Chapter Fifty Four

577 19 0
                                    

Na-touched ako ng makita ko 'yong mga iniwan kong stuffed toys noon tapos maya-maya may kinuha siya sa kabinet niya.

Eyel: HOY! Secret box ko 'yan ah! *turo sa hawak ni Harley*

Harley: Noong pumunta ako sa apartment mo, nakaalis ka na noon kaya pinakiusapan ko si Erica na iuwi 'to.

Grabe. Magnanakaw. -_-

Harley: ...ayokong itapon 'to, pag baka sakalaing makalimutan mo kung gaano mo ako kamahal noon, ipapaalala ko sa pamamagitan nito.

dagdag pa niya.

Ano ba dapat isagot ko? "Aww.. Kinikilig ako." "oh talaga 'tol?" .. @_@

Ayy, ewan.

Nilapag niya sa kama niya 'yong box at may kinuha ulit siya sa may kabinet-- 'yong cellphone ko, dating cellphone tsaka 'yong cellphone niya na kapareho ng cellphone ko. Inabot niya sa akin 'yong phone ko.

Speechless padin.

Tumungo naman siya sa isang sliding door at binuksan 'yon. Pagkabukas nun, parang may shiny shimmering 'yong mata ko nung makita ko ang laman..  Lahat ng magazines kung saan ako nagpose, as in lahat meron siya at organized 'yon from first to last magazine.. Maya-maya may pinindot siyang button, biglang bumukas 'yong flatscreen na nakadikit sa wall ng cabinet.. Nag-play 'yong mga fashion shows kung saan ako rumampa.. hindi niya pinatapos lahat, kasi baka abutin na kami ng isang linggo dito. HAHAHAHA! Charot. May pinindot siya ulit na button, nag-play naman 'yong cover ko ng Stuttering. O_O

BAKIT MERON SIYA NUN!?!?!!?

Naalala ko si Laura Williams..

Tinignan ko siya na parang pinaghihinalaan.

Natawa siya.

Harley: Ako nga si Loura Williams. Loura galing sa Lourdes, 'yong Williams dahil idol mo si Hayley 'yon kinuha ko. *sabay tawa*

may kinuha siya sa gilid ng kabinet tsaka sinuot sa leeg ko.. 'Yong kwintas na binigay niya noong naging kami.

Eyel: Stalker ka!! kaya ba nasa sementeryo ka noong nakita mo ko? Kasi si Loura.. este ikaw lang ang sinabihan ko about doon!

Niyakap niya ako habang tumatawa siya.

Pinapalo ko siya ng mahina.

Eyel: Nakakainis ka! Ang daya mo! HOW COULD YOU!? Habang ako, namimiss kita kasi hindi kita nakakausap tapos ikaw nagpapakasarap na nakakausap ako! ANG DAYA-DAYA MO! *pinapalo parin siya*

Harley: Ayaw mo naman akong kausapin eh. Hindi ko na matiis, kaya gumawa na ako ng paraan. Nakakailang account na kaya ako, pero ikaw, tuwang-tuwa ka sa pag-block sa akin.

Kinagat ko ng mahina 'yong balikat niya.

Eyel: Ang daya mo eh.

Harley: Sorry.. Hindi ko na kasi talaga kaya. Hindi ako ganun kalakas para tiisin ka.. *hinigpitan niya yakap sa akin*

Eyel: Umalis ako dahil binalikan mo 'yong bruha!

Inilayo niya ako at tinignan ako sa mata.

Harley: Pinoprotektahan lang kita.. Sorry kung hindi kita pinakinggan.. Natakot kasi ako baka tuluyan tayong paghiwalayin ni mommy pag nalaman niya. Naguguluhan ako ng mga araw na 'yon, hindi ako makapag-isip ng maayos.. Binablockmail ako ni Nichola.. Gusto ka niyang siraan sa mommy ko.. Hindi ko alam gagawin ko noon.. Sorry babe.

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon