. I can't stand seeing you like that. Magpahinga ka na.

May hinila siya sa side ng kinauupuan ko na bagay para mag-slant 'yong upuan ko, inirelax ko 'yong likod ko at tumalikod sa kanya.

Eyel: Pwede daan tayo sa amin? Kukuha lang ako ng gamit, sa hotel muna ako mag-stay.

Harley: Sa amin ka na lang mag stay.

Eyel: Ayoko-- ayoko makita ako ng mommy mo na ganito itchura ko.. at--- basta ayoko.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon