Chapter 48: A smile for You

3.4K 203 62
                                    


"Sir... that..." napatingin si Mr. Sy sa binatang nakahiga sa kama sabay nag-aalangang mahina na nagsalita, "... /cough/ ...gusto nyo po bang ikuha ko ng makakain si Mr. Wilson?"

Tahimik at kalmadong hinubad ni Zac ang necktie. Naupo siya sa maliit na sofa at seryosong tiningnan ang assistant. Tila ba binabasa niya ang kung anumang iniisip ng binata bago napapikit.

"No need. I'll call later you kapag may kailangan ako."

"Yes Sir."

Matapos sumara ng pintuan ay dahan-dahang iminulat ni Zac ang pagod at namumula nyang mga mata. Napatingin siya sa binatang tahimik paring natutulog sa ibabaw ng kanyang kama.

Muling sumagi sa kanyang isipan ang mga nangyare sa loob ng sasakyan. Ilang sandali pa nga ay bigla syang napatayo at mahahaba ang hakbang na pumasok ng banyo......upang maligo at magpalit ng kasuotan.

ƪ˘)┐

Wala pang ilang minuto ang nakakalipas na ang binatang tahimik na natutulog, ay dahan-dahang nagising.

Puno ng pagtatakang iminulat ni Finn ang kanyang mapupulang mga mata.

'It feels... hot....~'

Nakaramdam siya ng init sa pawisan nyang katawan kaya naman walang pagdadalawang-isip nyang hinubad ang lahat ng kanyang saplot sa pag-aakalang nakauwi na sya.

Matapos nyang tangalin ang butones ay inis nyang inalis at sinipa ang pantalon bago komportableng niyakap ang kalapit na unan. Ngunit hindi rin nagtagal ng maramdaman nya ang panunuyo ng kanyang buong lalamunan.

'Thirsty....'

Naupo siya sa kama at dali-dali inikot ang mga mata sa loob ng buong kwarto upang maghanap ng pangpa-tanggal uhaw. Tumigil ang kanyang paningin sa isang maliit na kabinet at ilang sandali pa nga ay bigla syang napangiti.

*****

Sa loob ng banyo ay tahimik na nakatingin si Zac sa kanyang sariling repleksyon. Itinukod nya ang kanyang braso sa salamin habang malalim ang iniisip.

Halos mag-iisang oras na syang nasa loob ng banyo at kung ano ang kanyang ginawa? ( hindi alam ni author, naka-lock kasi yung banyo... next time subukan kong maglagay ng hidden camera ... ƪ(‾.‾")┐ cough! Anyway...)

Huminga ng malalim si Zac at pinatay ang tubig. Kalmadong sinuot niya ang bathrobe ngunit sa kanyang paglabas ay kakaibang eksena ang kanyang nasaksihan.

Sa gitna ng kama, nakatindig ang isang hubad na binata. Hawak nito sa kanan ang isang bote ng red wine habang abot taenga ang ngiti. Sa kaliwa naman ay ang remote control... ng air conditioner at ang nagsisilbing microphone nito.

Tila ba nasa bar ito dahil sa kakaibang galaw at pag-indak nito. Tumatalon-talon ito habang sintunadong kinakanta ang 'Sweet Child of Mine'.

Wala sa sariling unti-unting bumaba ang paningin ni Zac sa ibabang bahagi ng katawan ng binata kung saan kanyang nasaksihan ang 'nakakaaliw' at 'kasindak-sindak' (kapana-panabik) na tanawin. Kasabay ng pag-awit at pagtalon nito ay ang pag-alog ng maliit nitong kaibigan; pati na rin ang maputi, mabilog at matambok nitong puwetan.

Napaungol si Zac ng tumama ang kanyang tuhod sa pintuan ng banyo ng makita ang eksenang ito. Mabilis siyang napahawak sa tuhod at mahinang napamura.

Ilang sandali pa nga ay hindi niya na napigilan pa ang sariling lapitan at pigilan ang binata sa takot na baka mapunta pa sa kung saan ang mga kahihiyan nito.

Bride In Disguise (BxB ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon