Kung mahal ka talaga ng isang tao, okay lang sa kanya kung anong ugali ang meron ka.. Pero, dahil nga give and take ang isang 'rule' sa pag-ibig dapat hindi lang siya ang iintindi sa PANGET mong ugali. Kung alam mong makakasama sa inyo 'yon, uso din po ang magbago ng ugali. Alam kasi natin na lahat tayo ay hindi perpekto, pero may isang tao parin ang dadating sa buhay natin para tanggapin ang mga IMPERFECTIONS natin at pag dumating na siya I think it's time naman to try changing for the better kasi hindi purket natanggap ka na niya and your worst atittude eh paninindigan mo na 'yon dahil tanggap naman niya. Mas masarap sa feeling 'yong napabuti ka dahil sa kanya.
And, if someone really loves you, at kita mo talaga.. wag ka ng mag doubt kasi doubts lead to not having trust on him (imbento ko lang yan. parang pag nag da-doubt ka kasi wala kang tiwala sa mga ginagawa niya di ba? di ba?) tsaka, hindi lahat ng tao, gagawin niya lahat ng ginawa niya.. may magawa man 'yon iba, pero hindi exact sa ginawa niya. Love is always about Trust.
Love lets you discover its real meaning. 'Yong tipong.. hindi ka na aasa sa love qoutes para lang ma-define 'to.
Wag na wag mong gagawing laro ang love. Wag na wag kang manloloko ng tao lalo na kung mahal ka talaga. Kasi, you'll never know, siya na pala 'yon tapos pinaiyak mo lang at sinaktan.. Konti lang ang tanga para patawarin ang mga taong nang-gago sa kanila.
Love is patience? Yes. Applicable. Lol! Yes, hindi siya minamadali pero minsan kailangan mong magtake risk to get what you really deserve and to avoid the things might hurt you. Sometime, you need to be aggressive. Yes. You need to be agressive sometimes. Cause chances can *poof* in just a blink of an eye.
Ang daming meaning ng love pero minsan hindi naapply. Ang daming do's and don't's pero hindi parin maiwasan ang masaktan. Kasi, wala namang rule o sampung utos ang love. Freestyle siya. Bahala ka sa buhay mo mga ganun. (sa totoo lang, nasasabaw na ako. Hindi ko alam kung tama na 'tong ginagawa ko at pinagsasabi ko. Gusto ko na kasing matapos 'to eh)
Ang love, ang daling i-spell at bigyan ng meaning pero ang hirap patunayan at panindigan. Kasi, madaming manloloko (mga *********) madaming malalandi (mga ****) at kailangan mo pang pag-daanan ang kung ano-ano para lang mahanap (wala akong pinagdadaan. HAHAHA) at kung ano-ano pa. At, meron din 'yong hindi kontento. Parang si Kipoy, na gustong makontento dahil naramdaman niyang kontento siya at hindi pilit hindi 'yong nakonteto siya dahil 'yon ang meron. Hindi naman masama mag hangad ng higit di ba? Hindi lang din talaga maiwasan mag mahal sa maling tao. :3
Hindi ko maibigay ang eksaktong meaning ng love sa inyo kasi kayo mismo ang magbibigay ng meaning niyan.. At, pag nahanap niyo na 'to, wag ng lumandi pa! Aba! Wag mong ipagpalit ang ginto sa ta*. Hindi mapapalitan ng temporary'ng kalandian ang forever na pagmamahal.
HAHAHAHAH! Hindi ko alam kung may makakarelate sa mga pinagsasabi ko dito. Sabaw na sabaw eh. Pag may violent reaction kayo, say it in good way. BWAHAHAH! Let me know please.
- Ayyem ♥
BINABASA MO ANG
Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]
Teen FictionFiction man siya, kahit papano makakarelate kayo. Kwento ng kakulitan, kalungkutan, kasiyahan at pagmamahal. Sana magustuhan niyo.. ♥