Chapter Seven

1K 20 0
                                    

Erica's POV.. 

Buti pa si Eyel special kay Kieffer. Naiinggit ako. I like Kieffer so much. Actually, matagal na. 

Kakaiba sya. Kahit pasaway sya, puro laro, lakwacha, inom at gimik ang alam.. the way he treats Eyel? Naiinggit ako. Sobra. May gusto ba sya kay Eyel? Bakit hindi nya ligawan? Close naman sila ah. or.. baka tropa lang talaga sila. Pero, naiinggit parin ako. 

Minsan nga winiwish ko na ako na lang si Eyel para ganun din trato sa akin ni Kieffer.. Yong isang tawag lang nandyan na sya. Yong pag kailangan sya laging handang tumulong.. Kaibigan palang yon ah? Paano pa pag as a boyfriend na sya? Hindi ko maimagine.. :"> 

Ano kaya feeling pag niyayakap ni Eyel si Kieffer? Sana ako din. :< 

maya-maya tinignan ko si Eyel.. Tulog na ang gaga! Sobrang pagod siguro kaya nakatulog agad. 

habang tinitignan ko sya.. Hindi malabong magkagusto sa kanya si Kieffer. Kakaiba. Mabait. Pero, mas mabait sya dati. Ngayon nabaliw na.. =.= Hindi sya yong typical girl.. Kakaiba sya. Sobra.. Lahat ata ng lalake nakakasundo nya.. Iba dating nya sa lalake. Napapasunod nya sila.. 

Ano bang meron kay Eyel? Nakakainis.. Sana ako din ganun.. 

Eyel's POV .. 

5:15 a.m, gising na ako. Grabe ang aga. 

natulugan ko pala si Erica. HAHAHAHA! Sorry naman.. Pagod eh. Magluluto na ako ng breakfast para maaga akong makapasok. Para makita ko na sya agad.

<3

6:45 am nasa school na ako. Andun na din si Harley! Bakit parang gu-mwapo syaaaa?! :"""""">

Nag-smile ako sa kanya at binati s'ya..

Eyel: Good morning. Ang aga mo ah. 

Tapos umupo na ako sa tabi nya..

Harley: Lagi naman akong maaga aah. 

Tapos nag-smile sya. Ayan ka nanaman Harley! Kinukumpleto mo araw ko ehhhhh! BENEMEN!!

Tapos nag-kwentuhan kami about sa ginawa namin nung saturday at sunday..

He spent time with his mom pala. Mama's boy? 

O.O

Sa kwento n'ya kasi puro "mommy" minemention nya. Wala ba syang kapatid? Nasan daddy nya?  Ayokong mag tanong, parang masyado na atang personal pag tinanong ko pa..

Eyel: Uhmm.. Wala ka bang kapatid? Asan dad mo?

Okay. Tengene! Ang kulit ko! Bibig ko talaga. CHISMOSA! 

Tapos ngumiti sya na parang pilit na ngiti.

Ayan kasi! Tae naman kasi eh. tanong ng tanong! 

Harley: Wala na daddy ko. Iniwan na nya kami.. May Kuya ako, pero..

Tapos tumingin sya sa may pinto, dumating na pala yong teacher namin sa first subject.. May kuya daw sya.. Asan kaya? Sumama sa daddy nya? HAHAHAH! amp ang chismosa ko nakakainis! Kong may nabibili lang zipper para sa bibig bumili na ako. 

-___________________-

Breaktime..

Niyaya ko sya kumain. Kaming dalawa lang. Sabi n'ya yayain ko daw sina Kipoy. Sabi ko ayaw pero ang totoo hindi ko talaga niyaya. HAHAHAHA! Istorbo lang mga yon. Sa kabilang canteen din kami kumain, hindi sa canteen na lagi naming kinakainan. :P

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon