Eyel's POV...
Pagkagising ko, half-open lang ang bukas ng mata ko, nilibot ko ang paningin ko at napansin kong hindi pamilyar 'yong kwartong nakikita ko. Dahan-dahan akong bumangon pero dahan-dahan ko ding nararamdaman 'yong sakit ng ulo ko at katawan ko. Napahawak ako sa noo kong may bandage.
Nakaupo na ako at iniisip anong nangyari.. Ilang sandali naalala ko na anong nangyari kagabi. Napansin ko ding may dextrose ako sa kamay. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa ospital nga ako, ngayon ko lang na-gets. Super slow lang ang peg.
Napahawak ako sa left side ng ulo ko kasi parang may weird na nangyari. Ang presko eh.
Pagkahawak ko, maiksi na 'yong buhok.
Pinagtulungan nga pala nila ako kagabi kaya nagupit nila 'yong buhok ko. Pero, sigurado ako, may mga black eye 'yong mga 'yon ngayon. Naka free hit kagabi eh.
Natatawa kong sabi sa sarili ko.
Nakita ko si Harley nakahiga sa sofa malapit sa may pinto.
Bumaba ako at hinila 'yong stand ng dextrose ko tsaka ako lumapit sa kanya.
Nakatihaya siya, 'yong left arm niya nakapatong sa noo niya yong right nasa dibdib niya.
Lumuhod ako sa baba ng sofa at nilapit 'yong mukha ko sa bibig niya at pinakiramdaman yong hangin na lumalabas sa ilong niya.
Humihinga pa siya ---
Sabi ko sa isip ko.
Naaning nanaman ako.
Nag-stay ako doon ng 5 more seconds tsaka ko sinubsob 'yong mukha ko sa kili-kili niya habang tumawa na ikinagising niya. Bango! :">
Tinignan niya ako ng 1 second tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.
Harley: Babe, adik ka talaga. Bakit nandito ka? Kamusta na pakiramdam mo?
Distort pa boses niya. kakagising eh. HAHAHA! Ang cute niya po. T__T
Umupo na siya at ako naman umupo din sa tabi niya tsaka yumakap sa kanya.
Eyel: Nagugutom ako eh. (malambing kong sabi)
Malambing talaga ako paghihingi ng pagkain. HAHAHA!
Tumingin siya sa wristwatch niya.
Harley: 6:30 palang pala. Ang aga mo nagising. Sige, wait mo ako dito, bibili ako ng breakfast mo.
tsaka niya dahan-dahang tinanggal yakap ko sa kanya.
Eyel: Sama! (yakap ulit)
Harley: Dito ka nalang. Magpahinga ka. (tumayo siya habang nakayakap padin ako)
Nag-ayos siya ng buhok niya ako nayakap parin sa may parte ng chest niya.
Nung tinignan niya ako, nagpout ako.
Harley: Wag na makulit. Bibili kita ng favorite mo, dalawa.
tsaka siya nag peace siya.
tinaas ko 'yong isa pa niyang daliri.
Eyel: Tatlo. *grin*
nagsmile din siya.
Harley: sige.
tsaka niya ako inakbayan at hinatid sa kama.
Pagkaupo ko sa kama.
Eyel: Peram cellphone.
Dinukot niya cellphone niya at binigay sa'kin tsaka siya pumasok ng banyo.
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥